May Leandro naman siya pero bakit kaya pati ang lalaking ito ay inaangkin niya rin? Tunog nagseselos ang boses ko, ah.

"Basta," tipid na sabi ko lang sa kanya.

"When is her birthday?" he asked me. Nagsisimula na siyang magtanong tungkol kay Markiana at hindi ko iyon ipagkakait sa kanya. Pareho kaming may atraso sa isa't isa.

"Next month ay saka lang magsi-six month old si Markiana. Sa March 17 ang first birthday niya..." sagot ko.

"March 17... In just two weeks?" may multong ngiti na sabi niya. I avoid looking at him dahil alam ko ang gusto niyang ipahiwatig. Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Mabilis pa naman itong mamula.

"Shut up," sabi ko at inirapan siya.

"I'm lucky to have you, love..."

"Dada..." maliit na boses na sambit ng anak niya at nilingon ko silang dalawa.

"Yes, love. I'm your D-Daddy..." Nakagat ko ang lower lip ko dahil may nakita akong luha na lumandas sa pisngi niya at pumiyok pa ang boses niya.

"Dada..." Ang kulit ng baby ko... Ilang beses niyang hinalikan ito sa noo at pisngi. Nakikipaglaro lang sa kanya ang baby Markiana at pilit na inaabot ang buhok ng Daddy niya.

"I love you, Lotus... Daddy loves you, so much. I'm so sorry when your Daddy is late... Babawi si Dada, love... Babawi ako sa 'yo, anak ko..."

Nakakapanghina, may kung ano'ng bagay ang humahaplos sa puso habang pinapanood ko sila. Ang sarap-sarap nilang panoorin pero pati ako ay nahahawa sa pag-iyak.

Hindi na nga ako nakapaghanda pa na sabihin sa kanya, sa baby ko ang lahat pero nakilala na niya agad ang Daddy niya. I'm happy for my baby... Her father is right, she deserve this.

At kung ano man ang ikasasaya talaga ng anak ko ay hindi rin ako magdadalawang isip na ibigay iyon sa baby ko. Mas mahalaga pa rin sa akin si Markiana.

"HOW...did you know that Markiana is a girl?" I asked him, curiously.

Nasa may mini-kitchen kami ngayon at um-order lang siya ng foods for our lunch. Nakatulog kanina si Markiana pagkatapos niyang mag-milk sa baby bottle niya, mabuti nga ay hindi siya naging sutil kanina. Nahihiya akong ipakita kay Markin na nagbi-breastfeed ako sa makulit niyang baby. Saka...ah, basta.

"Just my instinct," sagot niya at nagkibit-balikat pa, "Where are you going by the way?" he asked me.

"Sa..." I uttered at napakamot pa ako sa kilay ko. Kumunot lang ang noo ko nang mapagtantoko na... "Kailangan mo pa ba'ng malaman iyon?" nagsusungit na tanong ko sa kanya.

Chicken soup at vegetable salad ang in-order niya. Hindi ko nga rin alam kung bakit ganitong klaseng pagkain ang binili niya para sa amin. Bakit may sabaw pa at gulay?

"Kulot, I have right to ask that. Markiana is my child..." mariin na sambit niya sa akin. Napahinto ako sa paghigop ko ng chicken soup at napatitig sa kanya.

"May balak ka bang kunin mula sa akin ang anak ko?" kinabahan na tanong ko sa kanya. Nagsalubong naman ang kilay niya.

"Yes," seryosong sagot niya at napabitaw ako sa hawak kong spoon. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko.

Hindi nga siya nagalit sa akin pero may balak siyang kunin sa akin si Markiana?! Hindi ko siya papayagan!

"But I want her Mommy, too," kaswal na sabi niya lang at ipinagpatuloy na ang pagkain. Dahil sa pagkabigla ko ay natatarantang inabot ko ang basong tubig at basta na lamang iyong ininom pero nasamid lang ako.

"Shet," narinig kong mura niya at napatayo pa siya. May lumabas din yata na tubig sa aking ilong.

"Dahan-dahan kasi," utas niya at hinagod niya ang likuran ko. Dahil sa nararamdaman ko na namang kuryenteng nagmumula sa kamay niya ay mas higit na akong nalunod sa tubig na iniinom ko.

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora