"Pasabi sa pinsan mong si Faith na maghiwalay na sila ni Abraham. Walang saysay ang pagmamahalan nila sa mundong ito..."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit at umatras ang emosiyong nararamdaman ko lang kanina.



Sino siya para sabihin iyon?! Wala ba siyang tiwala sa pagmamahalan ng Kuya niya at ni Faith?!


"At paano mo naman nasabi na hindi sila bagay? Si Kupido kaba? Bakit ikaw ba ang Kuya mo para mag desisyon?" Sunod sunod kong tanong na puno ng sarkasmo.


Nagsalubong ang makakapal niyang kilay at nagdikit ang mga labi at tila hindi nagustuhan ang naging sagot ko.


"Hindi man ako si Kuya pero may karapatan akong mag desisyon, dahil alam ko kung ano ang tama-"

"Paano mo nasabing tama ang desisyon mo? Nakikita mo ba kung gaano nila kamahal ang isa't isa?" Natigilan siya ng bahagya dahil sa sinabi ko pero nag salita rin itong muli at pinagpilitan ang gusto niyang mangyari.

"Walang lugar ang pagmamahalan nila sa mata ninyong mga mayayaman. Kaya hangga't maaga pa ay pag layuin na natin sila. "


Ako naman ang natigilan sa pagkakataon na iyon. Ang tanong, wala nga ba?


"Wala kang alam sa nangyayari, at 'wag ka ng mag abala pang alamin iyon at sumingit. Mahirap kami, tingnan mo nga ang sitwasyon niyo. Ang sa akin lang ay ayaw kong masaktan ang Kuya ko. At siguro naman ay ayaw mo ding masaktan ang pinsan mo..." tumigil ito sa pagsasalita. "Kaya hangga't maaari ay ipaglayo natin sila habang hindi pa malala," Seryosong sabi nito bago niya ako tinalikuran.

Nakatitig lang ako sa likod ni Adonis na papalayo na mula sa akin.

Bakit kailangan pang ipaglayo gayong mahal naman nila ang isa't isa?

Sa larangan ng pag ibig ay hindi nasusukat ang yaman at antas sa buhay. Dahil kung mahal mo ay mahal mo, wala ng iba pang rason para pumili.

At alam ko naman ang sitwasyon namin. Mayaman kami, mahirap lang sila. Pero hadlang ba iyon sa pagmamahalan?


"Hindi na niya ako pinapansin, Miriam. Anong gagawin ko?" Malungkot ang boses ni Faith ng sabihin niya 'yon sa 'kin kinabukasan.

Natigilan ako at nilingon siya. Nangyayari na ba? Kumikilos na ba si Adonis?

Tinignan ako ni Faith kaya nakaramdam ako ng kaunting konsensiya, kahit na wala naman akong ginawang kasalanan. Lalo na nang umalingaw-ngaw sa pandinig ko ang huling katagang binitawan ni Adonis.

"Hindi ko din alam eh."

Malakas na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Faith at hindi nakaimik ng matagal.

Naaawa ako kay Faith, pero ano naman ang gagawin ko eh wala nga akong alam diyan? Siguro ang pigilan si Adonis ang magandang paraan para makatulong kay Faith.

Tinangay ng hangin ang hanggang balikat kong buhok at kumawala rin ang buhok ko sa pagkakaipit sa likod ng aking tainga, kaya inipit ko itong muli at lumingon sa gilid ko ng maramdaman ang mga matang tila nakamasid sa akin.

Ni hindi ko inaasahan na gagawin ko 'yon. Para kasi akong na aakit na lingunin ang nagmamay-ari ng lapastangang mga matang iyon.

Halos manigas ako sa kinauupuan ko ng mapagtantong si Adonis iyon. May katabi siyang magandang babae na maputi at mahaba ang buhok ngunit nakatali ito ng pa-ponytail, nag sasalita ang babae at nasisiguro akong si Adonis ang kausap nito. Pero wala sa kaniya ang atensiyon ni Adonis, dahil na sa akin.

Mamula-mula ang pisngi ng babae at ang labi nito ay pa-cupid's bow na makintab na mukhang nakalip gloss.

Muli ay ibinalik ko ang tingin kay Adonis na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. At dahan-dahang kumuyom ang kamao ko. Siya ang dahilan kung bakit hindi na pinapansin ni Abraham si Faith. Inirapan ko ito dahil sa pagka-inis at hindi na muling nilingon pa ito.

At bakit ko naman lilingunin ang hambog na iyon?!

"Miriam, mauna kana. May pupuntahan lang ako." Tumigil ako sa paglalakad dahil sa pagbabago ng desisyon ni Faith. Napagdesisyunan kasi naming bumili ng tusok tusok bago umuwi.

At ngayong malapit na kami sa labas ng gate ay bigla na lang niyang sinabi iyon.

Na ngunot ang noo ko at magsasalita pa sana nang umalis na ito.

Napailing ako at aksidenteng napatingin sa paanan ko at dahil sa ginawa ko ay may nakita akong puting papel, nahulog yata ni Faith. Dinampot ko ito, susundan ko na sana si Faith para ibigay ang papel ng mapansing binabasa ko na pala ang nakasulat sa papel.

Magkita tayo sa library ngayon. - Abraham.

Nilukot ko ang papel at sinundan ang pinsan ko. Nakaramdam ako ng kakaiba, pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.

Anong ginagawa ni Abraham dito? Pasno siya nakapasok? Bawal kasi ang outsider dito.

Tumigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang pag sigaw ng pinsan ko kahit na nasa malayo pa lang ako.

"Ano ba kasing problema mo, Abraham?! Bakit hindi mo na ako pinapansin?! Okay naman tayo noong isang araw, ah? 'Di ba nangako ka pa sa akin? " Nagsusumamo ang boses na tanong ni Faith.

Saglit na hindi nag salita si Abraham."Faith, binibigyan kasi kita ng peace of mind para maisip mo na hindi ako ang lalaking mahal mo!" May pagtitimpi na huwag masigawan ni Abraham si Faith ng malakas.


Humakbang ako ng dahan-dahan papasok sa loob upang silipin sila.

Nakatalikod si Abraham mula sa akin habang si Faith naman ay nakaharap sa akin pero hindi naman niya ako nakikita.

"A-anong peace of mind?! Hindi ko kailangan iyan! B-bakit kailangan ko pang ispin na hindi ikaw ang m-mahal ko?! Eh ikaw nga ang mahal ko d-diba?!" Nabasag ang boses ni Faith senyales na paiyak na ito.

Nakaramdam ako ng awa para kay Faith. Ito na nga ba ang sinasabi ko.


Hindi nag salita si Abraham kaya nag salita siyang muli.

"Sige, kung iyan rin lang naman ang gusto mo. Edi mag hiwalay na tayo! " puno ng hinanakit na sigaw ng aking pinsan at marahas na pinunasan ang basang pisngi at mabibigat ang mga hakbang na lumabas ng library.

Susundan ko na sana ang pinsan ko ng may biglang lumabas sa isang sulok na malapit lang sa puwesto nila.

"Tama ang ginawa mo, Kuya. Wala kang dapat na pagsisihan," seryosong sinabi ni Adonis habang nakatitig sa kapatid.

Humigpit ang hawak ko sa librong yakap yakap ko habang matalim na nakatingin kay Adonis.

Siya pala ang dahilan! Ano ba talagang problema ng isang ito?!

Yumuko si Abraham at nakita ko pa ang pagtaas baba ng magkabila niyang balikat at ang mahina nitong hagulgol. Lumuwang ang pagkakahigpit ng hawak ko sa libro ng mapagtantong umiiyak si Abraham, isa lang naman kasi ang dahilan kung bakit umiiyak ang isang tao.

Dahil mahal ni Abraham si Faith at nasasaktan siya kaya siya umiiyak, ginawa lang niya iyon para sa kabutihan ng pinsan ko. Pero ang tanong nakabuti nga ba iyon para sa pinsan ko gayong nasaktan naman ito?

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Where stories live. Discover now