Kabanata 2

399 28 1
                                    

Read more chapters now on Patreon/Facebook group. Message to join group and you can pay membership using GCash/Maya. Membership is 150/month. You can cut your membership and rejoin group anytime. Thank you for your support!

Kabanata 2

Nagsimula kami ni Caspian sa pagiging magkaibigan. Simula nang dumating sila ng pamilya niya sa hacienda namin ay magaan na agad ang loob ko sa kaniya. He's a simple man with dreams only enough to help his family and himself live a better life. At siguro iyon din ang nagustuhan ko sa kaniya.

Tumayo ako at nakangiti siyang sinalubong dito sa munting naging tagpuan na namin. Isa itong maliit na pahingahan ng mga trabahante ng asukarera. May isang mesa at mga upuan dito na gawa sa kahoy. Pero dahil may kalayuan na rin ito at halos nasa dulo na ng azucarera namin kaya hindi na rin talagang napupuntahan ng mga tao rito sa loob ng hacienda.

Nakangiti rin si Caspian habang papunta sa akin. Nakasuot lang siya ng simpleng T-shirt at shorts. Ang guwapo niya kahit sa simpleng pananamit lang. Maayos naman ang buhok niya na medyo nagugulo lang din ng hangin. As we stood in front of each other his tall height became more defined. Lalo at nakasimpleng flat sandals lang din ako. I was wearing my usual dress here in our hacienda. And Caspian smells so nice. Parang natural na amoy lang din niya, which was fresh and clean.

We sat there and started to enjoy the little meryenda that I brought for us. Siyempre ako ang may gawa ng mga ito. It's just bread that I made personally and some healthy fruit juice. "Salamat sa pagkain." Caspian smiled and thanked me.

"You're welcome." I said, and we also thanked God for our food.

And then we just enjoy each other's company. And I enjoyed my little time with Caspian.

But the moment I came back to our mansion, nakatanggap ako ng isang sampal kay Mama. Napahawak ako sa pisngi ko at nanlaki ang mga matang nakatingin sa Mama ko. "Mama..."

"Totoo ba? You have this relationship with one of our workers here in our hacienda?" Mama was fast to confront me.

Hindi agad ako nakapagsalita at gulat pa. Hindi ko man gustong itago ang relasyon namin ni Caspian pero alam ko na ganito ang magiging reaksyon nina Mama. And I was scared na paghiwalayin nila kami. At mukhang dumating na nga ang kinatatakutan ko...

"At saan ka nanggaling ngayon? Huwag mong sasabihin sa akin na magkasama kayo ng lalaking iyon?!" Mama was obviously angry...

"M-Mama—"

"Totoo? Totoo nga?!" Napahawak si Mama sa mga labi niya na parang hindi siya makapaniwala sa akin.

"Hector, papuntahan mo sa mga tao natin ang lalaking ito at palayasin sila ng pamilya niya ngayon din." tawag ng mama sa papa.

Nanlaki ang mga mata ko. "Mama—"

"Tumahimik ka, Rosette! Wala ka sa tamang pag-iisip. Nawala ka na siguro sa iyong katinuan. Hindi ka nag-iisip! Ang daming lalaki. Nandiyan si Sancho. Bakit isang hamak na lalaki ang nagugustuhan mo? Nag-iisip ka ba?"

"Mabait po si Caspian, Mama—"

"Wala akong pakialam! Mag-isip ka nga." Gigil akong nilapitan ng Mama. "You are a Regalado! Isa kang heredera! Bakit ka magkakagusto sa isang kahig isang tuka na lalaking iyon?!"

"Hector..." Napahawak si Mama sa kaniyang ulo at agad naman siyang inalalayan ng Papa.

Bumaling sa akin ang Papa na seryoso rin. "Umakyat ka na sa iyong kwarto, Rosette. Mag-uusap pa tayo mamaya." anito sa akin.

"Pero, Papa... Ano po ang gagawin ninyo sa pamilya ni Caspian? Hindi po ninyo sila pwedeng basta na lang na paalisin dito—"

"It's our hacienda and we have the right na magpaalis ng mga tao rito."

No Greater Love Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora