Ngumiti lang si Kenneth saka napakamot ng ulo. "Wala, eh. Ganoon talaga kapag may lakas ng loob. Saka gwapo." Binigyan nito ng makahulugang ngiti si Rhian.

Nag-blush si Rhian at sinubukan nitong ikubli iyon sa pamamagitan ng pag-iwas ng tingin.

"Jusko, hangin!" Kinuha ni Josel ang pamaypay sa bag nito, binuksan iyon saka pinaypayan nang malakas si Kenneth. "Galawang Dylan ka, ha?" Natigilan ito. "Oops, I think I just said a bad word." Sinulyapan nito nang tingin si Michelle.

True enough. Bigla kasing napawi ang ngiti nito at dinukdok ang ulo sa desk. Ruby knew the reason why. Bigla kasing nag-deactivate si Dylan without informing them kung bakit. Tuloy, hindi maiwasang mapraning ni Michelle.

Halatang na-curious si Rhian kung ano ang mayroon pero pinili lang nitong huwag magsalita. Sa halip, humarap ito sa kanya at nginitian siya. Hindi niya iyon inaasahan kaya nginitian lang din niya ito.

"Best friend ka ni Kenneth, 'di po ba?" tanong nito.

Napakurap siya. "Ha?"

"Lagi ka po niyang kinukwento sa akin dati, kahit noong bago pa lang kaming nagiging friends. Ang cute mo daw po lalo na kapag may mood swing. Akala ko nga po, may gusto siya sa iyo, eh." She giggled. "I guess, ganoon po talaga katibay ang bond n'yo ni Kenneth?"

The flattery pleased Ruby to no end. Imagine, akalain mong sinasabi pala iyon ni Kenneth kahit noon pa? And, wow lang ha? Kenneth thinks that her mood swings made her cute. It wasn't something to be proud of, pero, lecheng iyan, he just revised the meaning of mood swing as something awesome!

But still, it could not change the fact that Kenneth was courting someone who was obviously better than her. Maganda, sexy, mabait, matalino, talented... she had seen all of these on Rhian.

For whatever reason, she felt uncomfortable around Rhian, and it worsened when Kenneth put his left arm around her.

"Ikaw, ano'ng kinukwento mo kay Ruby, ha?" anito kay Rhian. His voice sounded sweeter than usual. "Parang nagkakasundo yata kayo agad."

Rhian giggled. "Eh, kasi naman, alam mo na. Saka mabait naman si Ate Ruby. Ikaw nagsabi noon, 'di ba?"

Hinawakan ni Kenneth ang ulo ng dalaga, at inihilig iyon sa balikat nito. "Basta 'yung mga secret natin huwag mong sasabihin sa kanila, ha?"

Rhian blushed again which made the others wonder. Tuloy, gumana ang pagiging usyuso ng mga ito.

"Ano iyon, Kenneth, ha?" may halong pagsususpetsa sa pabirong paraan na sabi ni Josel.

Samantalang, tumayo naman si MJ. "Ano 'yun? Nagganito na ba kayo?" He humped his hips back and forth, mimicking sexual intercourse. Sinabayan pa nga nito ng pag-ungol. Hindi tuloy maiwasang mapakunot ng noo ng lahat.

"Tarantado talaga itong si MJ. Kahit kailan, napakalibog." Napakamot ng ulo ang kakambal nito saka hinarap si Rhian. "Huwag mo na lang pansinin ang gagong ito. Takas iyan sa mental, eh."

Tulad ng parating nangyayari, binatukan ito ni MJ. "Gago ka, ha? Narinig kita! Ano'ng takas ako sa mental?"

"Bakit, hindi ba totoo?"

"Hindi!" mariing pagtanggi nito. "Gusto mong ipakain ko sa iyo ang etits ko, ha?"

"Gago! Doon ka na nga, payat!"

"Itong sa iyo!" Ipinasok nito ang kamay sa damit ng kakambal at kinurot nang mariin ang utong nito saka nagtatakbo palayo. Malakas pa nga itong tumawa.

"Putang ina, ang sakit." Halos maiyak si RJ sa ginawa ng kakambal. Pagkatapos, tumayo ito. "Hahabulin ko lang 'yung gago kong kakambal, ha?" He didn't wait for them to reply. Hinabol na nito si MJ.

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon