Tumingin muna siya sa akin, naistorbo ko pa yata sa pagkain. "Jun." Mahina niyang sambit at nagpatuloy sa pagkain, gutom na gutom siya.

"Mang Jun, hindi ko po sinasadyang marinig pero sino po 'yong pinapahanap sa inyo? Bakit po kailangan nila kayong patayin dahil sa libro?"

"Alam mo iha, matagal na akong nagsisilbi sa kanila kahit hindi ko gusto dahil nga papatayin nila ako, may pinapahanap sila sa akin, libro at kwintas, may pinapahanap rin sila sa aking tao, magkapatid, kambal–" Napalunok ako. "Pero kahit alam ko kung nasaan sila, hindi ko sasabihin, ayokong makasira ng buhay na tahimik na." 

Nakahinga ako ng maluwag. "Nahanap niyo na po ba?"

"Hindi pa pero–" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, "Mag-iingat ka."

Napakunot noo ako. "Pinagkakatiwalaan ko po kayo, nararamdaman ko pong mabuti rin ang inyong puso. Mang Jun, ako po si Tyra, Tyra Musico." Parang hindi na siya nagulat, parang alam na niya ma isa akong Musico.

"Maraming salamat sa tulong mo, hindi nga ako nagkamali, isa ka nga'ng Musico. Ikaw ba yung anak ni Arah? H'wag kang mag-alala, tutulungan kitang hanapin ang pumatay sa Papa." Sabi niya bago uminom ng tubig.

Napamaang ako, pumatay sa Papa ko? Ang alam ko binangungot si Papa kaya siya namatay, bakit? Huh!!

Biglang pasok ni Joepette sa kubo. "Miss Tyra, kailangan na po nating umuwi." Marami pa akong gustong itanong e.

"Maraming salamat sa pagkain at sa pagtulong sa akin, kung sa susunod na pagpunta ninyo dito ay wala na ako, tandaan ninyo na nasa paligid niyo lang ako, handang tumulong anumang oras." Nakangiting sambit ni Mang Jun, ibinigay ko na lang sa kanya ang suot kong jacket dahil mukhang giniginaw siya.

Mag-aalas dos y media na kami nakabalik sa farm ni Joepette.

-

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa kabilang kubo. "Ayoko n'yan Dada! Ayaw ko!" Umiiyak na sambit ni Eya, bumangon ako para puntahan sila, mukhang kanina pa sila nagkakagulo. 

"Good morning." Bati ko, nadatnan kong nakasimangot si Eya.

"Nagising ka ba dahil sa kapatid ko? Pasensya na."

"Okay lang. Bakit nga pala umiiyak si Eya?"

"Ah, ano kasi eh, nagmamaktol, hinahanap 'yong cup noodles niya."

Hala..

"Ah, ako na lang ang kakausap kay Eya." Sabi ko at nilapitan ang bata.

"Good morning Eya."

"Good morning Ate." Bati rin niya pero nakasimangot pa rin.

"Hinahanap mo raw 'yong cup noodles mo?" Tumango siya, "h'wag ka na magtampo, ako ang kumain nun . . . kagabi, sorry." Napatingin siya sa akin. "Ang lamig lamig kasi kagabi, magkakape sana ako kaso wala na palang asukal dito kaya 'yong cup noodles na lang ang kinain ko, bibilhan na lang kita mamaya."

Lumapit siya sa akin at yumakap. "Okay lang po Ateng sleeping beauty, kapag binilhan niyo po ako, sea food flavor po ha."

Tumango ako. "Oo, bibilhan kita ng dalawa."

"Opo, salamat po." Nakangiti niyang sambit, "May asukal na pong binili si Dada, magkape ka na po Ate."

"Sige, susunod na lang ako, inumin mo na 'yong gatas mo doon."

Pag-alis ni Eya ay tinawagan ko agad si Tito Drammy.

"Nasaan ka na po?"

"Paalis pa lang ng bahay, bakit?"

"P'wede niyo po ba akong bilhan ng dalawang cup noodles? Sea food flavor po Tito."

"Sige, dadaan ako sa tindahan. Wala ka na bang ibang ipapadala?"

"Charger po ng phone ko atsaka damit na pamalit sana."

"Mayro'n ka na ditong damit, ipapakuha ko na lang kay Gwy ang charger mo."

"Sige po Tito, salamat po, mag-iingat po kayo sa pagmamaneho."

Bumalik muna ako sa higaan ko para tupiin ang ginamit kong kumot.

"Ihq, ipinagtimpla na kita ng kape."

"Salamat po Aleng Adela."

"Kumusta nga pala ang kakambal mo? Parang hindi ko na yata siya nakikitang nagpupunta dito."

"Busy po sa bahay e, katulong po siya ni Tita Alpa sa pag-aalaga kay Clarry."

"Hindi madaling magkaroon ng kakambal ano?" Malungkot ang boses ni Aleng Adela, mukhang may pinagdadaanan din siyang hugot sa buhay.

"May kakambal din po ba kayo?" Tanong ko at bahagya siyang tumango.

"Hindi ko nga alam kung nasaan na siya ngayon e, ilang dekada na kaming hindi nagkikita at wala akong balita sa kanya. Lumayas kasi ako sa amin noong ika-labing walong kaarawan namin, naramdaman ko kasing–"

Napatungo si Aleng Adela, mukhang may mabigat nga siyang pinagdaanan dati.

"Palagi po ba kayong kinu-kumpara sa kanya?" Biglang tanong ko na hindi ko alam kung saan galing, bigla na lang lumabas sa bibig ko.

"Oo, at ramdam ko namang hindi ako ang paborito ng magulang at mga kapatid namin. Naalala ko pa nga na yung mga regalo sa kanya ay mamahalin tapos 'yong sa akin ay sa bangketa lang nabibili. Iyong gown niya pinasadya pa para sa kanya tapos 'yong sa akin ay renta lang, 'yong cake niya pinasadya rin at paborito niya pang flavor tapos 'yong sa akin ay cup cake lang na nabibili sa sari-sari store, hindi naman sa nagrereklamo ako pero ang unfair hindi ba?"

Bigla akong nalungkot, ang dami kong naalala.

"Kaya hindi ko na tinapos ang party, habang nagsasaya sila ay umalis ako, parang anino lang naman ako ni Adelyn noon kaya sumama na lang ako kay Jerry at nagtanan kami."

Hinawakan ko sa kamay si Aleng Adela. "Kapag kambal po talaga hindi maiwasang mai-kumpara." Pilit akong ngumiti pero may kirot na naramdaman.

I hate comparing and favoritism. You wanna know why?

Because I never win.

* End of Chapter 17 *

A/N : Chubbabies 💜 thank you so much! God bless everyone, don't forget to vote and comment, keep rockin' 🤘

>🎸

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now