Chapter 48

91 1 0
                                    

CHAPTER 48 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Hello?"

"Tyra... kailan mo ako ilalabas dito?" Tiningnan ko ulit ang number ng tumawag sa akin, unregistered pero kilala ako?

"Sino 'to?"

"Mike, si Mike 'to. May nag-iwan ng cellphone sa akin nung nagpunta dito ang Tito mo. Kasamahan mo ba 'yon?"

Naalala ko si Tito Chordie. "Oo. Huwag kang mag-alala, malapit na."

"Sige, hihintayin ko ang text mo." Agad kong inilagay sa bulsa ko ang cellphone ko nang marinig kong bumukas ang pinto.

"May kausap ka Sissy?" Umiling ako, "Don't tell me kinakausap mo na naman ang sarili mo."

"Hindi. Tara na, pupunta pa tayo sa Doctor mo 'di ba? Ang dami ko pang gagawin ngayong araw Gwy, sige na, sumunod ka na lang sa baba ha."

Ang hirap humanap ng t'yempo na mag-isa lang ako para sana mapanood ko na kung ano man ang laman ng flash drive.

"As soon as possible, kailangan na niyang ma-operahan. Sad to say, humihina na talaga ang puso niya, hindi na effective ang mga gamot. Tatapatin na kita iha, medyo malaki-laki ang perang kakailanganin ninyo."

Napatingin ako kay Gwy, nakatulog na siya habang chini-check up ang puso niya kanina.

"Gagawan ko po ng paraan. Kapag hindi po siya na-operahan agad ay posibleng-"

"Oo. Sa ngayon kasi unti-unti na ring nagsasarado ang daluyan ng dugo papunta sa puso niya kaya kailangan na talaga niyang ma-operahan."

Napabuga na lang ako sa hangin.

Uunahin ko na muna ang para sa operasyon ni Gwy bago ang katotohanan. Alam ko namang kahit ano'ng mangyari ay malalaman ko rin ang totoo, alam kong tutulungan ako nila Mama.

"Eh yung tungkol sa Alzheimers niya po?"

"Okay naman. Sabi mo naman medyo matagal na siyang hindi inaatake so don't worry about that, basta continue lang sa pag-inom ng gamot."

"Maraming salamat po Doc, babalik na lang po kami ulit."

Hinihintay ko na lang na magising si Gwy. Sa totoo lang, palagi siyang nakakatulog tuwing check niya, hindi ko alam kung normal ba 'yon sa kanya o sinasadya niya talagang makatulog para hindi niya agad malaman ang sasabihin ng Doctor.

"She's awake." Sabi ng Nurse sa akin.

Lumabas si Gwy ng kuwarto na nakangiti. "Hi Sissy, bakit hindi mo ako ginising?"

"Para makapagpahinga tayo pareho kahit saglit lang." Sagot ko habang hawak ang mga kamay niya.

"Eh bakit parang pagod ka pa rin?"

Ngumiti na lang ako. "Uwi na tayo."

"Gusto ko ng ice cream." Bulong niya, napangiti ako ulit.

"Tara, libre ko." Sabi ko, ice cream ang nagpapakalma sa amin pareho tuwing pagod na kami sa lahat ng bagay. Naalala ko noong sinasaktan kami ng Asawa ni Nay Shielo, kahit puro pasa at galos kami, nagpupunta pa rin kami sa tindahan ng ice cream, parang 'yon ang naging gamot namin sa lahat ng sakit na naranasan namin. At ngayon, sisiguraduhin kong wala ng mananakit sa amin, lalong-lalo na sa kakambal ko.

"Bibili lang tayo ng ice cream ah, bakit ka umiiyak?"

Napahawak ako sa mukha ko, may luha nga. "Hindi ako umiiyak, pawis lang 'to. Sige na, pumili ka na ng flavor na gusto mo." Sabi ko habang kumukuha ako ng pera sa bag ko.

"Chocolate at Strawberry po. Ikaw Sissy, ano'ng gusto mo?"

"Ube at Cheese na lang."

Taas kilay siyang tumingin sa amin. "Wala ka bang balak tumikim ng ibang flavor?" Umiling ako, "Kahit noong mga bata pa tayo e 'yan ang flavor na gusto mo."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now