"Papunta na si Mistress Fhaun at Master Uran dito. Pero nasaan na kaya si Lara? Gosh!" Hindi naman mapigilang mag-alala ni Amber lalo na't nawawala si Lara.

Agad akong tumakda at akmang aalis na. "Hahanapin ko si Lara." I was so ready to risk everything. I knew something is not going to happen. Something's not good and I need to stop it.

"Wait! Sasama kami." Sabi ni Tanya na mukhang naeexcite sa bakbakang magaganap. Inayos pa nito ang combat gloves na kulay puti.

"Tara na!" Hudyat ko sa kanila. Bahala na kung anong maging kahinatnan ng pangyayaring 'to. Naibulong ko sa hangin.

Narating namin ang House of Moondane pati ang head master and preceptor's building pero wala kaming nakita ni anino ni Lara. Halos magpabalik-balik kami pero wala parin si Lara. Nilibot namin ang buong academy pero hindi namin siya nakita. Nasaan ka na? Hindi ka pwedeng mawala. Hindi!

"Lara!" Malakas ko uling sigaw. Kahit mawalan pa ako ng boses kakasigaw. Mahanap lang kita.

Pabalik na kami ng selection hall kung saan malapit din ang sagupaan ng mga preceptors at tenebris nang maaninag namin ang isa sa mga estudyante ng academy na tumatakbo palapit saamin. Si Charm, isang water keeper na initiate.

Humihingal ito at halatang malayo ang tinakbo. Nagsalita ito nang naging normal na ang paghinga. "Si- Si- Si La-La-Lara, nakikipagpalitan ng atake sa mga tenebris!"

Lahat kami ay nagulat sa balita ni Charm. Halos sabay-sabay rin kaming napatakbo patungong hardin sa harap ng house of draco.

Shit! What are you doing Lara? Napasuntok ako sa hangin.

Malayo pa lang ay nakikita ko na ang signature arrow shot ni Lara mula sa pinaghalo niyang light and fire property. Tila tumatama iyon sa isang malaking dark energy shield dahil agad na sumasabog ang arrow shot ni Lara at nagvi-vaporize.

Lalong napabilis ang takbo ko. Silex and Tanya was behind me habang magkasabay naman sina Charm at Amber.

We reached the battle scenes. Hindi parin nakakalapit ang mga tenebris sa selection. Malakas ang depensang pinamalas ng tatlong heads.

Everywhere was in chaos.

Nakarating kami sa kinaroroonan ni Lara na walang takot na pinapaulanan ng combined keeps ang mga tenebris. Nandoon din ang ilan pang matatapang ma initiates para harapin ang mga tenebris na halos dumoble na ang bilang.

Ang tatlong heads of the house ay kasalukuyang tinutugis ang iba pang grupo ng tenebris sa dakong kaliwa ng basag na shield ng academy samantalang may isa pang nawasak na bahagi ng giant shield sa dakong kanan ng hardin.

We were divided and almost outnumbered.

"Dragon's holly roar!" narinig kong sigaw ng head of draco na si tatang Dravan. Nagpalabas ito ng isang malaking apoy sa bibig na gaya ng isang tunay na dragon. Nalusaw ang ilan sa mga kalabang tinamaan ng namumulang apoy.

Kumumpas naman si Phobus at mabilis na nagtransform. Naging isang higanteng manika ito na nasa limampong talampakan ang taas at may hawak na higante ring pamaypay. "Hayaaaaah!" sigaw ng higanteng si Phobus kasabay ng pagpaypay ng malakas. Bumuo iyon ng isang malaking ipu-ipo at hinigop pailalim ang mga malapit na tenebris. Pagkatapos nitong higupin ang mga kalaban ay biglang sumabog ang ipu-ipo kasabay ng pagsara ng pamaypay ni Phobus.

Tumalon naman ng napakataas si Dover. Ang head master ng house of Columbae na pinaniniwalaang slayer of the phoenix. Sa paglutang ni Dover sa ere ay mga mumunting liwanag ang sumulpot sa paligid nito at paikot na dumikit sa katawan niya. "Wings attack!" Narinig kong sigaw nito. Kasunod no'n ay ang paglabas ng daan-daang liwanag na hugis ibon patungo sa mga papalapit na dark forces. Nalusaw ang mga kampon ng dilim na tinamaan ng mga liwanag na hugis ibon.

Malalakas ang mga heads of the house pero tila hindi nauubos ang mga tenebris at mas lalong lumalakas ang mga ito habang tumatagal ang laban.

" Prohibere consummatio" narinig ko mula saaking likuran. Si Mistress Fhaun na tila nagca-cast ng spell.

Nagkaroon ako ng lakas sa pagdating niya.

"Hinihigop ng mga tenebris na yan ang mga pinapakawalan niyong enerhiya kaya mas lalo silang lumalakas! Naparito sila para nakawin ang mga kapangyarihan niyo kaya huwag na huwag kayong aatake hanggat hindi ko nakukumpleto ang dispelling ritual!" Malakas nitong anunsyo.

Narito sila para magnakaw ng kapangyarihan at dakpin si Lara. Bulong ng isip ko.

"I know that Laurent. Keep Lara away." Utos ni Mistress Fhaun sa utak ko.

Nahimasmasan naman ako sa utos ni Mistress Fhaun. Mabilis akong tumakbo patungo kay Lara.

Narinig ko pang nag-cast uli ng isang dispeller si Mistress Fhaun. "Consumatium lacornios exhpi!"

Nasa kalagitnaan ng palitan ng kapangyarihan ang mga tenebris at ang nga estudyante't preceptors nang mabilis kong kinabig si Lara mula sa kanyang likuran. Hinila ko ito at agad na kinarga sa aking balikat habang nagpupuniglas na kumawala. Nakailang hakbang ako palayo kung saan ko siya hinablot nang makarinig kami ng isang boses lalaki mula sa mga tenebris.

"ATE! ATE LARA!"

Kahit na hindi ko 'yon lingunin alam ko at kilala ko ang boses na 'yon. Narinig ko na 'yon dati sa Mystic Forest.

"ATE hindi ka nababagay dito. Sumama ka saakin."

"C-Cael." Narinig kong pagkilala ni Lara sa boses na 'yon.

###

The Keepers [TKS#1]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα