one

36 1 0
                                        

Ameerah's POV

"Mag-iingat ka anak" ngumiti ako kay mama at kumaway.

Lunes nanaman at kailangan ko ulit pumasok. Hindi naman sa tinatamad ako pero alam mo yun, paulit-ulit na lang kase yung cycle sa classroom.

"Ameh!" napalingon ako sa likod at nakita ko tong pinsan kong si Nitzell.

"Oh? Ang aga mo ah?" tanong ko habang tumatawa. Usually kase tanghali nagigising yan kaya palaging late.

"Ewan ko. Maaga ako natulog kagabi. Nakakapagod manood ng k-drama" tumatawang tugon niya naman.

Ilang sandali ng paglalakad at pagku-kwentuhan ay nakarating na din kami sa school na pinapasukan naming dalawa.

"Hihi, ang pogi mo talaga" napalingon naman ako sa gilid nang may marinig akong boses na parang naglalandian. Yuck! Nakakairita sila.

"Sure I was baby" napairap naman ako nang makita ko kung sino naman yung kausap ni ate girl.

Yun ba? Well siya? Siya lang naman si Ezekiel James Carbonel. I hate him. I hate how he plays with so many girls. Nakakairita siya.

He doesn't consider himself as playboy kundi 'Friendly' as if naman hindi niya sinasabihan ng mabubulaklak na salita yung mga babae. Kumbaga, Campus Crush siya.

Like eww, kung tutuusin naman ay mas cute sa kanya si Kirk. Kirk Steven Malana, kaibigan niya yan. I actually admire Kirk kase cute at napaka-magalang niya kaso naaah. Mat gusto na siyang iba.

"Ang ganda mo" sabi niya pa dun sa babae na mas pinandirihan ko lalo. I just hate guys na sobrang landi. Nakaka-cringe sila.

Actually matagal tagal na din talaga kaming magkaklase niyan ni EJ. Ang kaso lang diyan is never ko pa siyang nakausap dahil nga sa sobrang babaero at pa-fall niya. Yung tipong sasabihan ka ng mabubulaklak na sila ngayon at ituturing ka na parang usok bukas. Daig pa ata niyan nagka-alzheimer sa sobrang makakalimutin eh.

Pero bat ba natin pinaguusapan yang kumag na yan? Tsk!

"Uyy nakatitig ka kay EJ ah" singit naman ni Lia. Bestfriend ko siya.

"Yuck! Hindi noh. Bat ko tititigan yan? Buti sana kung kasing gwapo siya ni Zac Efron noh!" sabi ko at nagpatuloy muli sa paglalakad.

"You hate him that much huh?" nakangising ani sabi sakin ni Lia.

"I hate him more than my life. Never kong magugustuhan ang gaya niya" sabi ko habang kasabay maglakad si Lia.

"Be careful of what you are saying Ameh. Malay mo mabalitaan ko na lang isang araw na nagde-date na kayo" nakangisi niya ulit na sabi kaya agad ko siyang binatukan. Nakakainis yung ngisi niya.

"Duh! Mandiri ka nga sa iniisip at sinasabi mo! Yang si Ezekiel James? Walang maaasahan sakin yan" sabi ko at mas binilisan ko ang paglalakad dahil sobrang nandidiri ako sa mga sinasabi niya.

"Whatever you say Ameerah Chloe" natatawang sabi ni Lia at sinundan ako sa paglalakad.

FallWhere stories live. Discover now