Chapter Eight

1.2K 66 34
                                    

        HINDI PA NARARANSAN NI MEGAN NA MAPAKILALA SA MAGULANG. Frankly, she didn't have a good experience the first time parents were involved in her relationship. 

Dahil na rin siguro roon, naka-develop siya ng takot pagdating sa pagbuo ng relasyon pagkatapos maging sila ni Derek. Magulo kasi siya. She wants a serious relationship, but at the same time she fears that she won't be able to provide its demands. Kasama na roon ang pagkilala sa magulang ng taong mamahalin.

Kasi double B to the highest level nga naman, paano kung hindi siya magustuhan?

Nakakatakot. Imagine, lumaki siya na mahal ang sarili, mahal ng magulang at pamilya, pero may mga tao na hindi siya magugustuhan. Hindi dahil sa kung anu-anong dahilan, but rather, simply because she was her.

Ang tragic pakinggan. Parang hit teleserye pagkatapos ng noontime show.

'Yong kumpyansa niya na binubuo, mawawala na parang bula. Hindi dahil may mali naman talaga sa kanya, pero dahil sa mata ng mga taong mahal ng taong mahalaga sa kanya, hindi siya karapat-dapat.

That fear was developed when she met Derek's parents a decade ago. Naalala niya kung paano siya tinago, ikinahiya, inalipusta.

She was never right for San Juanito's prince. 

Cute naman siya. Matalino rin. Palpak nga lang madalas. Pero kahit naman siguro pagbalikbaliktarin niya ang mundo, hindi niya naman kinailangang danasin 'yon? She deserves respect at the very least, pero kahit hanggang sa pinakadulo, parang hindi pa rin iyon naibigay sa kanya ng pamilya ni Derek.

How can she not fear parents if that was the case, right?

She was growing from that fear, however. Matagal na iyon at nagbago na ang ikot ng mundo. Kahit na nabitbit na naman siya sa isang eskandalo dahil kay Derek, she was doing better.

She no longer thought of him as a standard by which every guy must follow. Hindi na rin niya inaabala ang sarili sa pag-stalk kay Kiana June.

Alam niya na ikakasal na ang dalawa, and she had no plans of being in the same space where they were.

Kaso parang ang bigat palang hilahin ng sariling pag-usbong. The longer she stayed in San Juanito, the sadder she got.

Miss niya na ang maingay na Manila, her desk at Elixir, sina Weng at si Lola Dally. She missed having the freedom to grow without being heldback by fear, pero kahit anong gawin niya, lagi siyang hinahabol nito.

She was back to where it started again: fearing parents.

"Sure ka ba na ipapakilala mo ako sa kanila?" tanong niya kay Theo. Tapos na sila kumain ng kwek-kwek at nakatambay sa may pangpang. 

Siguro kalahating oras na lang, magsisimula nang lumubog ang araw. It was getting colder again.

Dito sila nagtago noon nung akala niya may ki-kidnap sa kanila. Back then, akala niya normal na tao pa si Theo, ngayon, hindi na. Not just in the literal sense, but also with what he meant for her now.

Nakakahiyang aminin, pero Lord, kasi...

Parang isang hinga na lang 'di na siya makaka-recover sa feelings niya para kay Theo.

Shems. Double B. Nahuhulog na naman siya. Paano kung 'di na naman siya makabangon ulit? Kakayanin niya bang masaktan na naman?

Tiningnan siya ni Theo na para bang ang weird ng konsepto ng tanong niya. "Alam naman nila 'yong tungkol sa atin ah?"

She felt sly to do this, pero kailangan niya kasing marinig. "Ano bang meron sa atin?"

Sa unang pagkakataon mula nang makarating si Theo sa San Juanito at sa 'di mabilang na pagtitiis nito sa irrational fears ni Megan, nakita niya nainis ito. 

His brows scrunched up together. Imbes na hayaan ang sarili na malayang magsalita, he chose to clench his jaw and stare at the ocean in front of them.

Nakaramdam si Megan ng inis sa sarili lalo na nang mapansin niya na lumayo sa kanya si Theo nang kaonti. She was reminded of how he used to be when he was still closed off. He had been nothing but patient, kaso takot na takot kasi si Megan. Si Theo kaya niyang pagkatiwalaan, pero ang sarili niya? Ang mga taong nakapaligid sa kanila? Ang tadhana? Hindi.

At kapag mangyari ang pinakakinakatakutan ni Megan, alam niyang wala ng Theo na nandoon para saluhin siya.

"Sorry," she rushed to say. Hindi kumibo si Theo kaya sumubok siya ulit. "Medyo anxious lang ako. Sorry ulit."

"Hindi," Theo finally spoke. "Tama ka naman. Wala pa namang meron sa atin. 'Yon naman 'yong tinatrabaho ko, e. 'Yong magkaroon ng tayo. Sa ngayon, kapag may magtanong kung anong meron sa atin, o magtanong ka rin, ang isasagot ko na lang 'nililigawan kita' kasi 'yon naman 'yong totoo."

Nakailang hampas ang tubing sa dalampasigan bago muling nagsalita si Theo. "Kung magkakaron man ng higit pa roon, nasa sa 'yo na 'yon. Ang akin lang, sana malinaw sa 'yo kung ano 'yong intensyon ko."

"Malinaw naman."

"E kaso?"

Nagkatitigan sila. Naghihintayan. Theo's eyes urged her to speak, pero nang imbes na mga salita ay luha ang lumabas. Instantly, his gaze softened and he reached out to hug her.

Humagulgol si Megan sa balikat niya. Ganoon pala 'yong pakiramdam ng may matatakbuhan. Ganoon pala 'yong pakiramdam na may taong masasandalan. 

She cried and cried until it felt like her face was on fire and her throat was sore. Buong pasensya na tinapik-tapik ni Theo ang likod niya, reassuring her with every gentle pat on her back.

Nang humiwalay si Megan kay Theo para punasan ang tumulong sipon, they both laughed. 

"'Yan, ikaw kasi e." He wiped the snot off her face with the hem of his shirt. Tinulak niya palayo si Theo. Kaloka naman kasi, bakit ba T-shirt pinampapahid sa sipon niya? "Ano ka ba, hahayaan lang ba kita na puno ng sipon? Baka sabihin nila sa social media na uhugin 'yong presidential daughter-in-law."

She hit him and rolled her eyes, pero kahit na nakairap ay pinipigil niya naman ang ngiti niya. "Yabang, 'kala mo naman nanalo na. Haba pa ng kampanya, sir."

Lumaki ang ngiti ni Theo. "'Yan, bumabalik na 'yong sungit mo. Diyan kita nagustuhan e, 'yong pasuplada effect."

"Sira."

"Sa ganda mo ba namang 'yan, 'di ako masiraan ng bait," biro nito, and as expected, she rolled her eyes again. Pero kinilig siya. Kinilig talaga siya. "Pero, seryoso, alam kong natatakot ka, pero hindi naman kita ilalagay sa sitwasyon na alanganin, Megan. Kahit naman masama loob ko sa tatay ko, hindi siya kagaya ng tatay ni Derek. At higit sa lahat, hindi ako si Derek." His voice turned down a notch, tila ba nakaramdam din ng pag-aalangan. "Alam mo naman 'yon, 'di ba?"

Doon sa pagkakataon na 'yon, Megan realized that she had been failing too when it came to reassuring him. Oo nga pala, hindi rin pala sigurado si Theo sa kung anong mangyayari sa kanila. 

How could she let him feel what she was so afraid of?

Hindi niya alam kung anong sasabihin. Para bang naubos lahat ng mga salita na puwedeng makapagsabi kung ano talaga ang nararamdaman niya. 

Was it relief? Guilt? Love?

Tinitigan niya si Theo at inayos ang buhok nitong linilipad ng hangin. She saw how his head tilted to follow her hand. He saw no one but her, he chased no one but her.

So she decided to tell him how she felt by pulling him in for a kiss.

Naramdaman niya ang gulat sa katawan ni Theo. He froze, startled by the feel of her shaky lips against his. Pero nang humigpit ang hawak ni Megan sa T-shirt nito, his shoulders relaxed, and he finally pulled her in.

She opened her mouth to let out a gasp of both relief and happiness. She felt his smile on her lips. At kahit hindi ito ang unang pagkakataon na nahalikan siya, it felt like it was the first time it was right.

Wala namang butterflies at wala ring fireworks, pero para siyang nakaramdam ng pahinga sa unang pagkakataon.

When Theo's gentle mouth pulled on her bottom lip and his fingers inched up her nape, Megan knew. 

She would never give up on him the same way he never gave up on her too.


Her RedemptionWhere stories live. Discover now