CHAPTER 2

2 0 0
                                    

1 month in AGB's Subdivision

Maaliwalas na umaga! Tumunganga muna ako sa kisame bago ako bumangon sa kina hihigaan ko. Nag punta ako sa banyo at nag hilamos, bakit parang pumuputi ata ako? Hmm? Blooming yarn? Chos!

Bumaba na ako at pumunta sa kusina.

"Good morning madam" bati ni Ate Marie.

"Good morning" tugon ko.

Pumunta muna ako sa labas ng bahay para sana makita si Gab kahit saglit lang sa umaga, naging ugali ko na 'to every morning eh. Pero wala yung kotse niya, kaya naman pumasok na ako sa bahay at nag tanong kay Ate Marie.

"Ate, bakit wala yung kotse ni Gab? Hindi ba siya umuwi kagabi?" tumingin naman ako kay Ate Marie pero parang ayaw niyang sagutin yung tanong ko kaya umulit ako.

"Hindi ba umuwi si Gab kagabi?"

"Ahh madam... may hinatid po siya." sagot nito.

"May hinatid lang naman pala eh." wala namang ibang pumapasok sa isip ko, kasi malay mo may hinatid lang pala siya sa office. Tsaka ano naman kung may gawing kababalaghan si Gab, hindi naman kami.

Naghain na si Ate Marie ng pagkain, and thank god hindi iba ang hinahain niya, buti hindi siya nag sasawang mag luto ng Tocino and Hotdog.

Kumain na ako, may pupuntahan kasi ako ngayon araw, pupunta ako sa mall parang may gusto akong bilhin na gamit, at siyempre para na rin makalabas ako.

---

Natapos na akong maligo, nakabihis na rin ako. Nag dress lang ako na floral, flat shoes at shoulder bag na pink, lalagyan lang ng wallet at cellphone.

Bumaba na ako at dumiretso sa kotse, pina init ko muna yung makina kaya naman ay nag cellphone muna ako, nag text na rin ako kay Gab.

MESSAGES

ME: 'Punta lang ako sa Mall, may bibilhin lang ako.'

SIR GABRIEL: 'Ok take care.'

Pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na.

---

Nasa loob na ako ng mall, nag start akong pumunta sa SM Store, tumingin ng mga gamit for pregnant. Nakakita ako ng magandang dress, floral 'yon pero maliit pa naman baby bump ko kaya tumingin tingin lang ako until I saw a couple wears.

Dress and Polo na cute-tan lang ako kaya nilagay ko sa cart ko, nag roam lang ako hanggang sa may kuminang nanaman sa mata ko, lingerie.

Sexy na sleep wear, pwede ko namang magamit yan eh, when my baby is out na, tsaka maliit pa naman baby bump ko kaya pwede parin ako mag suot ng ganiyan no? Nilagay ko ito sa cart ko tapos nag libot ulit ako.

Tumingin lang ako ng mga dresses na pwede kong magamit nilagay ko lahat sa cart ko.

Pagkatapos kong mag libot ay pumunta na ako sa cashier at inabot na ang ATM Card ko, hep hep hep! Pera ko yan ha! Sweldo ko karga niyan so shut up.

Habang nilalagay sa paper bag yung mga pinamili ko ay tumawag si Gabriel, kaya naman ay sinagot ko.

"Hello Sir."

'Hello, where are you? Nandito ako sa Mall ngayon.'

"Teka Sir, what are you doing here po?"

'Well, nag pa stop na ako dito, sabi mo kasi nandito ka.'

"Wala po kayong trabaho?" tanong ko.

'No, wala naman akong schedules today.'

"Ay ok po Sir. Nandito po ako sa SM Store, palabas na po ako."

The Boss DaddyWhere stories live. Discover now