He ignored me and opened the door for me. 

"Feier! Bago 'yang kasama mo, ah? Boyfriend na ba 'yan?"

"Naku, may sinagot na!"

"Talo na ang manok ko,"

Hindi ko pinansin ang mga staff sa baba at dumiretso ako sa kuhaan ng PSA. Dahil magsasarado na ay wala nang pila kaya't nakuha ko naman agad.

"Tita Amy, 'wag mo muna sasabihin kayla Mama na ito ang kinuha ko, ah?" 

Si Tita Amy ay kapatid ni Papa na nagtatrabaho rito sa munisipyo. Siya lang ang nakaalam na nag-apply ako sa mga universities sa Maynila. 

Kinausap pa ako ni Tita Amy tungkol sa ibang papeles ko kaya medyo natagalan kami. Madilim na nang makalabas kami ng munisipyo at mabuti nalang ay hindi na ako magcocommute.

Sa daan pauwi ay hindi na ako nagsalita dahil mukhang nakabisado naman niya agad ang mga paliko-liko. Nang makauwi kami ay nasa labas na ang parents niya kasama sina Mama at Papa. 

"Sakto, ayan na sila," si Papa nang makababa kami ng kotse.

"Mauna na kami, Fidel, Mina," paalam ng lalaki. "Feier, make your parents proud," paalam nito sa'kin. Ngumiti lang ako.

Lumingon ito sa anak na nasa gilid ko at biglang nagbago ang timpla ng mukha. Ang anak niya naman ay nakatingin lang sa sahig, tila may ibang iniisip. "Brenne Ahmiel," he called. "Stop disappointing your mom. We'll send your allowance monthly. Sakto lang para hindi ka maging pabigat kayla Fidel. Kung magloloko ka pa rin, 'wag ka nang babalik ng Maynila."

Ako ang nanlamig sa sinabi niya. Pati sina Mama ay natahimik. Brenne was only looking at his father with no emotion. He then diverted his gaze to his mom and laughed. 

"No matter what I do, I'll always disappoint you. Kapag ginawa ko ang gusto ko, magagalit kayo. Kapag ginawa ko ang gusto niyo na ayaw ko, tapos pumalya ako, magagalit kayo," he laughed sarcastically. "Stop acting like a good father-"

His mom slapped him. Natahimik ang paligid at ang tunog lamang ng pagtama ng palad nito ang narinig. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kinakaya ang nakikita ko. My heart aches for this family. 

His mom sighed, "We'll go now. We're sorry for what you had to witness. Kapag may ginawang kalokohan si Brenne, just contact us."

***

"Anak, pakidala 'tong hapunan ni Brenne sa taas. Hindi pa naghahapunan 'yun," utos ni Nanay.

Itinigil ko ang isinusulat ko at kinuha ang plato. Kahit ayaw ko ay hindi pa kumakain si Brenne at may kukuhanin pa rin naman ako sa tree house. Hindi ako makaakyat kanina dahil nagsarado ng pinto si Brenne.

Umakyat ako sa tree house at kumatok. The door is still locked but I can hear a faint music inside. "Brenne?" I called.

"Dala ko ang pagkain mo. Iiwan ko nalang 'to dito. Kapag kinuha mo, pakilabas na rin yung envelope na nandiyan sa study table ko."

Ibinaba ko ang tray ng pagkain sa tapat ng pintuan. Bababa na sana ako nang bumukas ang pinto at iniluwa ang nakasimangot na si Brenne. 

"Get your stuff inside." Kinuha niya ang tray sa sahig at inilapag sa mesa sa loob. He then went back to the bed and puffed his vape. He was texting someone on his phone and a faint rock music was playing on my vinyl speakers. 

Kinuha ko ang envelope sa study table ko. I can see him from the mirror, he was seriously tapping on his phone as if he was arguing with someone. I sighed when I got reminded of what happened before his parents left.

Naikwento na sa akin nina Papa ang dahilan kung bakit siya rito maninirahan. He's a rebel. Nakunan daw ang Mama niya dahil sa stress sa pagbubulakbol niya. My parents asked me to keep an eye on him but...I don't think I could. Una sa lahat, I'm not responsible for him. I bet he's even older than me. He doesn't need a babysitter. Pangalawa, I can't handle these type of guys. Wala rin akong karapatan na pangaralan siya dahil hindi ko naman alam ang dahilan niya. Pwedeng may pinagdaraanan siya kaya -

"Stop staring from the mirror, you can face me. I won't mind," he nonchalantly said without even taking his eyes off his phone.

Doon lang ako natauhan. Kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya mula sa salamin! Nagpanggap nalang akong umiirap bago lumapit sa kaniya. Lumapit ako sa bandang ulunan niya at yumuko. Nakita kong napahinto siya sa pagtatype at umawang ang labi. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa telepono kahit pa lumapit ako. When he faced me, I immediately diverted my gaze to the pillow under his head.

"Unan ko 'to," diretsong sabi ko. Kunot ang noo, inangat niya ang ulo niya upang makuha ko ang unan ko. Nang makuha ko ang unan ko ay binuksan ko ang maliit na drawer sa tabi at kinuha ang remote ng aircon. I turned the aircon off, making him put his phone down.

"What? Hindi mo ba nakikitang may namamahinga?" 

I tsked in my mind. Talagang spoiled ata 'to.

"Nakita ko. Pero bahay namin 'to. Hindi tayo ang nagbabayad ng kuryente kaya wala kang karapatang magreklamo na naiinitan ka. May electric fan diyan, kung hindi ka kuntento, lumabas ka, malamig doon. Binubuksan  lang ang aircon na 'yan kapag lahat kami ay nandito. Hindi kami mayaman, Brenne," I explained flatly.

Nakita ko kung paano nawala ang inis sa mukha niya. He sighed and stood up. Agad na nanlaki ang mata ko nang itaas niya ang kamay at akmang maghuhubad! Mabuti nalang ay napigilan ng kamay ko ang kamay niya.

I felt something when his hand touched mine. An electric shock that I can't explain. Sa tingin ko ay naramdaman din niya 'yon dahil hindi naalis ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya.

"Mainit," maikling sabi niya bago ipinagpatuloy ang paghuhubad ng shirt niya.

Agad akong tumalikod at akmang lalabas na nang magsalita siya.

He laughed, "Are you a fucking virgin?"

Napatigil ako at nanlaki ang mata. Sa halip na patulan siya ay hinarap ko siya at tinitigan. 

I won't lie. He's freaking hot. He got those sculpted abs and toned arms. Hindi mo mapapansin kapag nakadamit siya dahil malaki at maluwag ang suot niya. Matapag akong nakipagtagisan ng tingin sa kaniya. He raised a brow, challenging me.

He slowly closed the gap between us, making me regret my choice of staying. Both his eyes are still on me. I saw how it shifted on my lips for a second, and I did the same. His lips are softly pressed together and it looked so...

Erase. 

Brenne even moved closer. Nakita ko sa gilid ng paningin ko na tumaas ang kanang kamay niya. Bago pa niya mailapat sa bewang ko ay pinigilan ko na ito gamit ang kanang kamay ko.

"That's for you to find out," I said before leaving him.

Fantasize (Nostos Algos#1)Where stories live. Discover now