I clenched my jaws. Matapos niya akong pag-ayusin, alilain, asarin at kung anu-ano pang hindi niya maeexpect na magagawa ng little girl na yun.... TAPOS iiwan niya ako!! 

Magic Magic Magic!!

Pumikit ako para mawala naman kahit konti yung inis ko. Nung sandalaing bumaba ang talukap ng mata ko, naalala ko yung itsura niya nung unang gabing makita ko siya. Slowly, kumalma ako. 

Tapos parang may butterflies sa tiyan ko.

 Ah FCK! Inlove ako??

Pero..

Aish! There's a way to prove this.

Eh..

Pano kapag... Oo?

 

***

Bakit kaya kapag pangit yung nang-aalaska sayo, halos patayin mo na sa ganti. Eh kapag good-looking naman, ayos lang? Minsan wala lang, minsan gaganti ka pero mahina lang.

Siguro nasa tao rin yun.

Eh.. Bakit naman kapag trip mo yung tao, pagtitripan mo siya ng paulit-ulit? Ay teka, ganun ba 'yon? Eh pano yun, si Magic..

PSH! Bakit ba lahat nalang ng maiisip kong topic, napupunta sa kanya? 

Kanina, yung noodles, malambot, parang pisngi niya.. Tapos yung cellphone ko... Tapos yung text ni Tiff!! Amp. simula nung umalis siya, hindi na siya nawala sa isip ko. Pano ba naman kasi!! Yung sinabi niya!!

"Atleast ako babae! Eh ikaw, kahit anong tumbling at split ang gawin mo, NEVER KANG MAGKAKAMATRES!!" 

"Atleast ako babae! Eh ikaw, kahit anong tumbling at split ang gawin mo, NEVER KANG MAGKAKAMATRES!!" 

"Atleast ako babae! Eh ikaw, kahit anong tumbling at split ang gawin mo, NEVER KANG MAGKAKAMATRES!!" 

Kapag ako naging doktor, walangya siya, papatanggal ko yung kanya! Tapos ilalagay ko sakin. 

Para di siya mahirapan magbuntis.

ANO BAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

Asan na nga kaya ang aking mahiwagang prinsesa? Di pa siya nagpaparamdam sa akin.. Ay fufu, pano nga pala siya magpaparamdam eh hindi niya naman alam number ko. Atsaka, nilock ko nga pala yung mga pinto at bintana at lahat na ng pwedeng lusutan.. Magdusa siya sa labas. Umuulan pa naman. 

Haay, magpapasko, naulan. Ano ba yun.

Katext ko si Tifanny kanina, sabi niya, pwede na daw akong umuwi kasi inayos na ni Ama yung GULO na ginawa ko. Sinabi ko nga na naligaw ako at imbis na mag-alalala eh sinabihan pa ako ng bobo.

Bukas daw pwedeng pwede na akong umuwi kaso parang ayoko pa. Besides, may kailangan pa akong malaman tungkol sa sarili ko.

*SPRZZZZT!*

*KKRRRRGGG...*

AMP. 

Umupo ako mula sa pagkakahiga. Kanina pa ako gising mula sa mahimbing kong pagtulog pero mas masarap kasing humilata, lalo na dahil naulan-ulan at malamig.

Bumaba ako para maghanap ng makain pero bago ako dumiretso sa kusina, tinignan ko muna yung digital clock ni Magic sa sala... Mag-aalas-siete na. Kanina pa siya umalis ah?

Sa kusina, malinis, maayos, halatang babae yung umagamit.. Binuksan ko yung ref at nakakita ng maraming pagkain. May nakabalot na nga ring shanghai eh... Eh asan siya?

Eh kasi, BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon