Chapter 21: Truth or Perish

Start from the beginning
                                    


"Rodney diba?" Tumikhim si Dustin at muling ngumisi, "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, nasaan si Sisa?" Sabi pa nito saka ipinakita ang ID ng dalaga.


Umiling-iling si Rodney habang nagpupumiglas at saka gumanti ng matalim na tingin, "Hindi ko siya kilala! Pakawalan niyo ako dito! Wala akong kasalanan sa inyo!" Giit nito kaya bigla na lamang tumawa si Dustin at kinuha mula sa  bulsa niya ang isang bote ng alchohol.

Napatingin si Dustin sa sugat ni Rodney sa paa na gawa ng aksidente at kitang-kita ni Dustin ang labis na pagdurugo nito lalo na ang mga daliri nito sa paa na halos maghiwalay na.


"Alam mo, madami na akong napatay at para maisakaturapan iyon, na-master ko na yang pagpapaka-inosente, pre no offense pero hindi talaga bagay sayo. Ganito, hindi ka masasaktan pag nagsabi ka ng totoo. Sabihin mo lang kung nasaan si Sisa at hindi ka masasaktan." Nakangisi at kalmadong pagbabanta ni Dustin habang nasa likuran niya ang tahimik lamang na sina Ponzi at Archie.


"Wala akong alam!" Buong lakas na sigaw ni Rodney habang nagpupumiglas parin kaya ngumisi na lamang si Dustin at tumango-tango.

"Hindi yan ang sagot na gusto ko." Kalmadong sambit ni Dustin at bigla na lamang binuksan ang mismong takip ng alcohol at ibinuhos ang napakaraming laman nito sa malaking sugat ni Rodney sa kanyang paa na gawa ng aksidente.


Umalingawngaw sa buong bahay ang napakalakas na palahaw ni Rodney dahil sa labis na sakit. Kung ano-ano ng mura ang isinisigaw nito at tuluyan narin itong naihi sa sobrang hapdi.

Kapwa napapikit sina Archie at Ponzi samantalang si Dustin naman ay nakangisi parin habang nakaharap sa binatang hindi nahihirapan.


"Oh shit ang sakit nun! Consulacion demonyo ka talaga!" Nakangiwing sambit ni Jojo na habang hawak ang magkabilang pisngi dahil sa sobrang pandidiri.


"Salamat?" Kunot noong sambit na lamang ni Dustin kay Jojo.


"Hayop ka! Pagbabayaran mo to!" Nagsisigaw si Rodney sa sobrang sakit, halos hindi na ito makahinga sa sobrang sakit at hapdi at panay ang pagkagat nito sa labi.

"Sigaw lang ng sigaw, wala rin namang makakarinig sayo eh." Humalakhak si Dustin, "Inuulit ko ang tanong ko, nasaan si Sisa?" Muling tanong nito at bilang sagot ay agad siyang dinuraan ni Rodney sa mukha.

Napapikit na lamang si Dustin at pinunasan ang mukha gamit ang braso, "Ponzi, pakiabot nga ang nail gun." Kalmado nitong sambit.

Nag-aalangan man, inabot na lamang ito ni Ponzi kay Dustin.


"Talaga andun yung babaeng may pulang buhok?—Diba si Sisa ang ibig mong sabihin nang nasa ospital ka diba? Ngayon sabihin mo, nasaan si Sisa?" Muling tanong ng kalmado paring si Dustin at ngumiti na animo'y inosente.

"Masusunog ka sa impyerno." Sagot ni Rodney at bigla na lamang humalakhak.

"Edi wow." Sarkastikong sambit ni Dustin at walang ano-ano'y bigla na lamang pinagbabaril ang magkabila nitong tuhod gamit ang nail gun.

Muling umalingawngaw ang nakakapanindig balahibong palahaw ni Rodney at kasabay nito ang pag-agos ang dugo mula sa mga tuhod niyang ngayo'y puno na ng pako.

Napatalikod na lamang si Ponzi saka nasapo ang ulo. Hindi siya komportable sa nangyayari kahit pa alam niyang kailangan nila itong gawin para mahanap si Sisa.


Nagulat sila nang bigla na lamang tumawa ang duguang si Rodney. Pulang-pula na ang mga mata niya habang tumutulo na ang laway pababa ng bibig niya kakaya hiyaw.


"May nakakatawa ba?" Sabi pa ni Dustin.

"Wala lang, natatawa lang ako nang maalala ko ang reaksyon niya. Akala niya talaga makakaligtas na siya." Taas-noong sambit nito na may angas at lakas loob pang tumawa. "Ano kayang ginagawa ni Tatang ngayon sa kanya? Ah baka pinutulan narin siya ng Dila, maingay rin yon eh. Sana nga manahimik siya, para next time maka-iskor na talaga ako sa kanya." Isa-isa niyang tiningnan sina Ponzi at Dustin na animo'y lalong ginagalit ang mga ito.


Agad napaharap muli si Ponzi sa narinig at agad na sinugod si Rodney at kinwelyohan, "Sabihin mo sakin nasaan sila?!" Nanlilisik ang mga matang sambit ng binata.


"At kung hindi? Papahirapan mo rin ako?" Ngumisi si Rodney, "Pasensya na pero sanay na ako sa ganyang klaseng pagpapahirap. 'Wag kang mag-aalala, baka masanay rin yung mga putang 'yon..."


"Si Paris, asan siya?!" Tanong naman ni Archie saka ipinakita kay Rodney ang ID nito.


Tumingin si Rodney kay Archie at ngumisi, "Girlfriend mo?"

"Nasaan siya?!" Muling sigaw ni Archie.

Tumawa si Rodney, "Alam mo sayang eh, kung hinayaan lang ako ni Paris na tikman siya edi sana may mga paa pa siya. Tsk-tsk. Sayang talage eh."


Nagulat silang lahat sa narinig. Agad na napabitaw si Ponzi kay Rodney. Muli sanang babarilin ni Dustin si Rodney gamit ang nail gun ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang kinuha ng nagngingitngit na si Archie ang martilyo at marahas niyang pinaghahampas ang mga pako upang lalo itong bumaon sa tuhod ng binata.


Malakas at walang tigil na pinaghahampas ni Archie ang tuhod ng binata, kahit pa baon na ang mga pako ay hindi parin siya tumitigil sa labis na galit. Nagtatalsikan na sa mukha ni Archie ang dugo pero hindi niya ito iniinda. Si Rodney naman ay sigaw na lamang ng sigaw sa sobrang sakit.


"Teka sali din ako!" Biglang sigaw ni Jojo at dali-daling kinuha ang tennis racket na pampatay niya ng lamok. Para siyang isang batang sabik na makisali habang nagtatakbo papalapit kay Rodney. Hinampas niya ang racket sa mukha nito dahilan para makuryente ito.



END OF CHAPTER 21.

Note: *Troll smile kasi bitin* Filler chapter onleh coz the nextsss will be..... ahihihihi ;) and yes tunaw po talaga ang turnilyo sa utak ni Jojo tirador.

Thank you sa inyong lahat na nagbibigay ng feedbacks at reactions, naiinspire at nag-eenjoy akong magsulat dahil sa reactions niyo sa scenes and etc kaya thanks you matsss :)))

Also, i'm doing my best to update as soon as I can :) #NoPressureJustChill

Comments are highly appreciated :) Salamatsssss *Sabog plorwaks wid tatang*


THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Never Cry MurderWhere stories live. Discover now