Chapter 21: Truth or Perish

Magsimula sa umpisa
                                    


Napabuntong-hininga na lamang si Ecleo saka sinapo ang ulo niya, "Makinig ka Jojo. Oras na bigyan kita ng senyales, it-trace mo agad kung nasaan ako at sabihin mo kay Ponzi kung nasaan ako. Babayaran kita, siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak." Maotoridad nitong sambit kaya agad na napangisi si Jojo saka sumalido sa kanya.


"Pero teka, ano bang nangyayari? Saan ka pupunta?" Tanong na lamang ni Jojo.

"Magbabakasakali." Sabi pa ni Ecleo saka dali-daling umalis sakay ng kanyang motorikslo.



****



"Love me like you do, lala-love me like you do, touch me like you do, tata—Tangina?!" Gulat na gulat ang binatang si Jojo sa nadatnan nang makapasok sa loob abandonadong bahay.


"Jojo?! Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na sambit ni Ponzi.


"Maniningil sana ng utang pero tangina! Sino yan?!" Nakangiwing sambit ni Jojo sabay turo sa Delivery Boy na si Rodney na wala paring malay at duguan habang mahigpit ang pagkakatali sa isang upuan. Lalong tumindi ang takot na naramdaman ng binata nang makita si Dustin na hawak ang isang martilyo, "Consulacion?! Hala tumakas ka?!"


"Bunganga mo Tirador. Manood ka nalang nga ng porn diyan." Nakangiwing sambit ng walang emosyong si Dustin.


Nagulat si Jojo nang bigla na lamang siyang kinwelyohan ni Archie, "Oras na magsusumbong ka, idadamay ka namin. Nagkakaintindihan ba tayo?!" Pagbabanta nito kaya dali-daling tumango-tango ang takot na takot ng si Jojo.


"Oo na! Oo na! Wala akong pagsasabihan! Pero kahit magsumbong ako, wala rin namang maniniwala sa akin!" Giit ni Jojo kaya binitawan na lamang siya ni Archie.


"S-sino yan? 'Wag niyong sabihing papatayin niyo yan?" Naguguluhang sambit ni Jojo.

"Walang mamamatay. Impormasyon lang ang kailangan namin para mahanap sina Sisa at ang iba pa." Giit ni Ponzi na para bang nagpapaalala rin kay Dustin.


Napabuntong-hininga na lamang si Jojo, "Parang gets ko na pero parang hindi. Pero o sige, basta wala akong kinalaman diyan." Sabi pa nito saka naupo na lamang sa isang tabi saka naglaro sa kanyang cellphone. Sa di malamang dahilan muling napalingon si Ecleo sa delivery boy, "Teka parang nakita ko na siya noon." Naguguluhan nitong sambit. "Sino nga ba tong pokemon nato?"


****


Napasinghap ang delivery boy na si Rodney nang bigla na lamang tumama ang napakalamig na tubig sa mukha niya. Hilong-hilo siyang napaungol saka kinurap-kurap ang mga mata niya.

Laking gulat ni Rodney nang bigla na lamang tumambad sa harapan niya ang nakangising si Dustin na kumakaway pa sa kanya, "Oy pre! Musta tulog?"


Naguguluhang inilibot ni Rodney ang kanyang paningin at agad niyang nakita sina Ponzi at Archie na napakasama na ng tingin sa kanya. Dali-dali niyang sinubukang magpumiglas.


"Sa boy scout tinuruan kaming magtali ng mahigpit kaya sorry, wala ka talagang takas." Tumatawang pagmamalaki ni Dustin saka hinila ang isang upuan upuang maupo sa mismong tapat ni Rodney.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon