Kabanata 19

358 31 0
                                    

Kabanata 19...
Gone


I am beyond devastated.

Maraming oras na ang lumipas magmula nang malaman ko ang pagpanaw ng sarili kong ama, pero tila ba kahit anong gawin kong paliwanag sa sarili, hindi pa rin ako makapaniwala. Umaasa pa rin akong may panibagong tawag na darating at sasabihing nagkamali lang sila ng balita sa'kin at nakaligtas si Daddy sa mga natamo n'yang tama ng bala...

Kaso ay wala.

Unfortunately, no one has considered calling my phone again over the last few hours.

Mag-isa ako ngayon sa kwarto, tulala habang marahang tumutulo ang sunod-sunod na patak ng luha mula sa mga mata.

I'd already lost track of time. The only thing I felt sure was that it was edging closer to dusk. My stomach is practically empty. My entire body is worn down, and my mind is being suffocated by wracked guilt and yearning.

Only that it wasn't just time that I feared I was beginning to lose; it was also myself...

Claiming that I don't know where to begin, what to do, is nothing but an understatement because now I'm wondering if I even deserve to get up and see the world.

If everything is turning upside down, maybe I don't really deserve it?


I'm oblivious of when or how have I fallen asleep, but the next thing I know, it was already dark when a calloused but gentle hand awoke me.

Amusing how I probably slept with wet eyes, and woke up with another.

My tears don't really run out, do they?

"Pasensya na anak, ginising kita..." marahang lumubog ang kama, senyales na naupo si Nanay Teres dito. "Hindi mo nagalaw ang pagkain na iniwan ko sa'yo rito Marjorie. Simula umaga ka pa walang kain at baka mapaano ka na,"

Hindi lingid sa akin na walang laman at kumakalam na ang sikmura ko, pero binabagabag ako.

Paano kung talagang kontra sa'kin ang mundo at oras na gumawa ako ng ikakabuti para sa'king sarili, may hindi kaaya-aya na namang mangyari?

Hindi ko na alam.

"Anak kumain ka kahit kaonti lang... Pinagdala kita ng aroskaldo, may tinapay rin. Hindi maganda kung nalilipasan ka ng gutom, huwag mong pabayaan ang kalusugan mo."

"Hindi pa po ako gutom..."

Isang malakas na buntong hininga ang kumawala kay Nanay Teres na muling nagpasikip ng dibdib ko.

Isang beses pa n'yang pinaalala sa'kin ang dinalang pagkain bago tuluyang lumabas ng kwarto, at muli na akong naiwang nag-iisa. Ngayon nga lamang ay may dumagdag ang pagkakonsensya sa'kin dahil ayaw ko naman sana bigyan ng hindi magandang impresyon si Nanay Teres.

All she and her grandchild have done for me has been kind, but I, as a matter of fact, have no appetite to eat or do anything productive.

If I force myself to eat, my body might probably just withdraw it without mercy.


Perhaps the rest I had gotten earlier wasn't enough, seeing as right after Nanay Teres woke me up, I was immediately swallowed up in an ironically serene nothingness.

Ang pakiramdam ng kakalmahan ng tahimik na utak ang unang rumehistro sa utak ko matapos magising dahil sa direktang tama ng init na dala ng signag ng araw. Ninais at sinubukan ko mang muling matulog para maramdaman ang palagay na iyon, talagang gising na ang diwa ko.

Isang lingon sa bedside table ay namataan ko ang panibagong tray ng pagkain.

Nagbuntong hininga ako at naupo na sa kama. Akma kong kukuhain ang gatas doon nang biglang bumukas ang pintuan.

Ineffable EuphoriaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin