Prologue

10 1 0
                                    

Nakangiti ko siyang pinagmamasdan habang tumatakbo siya at pinapalipad ang saranggola.
Nandito kami ngayon sa dalampasigan at ang lakas ng ihip
ng hangin na tila sinasayaw
ang bawat hibla ng buhok ko.

Maya-maya pa ay patakbo itong lumapit sa akin.
“Mahal, ikaw naman.” Nakangiting saad nito at binigay sa akin ang sinulid na hawak.

“Baka hindi lumipad.” Ani ko na siyang ikinatawa niya.

“Lilipad yan, tumakbo ka lang. Ang lakas pa naman ng hangin.” Sambit nito. Kinuha ko sa mga kamay niya ang sinulid at nagsisimulang tumakbo. Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. “Wohoo!! Takbo mahal!.” Rinig kong sigaw nito na nagpangiti sa akin.

Tinignan ko naman ang saranggola at ang tayog ng lipad nito, kasing tayog ng mga pangarap ko sa buhay. Marami akong pangarap ngunit may mas nangingibabaw sa mga pangarap ko, ang makasama ko sa pagtanda ang lalaking nakangiting tumatanaw sa akin ngayon.

Hingal akong tumigil sa pagtakbo at lumapit naman sa akin ang lalaking pinakamamahal ko, sinimulan nitong ayusin ang buhok ko. Inilagay ko sa buhangin ang saranggolang hawak at niyakap ko siya. “Do you like it?.” Tanong nito, napatango naman ako. Hinawakan nito ang mukha ko at hinalikan ako sa noo dahilan para napapikit ako habang dinadama ang kaniyang halik.

Papalubog na ang araw at sabay naming nakikita ang kalangitang unti-unting naging kulay kahel. Matagal ko na itong inaasam, ang tanawin ang paglubog ng araw kasama ang lalaking nais kong makasama habang buhay at tinupad niya iyon.

Naupo kaming pareho at sumandal ako sa dibdib niya. “Do you know why I like sunset so much?.” Pagsisimulang tanong ko.

“Why?.” He asked.

Tinignan ko ang kalangitan at napangiti sa gandang taglay nito. “Because it serves as a reminder that despite everything that transpired over the day, a lovely outcome is still possible..” Sagot ko, ramdam ko namang napangiti din siya.

Nothing compares to the experience of watching the sun kiss the ocean goodnight as it paints the sky in colours of red orange.

“I love you, Flavian.” Sambit ko at niyakap siya.

“I love you more, my Margeaux.” Niyakap niya ako pabalik at napapikit ako ng muli niyang halikan ang noo ko.


I will never forget this day, the day where the sea and sunset witnessed our undying love to each other.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under the Starry Night [on-going]Where stories live. Discover now