Ngayon ko lang din siya napagmasdan, now  I see why everyone and  Liza has a big crush on him. Hindi lang guwapo si Dave, he has a gorgeous chinito eyes na parang laging nakangiti and  charming smile dahil na rin sa malalim na biloy nito sa magkabilang pisngi.

Bagay sa kanya ang propesyon na  Doctor, maganda ang tindig, a metrosexual na kahit he'll wear neon pink shirt, maganda pa rin tingnan sa kanya. Mukha pa rin siyang mabango kahit haggard na ito at may dumi ang suot na damit sa kaasikaso ng pasyente.

"Ilang beses ka na bang sumasama sa ganitong medical mission?"

"Ilang taon na rin kaya sanay na ako, most of the time yung lugar na pinupuntahan namin mas liblib pa dito. "

"Really?! wow, I'm impressed." sambit nito. "Ugh!." daing nito when he massaged the back of his neck.

Napangiti ako sa itsura niya when he grimaced, he looks cute kahit nakangiwi. Wala yatang pangit na anggulo ang lalaking 'to. "You'll be a doctor, why don't you prescribe something for yourself." Pabirong utos ko dito.

"Nothing a hot bath can't cure."

"Doc, wala tayo sa mansiyon, nasa public school tayo kung saan pansamantala nakatira. Do you expect may hot shower na available dito?" nakataas ang kilay na pang asar ko. Kahit nga ang mag shower pahirapan pa, ang toilet ng mga estudyante ang ginagamit namin na walang space for a proper shower.

I heard him groan sa sinabi ko then he leaned forward near my face na nagulat ako kaya napaurong ako ng konti, he smirked sa nakita niyang reaction ko. Sa isip siguro niya na masyado akong maarte when the other girls will grab the opportunity na mapalapit sa kanya.  

"I have an idea,  join me." bulong nito malapit sa tenga ko na parang nanloloko pa lalo.

"W-where?"

He didn't answer.  Grinning, he grabbed my hand and pulled me.

"Dave! where are you taking me?" tanong ko while he's dragging me, na nakagaaw ng pansin sa bawat madaanan namin na kapwa volunter. I'm almost running to matched his big stride, lalo na ayaw bitawan nito ang kamay ko.

"Shhh..don't make noise baka mahuli tayo."

Tumigil ito at nagpalinga linga sa paligid na parang may hinahanap, then he dragged me again papunta sa isang malaking puno ng kahoy na malayo sa mga kasamahan namin. Nagulat pa ako when he let go of my hand when we were behind the tree.

Crossing my arms. "Is this the spot where you are going to kill me?" I asked amused, nacu-curios din ako kung bakit kelangan pa namin magtago sa mga kasama namin.

"Yes, Cass...I'm going to kill you slowly that you'll beg me." sabi nito habang may kinukuha sa likod ng bulsa nito.

I stepped back habang palapit naman ito sa akin, his face became serious.  Gone was the playful smirk kaya kinabahan na ako.

Sh*t! paano kung nagsasabi ito ng totoo at hindi nagbibiro?

 I really don't know him, paano kung he's a serial killer? nakaramdam ako ng takot.

 I should have not let him dragged me all the way here. We are too far para marinig ako ng mga kasamahan namin.

"I'm glad you are here Cass..to join me in my slow death."

He's really starting to scare me!

"Another step and I'm going to scream, hindi ako nagbibiro." pagbabanta ko.

"Oh Cass, Cass. I told you not to make noise, I don't want anyone to find out that I have..." he finally pulled the thing in his back pocket na napapikit ako.

I expect something sharp will pierce my skin but all I heard was Dave's laughter. I opened my eyes slowly and saw him holding his stomach, bawling with laughter.

"My God Cass! if you only saw your face. It was priceless!"

"A$$hole!!!" mura ko dito sabay pinaghahampas ng dalawang kamay ko sa sobrang inis.

"I'm going to scream, hindi ako nagbibiro." ulit nito na ginaya pa ang boses ko kaya lalo akong nainis at hindi lang hampas ang ginawa ko, pati na rin kurot. Natigil lang ako nang pakiramdam ko namaga na ang mga kamay ko sa kahahampas sa kanya.

"Sigarilyo! sigarilyo ang kinukuha mo sa bulsa mo?!"

F*ck! hindi ako makapaniwala na ganito na ako ka paranoid na pati si Dave napag-isipan ko na killer.

"Yup!" he said, popping the p. He dangle the cigarette in my face.

I grabbed it from his hand and pulled one stick, nilahad ko ang isang kamay ko sa kanya. "Lighter." utos ko dito.

"Yes mam!" nag mock salute pa sa akin but he ignored my open palm, instead he flipped the lighter and lighted my cigs for me.

Umupo kami sa isang malaking nakausling ugat ng kahoy, inhaling the smoke "So, when you said about slow death, you were not joking, smoking kills you know."

"And also my stress buster." Dave said as he flicked the cigarette with his finger.

"Kaya ba ayaw mong makita ka ng ibang tao na naninigarilyo,  because you don't want to ruin your clean cut image?" wala sa itsura niya that he smoke kaya nagulat ako, kahit sa school hindi ko siya nakitang tumatambay sa smoking area na paminsana minsan tinatambayan namin nila Liza.

"Of course not!" he scoffed. " Ayaw ko lang may makakita sa atin because I don't want to share."

"What?! Hindi ko alam na ganyan ka pala kadamot." Napapailing ako, this guy is really something.

"Hey! this is my favorite nicotine brand and it's not available here. You are lucky you know, I'm willing to share it with you kahit dalawang pack lang ang baon ko."

"Oh ngayon may utang na loob pa ako sa'yo." pasarkastiko kong sabi.

"It's okay cheesecake, sisingilin naman kita."

"Cheesecake?" nakataas ang kilay na baling ko sa nakangisi na si Dave. Do I heard him right? Tinawag niya akong cheesecake?

Tinaasan niya rin ako ng kilay. "Not good enough for you? how about applepie... honeypie... strawberrypie or... berrypie?"

"Tinatakam mo ba ako?  you know we can't find it here!" reklamo ko kunyari, ayaw kong isipin na nilalandi niya ako.

"There's more." patuloy nito na parang hindi ako narinig. "Would you prefer if I call you custardpie or kaya eggpie?...you know.. they are more sweeter."

"Eggpie? Yuck!"

"What's wrong with eggpie? masarap kaya yun."

Nauwi sa  argumento ang tungkol sa eggpie, sumakit ang tiyan ko sa katatawa sa mga binibigay na rason nito habang nakikipagtalo sa akin.

Hindi namin namalayan that we stayed behind the tree for hours, talking about something and everything,  by the time we went back sa mga kasamahan namin, they already retired for the night.


 "Night Dave." Sabi ko sa mahinang boses.

"Sweet dreams cheesecake."


Napangiti ako pero hindi na ako sumagot at baka humaba na naman ang pag uusap namin, magising pa ang mga kasamahan namin na mahimbing ng natutulog, sa katunayan napupuno na ng mga hilik nila ang loob ng kuwarto.

 Nakangiti na tinaas ko ang zipper ng sleeping bag hanggang leeg ko, the thick materials comforting me against the bitter cold outside.

It strucked me as I closed my eyes na sa buong oras na kasama ko si Dave  ni minsan hindi sumagi sa isipan ko si Alex, I went to sleep that night feeling excited.

Having Dave here is more fun and I can't wait to start the day with him and his lame jokes.


Sleeping With My Enemy (Completed)Where stories live. Discover now