10

66K 1.1K 583
                                    

"NAKAKAINIS kang borikak ka!" reklamo ni Jhaaja bago pinagpapadyak ang kaniyang paa sa sahig.

I squinted my eyes at him before shouting. "Ha?! Anong sinasabi mo? 'Di kita marinig! Ang lakas ng music!"

"Tangina mo! Sana hindi na lang ako sumama sa'yo! Sana hinintay ko na lang si Azaire my labs!" himutok niya na hindi ko pa rin maintindihan dahil sa lakas ng music sa pinuntahan naming bar.

Wala naman talaga akong balak mag-bar ngayon pero sadyang binulungan lang ako ng demonyong parte ng utak ko. I deserve this. I deserve to drink. I deserve to chill.

I swirled my cup before drinking the cocktail I ordered. Pinapanood ko lang si Jhaaja na nakabusangot pa rin habang umiinom ng beer. Ayaw pa nga niya na sumama sa akin dahil daw bad influence ako para sa kaniyang kalusugan pero noong nakita niyang tumayo na ako para umalis, wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin. Well, I'm just gonna compensate him back by giving Azaire's number and facebook name.

I can hear him murmuring something but the music was too loud for me to comprehend whatever he was saying. Hindi ko na siya pinansin at tinuloy-tuloy ko na lang ang pag-inom. Hindi ko alam kung naka ilang baso na ako ng cocktail pero unti-unti ko ng naramdaman na tinatamaan na ako.

My mind is spinning and I'm starting to get sleepy. Si Jhaaja mukhang okay pa kasi patuloy pa rin siya sa pagdadaldal sa tabi ko kahit na hindi ko na alam kung anong pinagsasabi niya. The sounds are muffled, and my vision is blurred. When I couldn't hold my dizziness, I rested my head on the table and I closed my eyes hoping that I will sober up soon. Nakaramdam ko na lang na niyugyog ako ni Jhaaja bago sumigaw.

"Borikak, punta lang ako sa comfort room ha?"

Kahit na hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni Jhaaja, tumango na lang ako sa kaniya at nanatiling nakapikit. Pero wala pang ilang minuto noong pinikit ko ang mga mata ko, naramdaman kong may tumabi sa akin. Hindi ko na iyon pinansin dahil ang akala ko uupo lang siya pero agad akong napadilat noong biglang may ibinagsak na isang baso ng cocktail sa harap ko.

Dahan-dahan akong umayos ng upo bago ako tumingin sa tabi ko at nakita ko ang isang lalaking nakangiti sa akin. Chinito siya at maputi. Ang gwapo niya sa totoo lang pero wala ako sa tamang pag-iisip para i-appreciate ang kaniyang kagwapuhan.

"Hi!" bati niya.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatitig sa kaniya. I narrowed my eyes at him and tried my very best to recognize his face.

Kilala ko ba 'to?

Noong nakita niyang wala akong balak sumagot, napakamot siya sa kaniyang batok.

"Sorry, uhm I was just interested in you. Kanina pa kasi kita tinitignan e. Ang ganda mo," sambit niya.

"That's a little bit creepy," komento ko.

"Ha? Sorry! But the sound is too loud. Hindi ko narinig 'yong sinabi mo!"

I rolled my eyes before motioning him to come closer. Sa layo ba naman niya, malamang sa malamang hindi niya maririnig ang sinasabi ko. Hindi naman siya nagatubiling sundin ang utos ko at mabilis na lumapit sa akin, sakto lang para magkarinigan kaming dalawa.

"Sorry, ano nga ulit 'yong sinasabi mo kanina?" he gently asked.

"Ang sabi ko, ang creepy mo," ulit ko.

"Ah yeah, sorry," aniya bago tumikhim. "Uhm, were you chilling? Or did someone break your heart and you're here to forget him?"

Hindi ako agad sumagot sa tanong niya. I grabbed the glass he gave me before drinking a little and looking back at him. Ipinatong ko ang aking siko sa mesa bago ko ipinatong ang aking pisngi sa ibabaw ng likod ng aking kamay.

The Mayor's ParagonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon