"E mas nagagalit iyon kapag nakita si Kochie. Nagagalit 'yong pochie niya," sambit ko.

Bigla siyang napalingon sa akin. "Ha? Anong pochie?"

"Iyong patutoy niya."

Napanganga siya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin na para bang ako na ang pinaka ewan na tao sa mundong ito.

"Tangina namang pangalan ng titi 'yan. Pochie talaga?" nakangiwing tanong niya.

"E syempre kochie 'yong tawag sa akin, edi syempre dapat pochie rin sa kaniya."

Her face went blank like all of the emotions she have was washed out. She numerously shook her head before turning her head back at me.

"Tangina mo. Nai-stress na ako sa'yo. Dagdag ka sa stress ko." Rinig kong sabi niya sa akin.

"Tulungan mo na kasi ako! Paano ko ba sasabihin sa kaniya na...na bumalik na 'yong babaeng iyon?" Pahina nang pahina ang boses ko habang nagtatanong.

Napatingin na lang ako sa mesang nasa harapan ko ngayon at napabuntong hininga nang malalim. I just can't bring myself to tell him that she's already back. I can't find my voice and it seems that I can't find a proper timing to tell him that news. Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya.

Paano kung dahil sa pagbalik ni Zamira ay mapalayo ako kay Riez? Paano kung utusan niya si Riez na alisin ako sa trabaho? Paano kung dahil sa kaniya mawala ang lahat ng mga efforts ko? Riez is slowly changing. He's slowly opening to me and I don't want to lose everything we have right now. I love the thing we have in this moment...

"Edi sabihin mo lang na 'Hey, she's back'. Ano bang mahirap doon?" tanong ni Eli sa akin at nagsimula ng ihanda ang mga sangkap na iluluto niya.

"E sa natatakot nga ako!" I answered, clearly frustrated about everything.

"Edi 'wag mo na lang sabihin," aniya ulit.

Kahit na gusto kong hindi sabihin sa kaniya, wala naman akong magagawa dahil babalik at babalik pa rin si Zamira rito kahit na anong gawin ko.

"E magagalit naman siya kapag 'di ko sasabihin," mahinang bulong ko.

"Edi kapag nagalit, paamoy mo si Kochie. Siguraduhin mo lang na mabango ha, baka mamaya amoy expired naman na 'yang si Kochie. Edi talagang magagalit siya."

Napailing na lang ako. "Wala kang sense kausap."

"E syempre walang sense kausap ko e," sagot niya.

"Eli!"

Kung hindi ka lang nagluluto, sasabunutan talaga kita. Pasalamat ka at mabait akong tao ngayon.

"E ano bang gusto mong gawin ko? Ako magsabi sa kaniya?" tanong niya.

Bigla akong napaayos ng upo bago tinitigan ang kaniyang likod. "Talaga? Gagawin mo iyon?"

"Malamang hindi. Ano ka, ginto? Ha, asa."

"Eli! Sige na!" Pagpupumilit ko sa kaniya.

Napabuntong hininga siya bago tinakpan ang kaldero at muli akong hinarap. She looked at me seriously.

"Huwag mo akong idamay riyan, Yña. You should decide for yourself. I can't help you since I am outside of whatever you call your relationship. All I could do is to give advice but other than that? Wala na akong maitutulong sa'yo. It's either you take my advice or leave it. It's your decision and action that will matter the most, it's not mine. I'm not in that relationship, you are."

Pagkatapos ay muli niya akong tinalikuran at itinuon na niya ang buong pansin niya sa pagluluto habang ako naman ay tahimik na napaisip. Ipinatong ko ang aking braso sa ibabaw ng mesa bago ko ipinatong ang aking baba sa aking braso at tumitig na lang sa may pader.

The Mayor's ParagonWhere stories live. Discover now