CHAPTER 47

78 3 0
                                    

Bella POV

Nagising ako na parang may nakayakap saken at paglingon ko muka ni Hailey Ang sumalubong saken .

Di ko naman mapigilan Ang di mapangiti dahil nasa harap ko ngayon Yung babaeng sobrang Mahal ko .

Hinaplos ko naman Yung muka nya dahil gusto kong sulitin Yung oras na to na Kasama sya at katabi sya .

Sobra kitang namiss Hailey .

Kahit na andito ka ngayon sa tabi ko ayokong mawala kapa , Mahal na Mahal Kita ng sobra .

I give her a kiss bago ko dahan-dahan inalis Yung pagkakayap nya saken .

Dahan-dahan akong pumunta ng banyo para maghilamos at mag toothbrush.

After Kong Gawin Yun dahan-dahan akong sumilip kung gising na si Hailey at buti na lang mahimbing pa den Yung tulog nya .

Lumabas na ko ng kwarto at pumunta sa kusina para mag ready ng kakainin Namin ni Hailey .

Just a simple breakfast na alam Kong magugustuhan nya .

After ng ilang mins. Naka ready na sa table Yung pagkain naming dalawa .

Pancake na alam Kong favorite nya .

Fried rice , Hotdog & Ham .

Hmm 🤔 ano pa Kaya Ang kulang ?

Yung Coffee ni Hailey .

Kinuha ko naman Yung personalized na Mug ni Hailey , oo Tama kayo kahit na nung wala pa si Hailey may mga ilan akong gamit na binili para sa kanya na tinago ko dito sa dreamhouse naming dalawa .

Kinuha ko naman Yung personalized na Mug ni Hailey , oo Tama kayo kahit na nung wala pa si Hailey may mga ilan akong gamit na binili para sa kanya na tinago ko dito sa dreamhouse naming dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang cute ng baso naming dalawa no?

Napangiti na lang ako sa sarili ko .

Naramdaman ko naman na may yumakap saken at hinalikan sa pisngi .

" Goodmorning Beautiful "

" Goodmorning at hanggang ngayon napaka bolero mo pa den " natatawa Kong Sabi sa kanya .

Hinarap Naman ako ni Hailey sa kanya pero di nya pa den inaalis Yung pagkakayakap nya sa bewang ko .

" Kailan ba Kita binola? Nagsasabi lang naman ako ng totoo Bella , sobrang ganda mo lalo na kapag nakikita Kong masaya ka . "

" Alam mo Hailey , gutom lang Yan Tara na kaen na tayo niready ko na Yung pagkain nating dalawa . "

Napanguso na lang si Hailey dahil sa sinabi ko .

" Bat Ang aga mong bumangon pala? " .

" Hmm , nagising ako Kase may tumawag sa cellphone ko si Mommy tinatanong kung ok na daw ba tayo at para makausap kana den daw nya . "

" Sure kaba na Hindi magagalit saken si Tita? Sigurado na den ba na Hindi kana nya ilalayo saken? " Nag-aalangan na tanong ko Kay Hailey .

Hanggang ngayon may agam-agam pa den ako at may kaba sa puso ko na baka gustuhin nya ilayo ulet saken si Hailey .

Bigla akong napatigil sa pagkain at biglang sumikip Yung dibdib ko dahil sa ganung naisip ko .

" Ok ka lang Mahal? May masakit ba sayo? " nag-aalalang tanong ni Hailey .

Napailing na lang ako at ngumiti ng tipid sa kanya upang di na Sya mag-alala saken .

" Kung ano man Yung iniisip mo kalimutan muna ok? Hindi na kita iiwan pangako mananatili na ko sa tabi mo kahit na anong manyare . "

Kahit papaano gumaan Yung pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Hailey saken .

Nag prisinta na si Hailey na Sya na lang Ang maghuhugas ng mga pinagkainan Namin at para makapag shower na den ako .

Ineexpect ng Mommy nya na pupunta kami ngayong Umaga sa bahay nila .

Sana maging ok na lahat .

Gusto ko lang naman maging masaya ng Kasama si Hailey at Yung malalapit na tao samin .

Hayts .

Ilang araw na lang den pala Birthday na ni Annie at Ang Team ko Ang mag-aayos ng Birthday Party ni Annie .

Meron akong sariling Business na nag organized ng mga Event 😊

At Plano ko na den sabihin sa mga kaibigan Namin na ok na kaming dalawa ni Hailey .

Alam Kong madami matutuwa kapag nalaman nila .

After Kong magbihis si Hailey na yung sumunod na pumasok sa banyo .

Habang nag-aayos sa sarili ko naisipan kung isuot Yung dress na binili ni Hailey nuon saken .

Naglagay lang ako ng simpleng make-up dahil di den naman ako sanay na makapag masyado maglagay ng kung anu-ano sa muka 😅

Saktong tapos na ko sya namang labas ni Hailey sa Cr .


"  Ang ganda at sexy mo hanggang Bella " - namamangha na Sabi ni Hailey

" Ayan ka nanaman binobola mo nanaman ako , Dalian muna dyan para makaalis na tayo pupunta pa ko sa Office para sa iremind Yung mga tauhan ko para sa Birthday ni Annie " .

Tumango na lang si Hailey at nag-ayos na den Sya .

Nauna na Kong bumaba para antayin sya .


" Let's go sexy 😉 " - sabay kindat ni Hailey saken .













Natawa na lang ako sa kanya dahil di magbago
Yung Hailey na nakilala ko .

I Just Wanna Be With You [Bella & Hailey] Story 🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon