*A-H-H, Ch.4

178 6 2
                                    

*A-H-H, Ch.4

~SHELBIE’s POV~

“Alright! Be ready everyone! Malapit ng magsimula ang program! Make sure na hindi kayo magkakamali sa performance nyo. Malinaw ba?” sabi samin ni Sir. Al.

Tumango nalang kaming lahat. Actually hindi kaming lahat dahil wala si Rian.

Napalingon ako sa gilid ko. Malapit sa exit ng backstage. Nakita ko dun ang bestfriend ko na masayang nakikipag-usap sa girlfriend nya.

Marami ang nagsasabi na ang sweet daw nilang dalawa. Maski si Krane sinabi din yun. Naisip ko tuloy, ganyan din kaya kami ka-sweet ni Rian noon? Para pagkamalan kaming mag-boyfriend/girlfriend ng mga tao?

Haay, Shelbie. Ayan ka na naman. Nakapag-decide ka na. For his happiness kailangan mo tong gawin.

***

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang program. May mga nagperform na din. Medyo malapit na nga kami ni Rian eh. Kaso mauuna muna sila Krane samin.

“Uy, Shelbie kinakabahan talaga ako.” >.<

“Ano ka ba—“

“Wag kang kabahan Krane. Akong bahala sayo.” Biglang akbay ni Rembert kay Krane.

Mukha namang naging ok na si Krane. Hm. Teka, may nasesense talaga ako sa dalawang to eh. Nagkadevelopan na siguro to. ~.~

Mga ilang sandali pa ay tinawag na sila Krane at Rembert para mag-perform. Second to the last performers kasi sila. At kami ang last ni Rian kaya in short, kami na ang susunod.

“Hindi ka ba kinakabahan?” biglang sabi ng lalaki sa tabi ko.

Umiling ako, “Hindi.” Nakatingin ako sa may stage. Nasa may gilid kami.

Ramdam ko na nakatingin sya sakin pero hinayaan ko lang.

“Shelbie—“

“Kyaaaaaaaaaaaahhhh!!!” naputol ang sasabihin ni Rian nang maghiyawan ang mga tao. Nagkaroon na kasi ng spotlight sa tapat nila Krane at Rembert.

Napatingin naman ako kay Rian, “May sasabihin ka?”

Nakatingin din naman sya sakin. Parang may gusto syang itanong na ewan. -__-

Umiling sya at ngumiti, “Wala.”

Tumango nalang ako at muling tumingin sa stage. Kita ko naman na nakatingin pa rin sya sakin. Yung totoo? May dumi kaya ako sa mukha? -__-

Nanood lang kami dun hanggang sa natapos ang performance nung dalawa.

Naghanda naman na kami agad ni Rian para kapag tinawag na kami ng MC ay ok na.

“Wow. What a wonderful performance from Krane and Rembert. They have a chemistry right? Agree with me?” sumagot naman ang audience ng yes, “I guess. So, are you ready for the final performance?!” sumigaw ulit ang audience, “Alright. Allow me to introduce our last performers for this event. May we call on stage, Ms. Shelbie Uricesonn Morales and Mr. Rian Joseph Madrid!” after iannounce yun ng MC ay nagsipalakpakan ang mga tao.

Nagpunta naman kami ni Rian sa stage. Nakapatay pa ang mga ilaw. Kapag nasa gitna na kami ay saka palang magkakaroon ng spotlight. Katulad ng kila Rembert at Krane.

Biglang sumindi ang mga ilaw at nagkaroon na ng spotlight sa kung nasaan kami parehas ni Rian.

Ang pwesto namin ay malayo kami sa isa’t isa. Pero magkaharapan kami. Parehas kaming nakayuko. Nakarinig nalang ako ng malakas na hiyawan mula sa audience.

{Completed} A Hopeless Heart {AHH}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon