*A-H-H, Ch.3

214 9 1
                                    

*A-H-H, Ch.3

~SHELBIE’s POV~

“Ate! Yung cellphone mo kanina pa tumutunog! Sagutin mo na! Maingay eh!” sigaw ni Shella mula sa salla.

Nandito kasi ako ngayon sa kwarto ko at nag-aayos ng mga dadalhin ko para sa practice naming sa Auditorium ng School.

Aware naman ako sa cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog dahil sa tumatawag ang bestfriend ko. Sinadya ko talaga yun. Nang bumaba ako kanina para kumuha ng mineral water ay iniwan ko ang cellphone ko sa salla.

Wala lang. Siguro 1st step ko na din to para iwasan sya. Alam ko naman kung bakit tumatawag yan. Itatanong kung nakagayak na ko at susunduin nya ako dito sa bahay para sabay na kaming pumasok.

Pero gaya nga ng sabi ni Shella, kung ayaw kong masaktan ako lalo mas mabuti ng iwasan ko sya. Kahit na alam ko na mahirap lalo na’t magka-partner pa kami sa sayaw.

“ATE!” Sigaw ulit ni Shella.

Nako. Mukhang galit na ang super cute kong kapatid. Hehe. Syempre sabi nga ng iba para daw kaming kambal kaya pag pinuri ko sya babalik din sakin. ;) that’s life.

“OO! ETO NA! BABABA NA KO!” sigaw ko naman pabalik.

Minadali ko na ang pagaayos at malapit na rin akong ma-late. 9am ang usapan at 8:30am na. Tsk! First practice late ako. -__-

Bumaba na ako at naabutan ko si Shella na masama ang tingin sakin habang may hawak syang libro, “Ate, pwede sa susunod sa kusina mo nalang iwan ang cellphone mo?! Hindi ako makapagconcentrate sa binabasa ko!”

Napatawa ako at nilapitan ko sya sabay kuha ng cellphone sa table, “Hehe. Sorry. Hayaan mo. Next time.”

Nagpout sya. Asus, kacute. :”>

“Sige. Umalis ka na. Goodluck.”

Napangiti ako. Ang sweet talaga nitong kapatid ko.

Nagpaalam na ko sa kanya at umalis na. Wala si mommy. Nagpunta ng market. Hehe.

Lumabas na ako ng gate at isinara ito. Lalakad na sana ako paalis nang may magsalita,

“Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?”

Ok. Boses palang kilalang kilala ko na. napahinto ako at napalingon sa likod ko.

There he is. Nakasandal sa pader habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa kanyang grey pants. He’s wearing a fitted shirt. Dahil dun mas naemphasize tuloy ang body shape nya. >.>

Syempre base sa tono nya mukhang inis na inis sya kaya hindi mawawala ang tingin nyang nakakakuryente. -__-

Nag-smile ako, “Uy! Bestfriend! Nandyan ka pala! Hehe.”

Nanatili pa rin syang nakatingin sakin ng seryoso. Anong akala naman nya? Papatalo ako sa kanya? Haha! No way~

Nakatingin din ako sa kanya habang naka-smile. Nakalimutan ko pala, halos katapat lang namin ang bahay nila. ~__~ pero infairness kay Rian, hinintay nya talaga akong makalabas? Ni hindi nya inalam kung nakaalis na ba ako o hindi. Ibang klase. Kilala nya talaga ako. Hehe.

Tumayo na sya ng maayos at dahan dahang lumapit sakin. Nakapamulsa pa rin sya at nakatingin sakin ng seryoso.

Uh-oh. Hindi ata maganda to. >.>

Nanatili din naman ako sa ganung posisyon hanggang sa huminto sya sa harap ko.

“Uhh. Ri—“

“Anong balak mong gawin? Akala mo ba hindi ko napapansin? Iniiwasan mo ba ko Shelbie?” seryoso nyang tanong.

Bigla naman akong kinabahan dun. Pero syempre, Keep calm and stay cool. ;)

{Completed} A Hopeless Heart {AHH}Where stories live. Discover now