"Babe, I'm okay, really. Wala namang klase bukas kaya makapagpahinga ako ng maayos. Wag ka ng mag-alala, hmm?" Inabot ko ang kamay niya.

"How can I do that? Hindi mawawala ang pag-aalala ko because you're a stubborn girl!" Napasimangot ako. Naramdaman kong tumabi siya sakin. "Here, drink this."

"Hindi mo na ako dadalhin sa ospital?" Nginitian ko siya ng matamis.

Tiningnan pa niya ako ng mataman bago dahan-dahang tumango. "Pero kapag hindi ka parin gumaling, dadalhin kita, okay?" Naging malawak ang ngiti ko habang tumango-tango. Ininom ko din agad ang gamot. "Kung sana sinundo kita sa school niyo, edi naisugod kita agad sa ospital." Patuloy pa niya. "Buti nalang talaga si Manong Guard nakakita sayo!"

"Babe, I'm okay now. Maybe naninibago lang sa init ng panahon." Pagkukumbinsi ko.

"Take a rest." Aniya at pinaayos ako sa paghiga saka ako kinumutan. "Matulog ka ulit para mas lalong makapagpahinga ka."

"Wait, si Skier?"

"I don't know, wala na siya dito kanina but I texted him using your phone para hindi siya mag-alala." Sagot niya saka hinaplos ang buhok ko. Asan naman kaya ang pinsan kong yun? "Rest na, hmm?"

Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko pagpikit ko. Maya-maya pay narinig kong tumunog ang cellphone niya.

"Hello?" Nakinig lang ako sa kanya. "What? And why is that? Okay, I'm coming over. Make sure you bring Engr. Valdez to my office, understand?" Yun lang ang narinig ko dahil kinain na ako ng antok dala siguro sa sakit ko.

****

Nagising ang diwa ko dahil naramdaman kong may yumugyog sa balikat ko.

"Hey babe, wake up." Rinig kong boses ni Daren habang nakapikit parin ako.

"Mmm..." Naiusal ko habang unti-unting minumulat ang mata ko.

"Let's eat, hindi pwedeng malipasan ka ng gutom. And after that, iinom ka naman ng gamot." Inihilig niya ako sa headboard pero nagtaka ako ng maramdamang flat ang nahiligan ko.

Nanlaki ang matang pinalibot ko ang tingin sa kwartong kinaroroonan namin. Hindi naman ganito ang kwarto ko. "Nasan tayo? Hindi ito ang condo ko."

"Hindi naman talaga dahil andito tayo sa site kung san ako kasalukuyang may project. Nandito tayo sa office ko." Aniya habang hinanda ang pagkain namin.

Tumango ako. "Ahh, akala koㅡwait, what??" Naisigaw ko matapos ma-process ang sinabi niya. "Y-You mean..."

"Yes babe, I brought you here dahil ayokong mawala ka sa paningin ko. Paano nalang kapag naulit ang nangyari kanina na nahimatay ka?" Patuloy pa rin niyang inasikaso ang pagkain namin. "Eat this, masustansya lahat to."

"Daren, bakit naman kailangang dalhin mo pa ako dito? I'm feeling better now kaya naman ayos lang na iwanan mo ako sa condo kung may trabaho ka. Ano nalang ang sasabihin ng ibang katrabaho mo?" Mahinang usal ko. Mahirap na baka marinig sa labas ang pag-uusap namin.

Andito kasi kami ngayon sa mini office niya at sa labas mismo ay dun nila tinrabaho ang project nila na malaking bahay.

"Babe, wala akong pakialam sa sasabihin nila, sayo lang ako may pakialam. Dinala kita dito kasi nag-aalala ako sayo at ayokong iwanan kang mag-isa knowing na may sakit ka. Kaya nung malaman ko kanina na palpak ang trabaho ni Engr. Valdez, dinala na kita agad pagpunta ko dito." Medyo naiinis na usal niya. "Kung ayaw mo, I understand, ipapahatid nalang kita pabalik. Eat." Pagkatapos nun lumabas na siyang office niya.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now