"Dahil ikaw si Darna?" Dugtong niya agad. "Duh, alangan namang naging si Darna ka bigla?" Magiliw na aniya at kinaladkad pa ako.

"I'm sorry but I'm saying the truthㅡ"

"Nikole!" Napahinto kami dahil sa boses ni Astheria na nakasigaw na nasa harapan di kalayuan samin. At naramdaman ko ang pagkatigas ng babaeng nakahawak sa braso ko. Nikole ata pangalan.

"H-Huh?..." Tila hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Pabalik-balik ang tingin niya saming dalawa ni Astheria hanggang sa unti-unting binitawan niya ang braso ko at parang tuod na lumayo sakin. "A-Astheria..."

"Gaga ka, kanina pa kita hinahanap!" Lumapit si Astheria samin. She smiled at me. "Hey, sis!" Hinarap niya si Nikole. "So, nakita mo na ang kambal ko."

"K-Kambal? May kambal ka?" Gulat parin yung babae. At tila nahihiya dahil sa inakto niya kanina sakin dahil sa pag-aakalang ako so Astheria. Hmm.. mukhang maraming maging close ang kambal ko ah! Good for her.

"Yes, I have a twin sister, Athena. Sis, si Nikole naging kaibigan ko siya dito." Pagpapakilala ni Astheria.

Nilingon ko yung Nikole at masuyong nginitian. "Hi, Nikole. Nice to meet you."

"H-Hi, Athena. I'm sorry kanina..." Nahihiya niyanv usal.

"No worries. Napagkamalan mo lang ako na si Astheria." Nagkamay kami.

"Ang laki nga talaga ng school na'to, kasi sa araw-araw na pumapasok tayo hindi man lang kita nakita." Aniya.

Natawa ako. "Yeah right. Kasalanan din ng kambal ko kung bakit hindi niya sinabi sa inyo na may kakambal siya." Sabi ko sabay tingin kay Astheria na nakasimangot.

"Eh gusto ko ngang malaman nila in a different way. I-prank, ganun!" Ani Astheria. Natawa nalang kami. "How's your exam?"

"Okay naman. Una nako sayo sis, gusto kong bumawi ng tulog." Paalam ko.

****

"Salamat po, kuya." Sabi ko pagkababa sa taxing sinakyan ko. Nasa tapat na kami ng building ng condominium namin.

Tumalikod ako sa taxi at nagsimulang maglakad pero isang hakbang palang ang nagagawa ko ng umikot ang paningin ko at sumakit ang ulo ko.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" Anang guard ng building.

"Yes, kuya. Medyo nahilo lang." Sabi ko pero bigla nalang nandilim ang paningin ko kasabay ng pagbagsak ko.

****

"Fvck! Please, baby, wake up. You're making me worry!" Anang tinig na nakapagpagising ng diwa ko.

Minulat ko ang mata ko. "H-Hey..." Mahinang sambit ko. Agad naman niya akong dinaluhan.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Aniya na may halong galit at pag-aalala. "You're sick mula pa pala kanina and yet you didn't bother to tell me!" Para siyang tatay ko na pinagalitan ako.

"Sick? I am not sick." Dahan-dahan akong umupo na inalalayan naman niya agad. Tumingin ako sa kanya kaya kita ko ang sama ng tingin niya.

"You're not sick? So normal lang ang init mo? Normal lang ang pagkahimatay mo, ganun ba yun?" Galit talaga siya. Napanguso ako. "Drink your meds, dadalhin kita sa ospital ngayon din."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "What? Hindi na kailangan, pagod lang to. Konting pahinga lang ang kailangan ko."

"Athena..." He said in a warning tone. "Dadalhin kita sa ayaw at gusto mo!"

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now