Chapter 12:

233 21 2
                                    

Zethus' POV:

Seryoso akong nakatingin kay Alfonso habang may ginagawa siya sa harap ng laptop niya. Agad akong ngumiti nang mapaangat siya ng tingin sa akin.

"So, are we leaving the Philippines now? Since Zach already agreed to our terms." tanong ko kay Alfonso. Sinara niya ang laptop niya.

"Yes. We're leaving in two days, and he'll follow us in a week since he still has other things to do. Rest assured that there will be no problems." sagot nito sa akin at kunwari akong napatango.

Napatingin siya sa relo niya saka napatingin sa screen ng cellphone niya, nakasunod lang ako ng tingin sa kanya.

"I'll prepare things before our departure. Call me if something comes up." tayo nito at inayos ang suot.

"Sure." I answered as I pretended to scroll my phone. Narinig ko ang pagsara ng pintuan at doon ako napaangat ng tingin. Ibinaba ko ang cellphone ko at napasandal sa aking inuupuan habang napaisip ng malalim.

What are you planning, Alfonso? What are you hiding?

Zach has been consistently rejecting me, and then suddenly, he agreed. I wasn't aware of the fact na they met, because it was supposed to be my job na kausapin sib Zach. Alfonso said nothing to me about it hanggang sa mabalitaan ko nalang sa kanya mismo na Zach already agreed sa pinapagawa namin. 

It wasn't weird to me na palaging nawawala si Alfonso, hanggang sa mapansin kong he's taking calls from someone na parang tinatago niya sa akin.

So, that night, I made the decision to follow him. He was wearing something formal, so I wore the same. 

It wasn't clear to me kung bakit pumunta siya sa isang wedding reception pero hindi siya pumapasok sa loob na para bang may inaantay siya. Maiigi ko siyang sinundan, but I got distracted nang mahagilap ko si Charlotte na dumating kasama ang kakambal ko. 

She was so pretty, ni hindi ko namalayan na I shifted my focus to her from Alfonso. It was too late for me to realized na wala na si Alfonso doon sa pwesto niya. Kung saan-saan ako nagpunta para hanapin si Alfonso, kung saan-saan ako nag-ikot doon sa venue.

I was about to give up nang makasalubong ko si Charlotte. She looked pretty from afar, but she was stunning up close. So, ayun nakalimutan ko na naman si Alfonso nang makasalubong ko siya. She looked troubled by what she was wearing and how she looked, but I couldn't agree with her because all I could say was compliments. She looked great, just like the first time that I saw her.

While talking to her, doon ko ulit nakita si Alfonso na dumaan. Nasa venue pa rin siya no'n, at gaya ng hinala ko ay sa tingin ko may inaantay talaga siya. Kailangan ko siya sundan, kung kaya't I had to left Charlotte. 

May lahing paniki ata si Alfonso kasi ang bilis niyang nawala at hindi ko na naman mahanap. Isama mo pa 'tong si Charlotte  na sinundan ako. Biglang lumuhod sa harap ko, akala ko mag pro-propose tapos nakita ko singsing sa kaliwang kamay niya sa ikaapat na daliri. I thought, "She's married, dude. Baka magtra-transform lang bilang bumble bee."

I can't help my lips from smiling nang maalala ko ang nangyari.  I wasn't teasing her, nor did I intentionally do it. I had to fake kiss her because I saw Alfonso passing by sabay napatingin sa gawi namin. Dapat yayakapin ko lang siya, tapos 'yon ang nangyari.

I laughed remembering her reaction nang bitawan ko na siya. Alam kong sumasakit mga paa niya, pero ang bilis niyang nakatakbo, habang nakatakip sa mukha niya. Bilib nga ako kung pa'no niya 'yon nagawa hahahaha. Madilim doon, tapos naka-heels siya at madamo ang daan pero ang tulin ng takbo niya hahahah.

Kita niyo? Distracted na naman ako, si Alfonso dapat ikwe-kwento ko tapos napunta na naman kay Charlotte. 

Anyways, I found Alfonso talking to Zach. They were talking so comfortably na para bang it wasn't the first time na magkita at mag-usap sila.

My Husband's Hot BrotherWhere stories live. Discover now