Chapter 9:

279 25 2
                                    

Charlotte's POV:

"Charlotte." 

Napamulat ako ng mga mata nang marinig ang boses ni Val. Kinuha ko ang folder na inilapag niya sa aking harapan. Nasa filming site ako ngayon ng isang music video. Music video ng kantang ilalabas ng parang ka-love line ko sa pinaka-recent na movie ko na hanggang ngayon showing pa rin sa maraming cinemas sa iba't-ibang bansa. He's in a group, and half from his group ay nakapag-solo debut na and it's his turn this time. He asked me for a favor na lumabas sa MV niya as a support. 

Pumayag ako since wala naman akong pinagkakaabalahan masyado other than guesting's or shooting some advertisements, kasi maigi ko pang pinagpipilian ang susunod kong gagawin after my recent movie habang naghahanda sa ilalabas kong album. Marami akong scripts na natanggap, kaya I'm reading each one thoroughly.

"Ano 'to?" tanong ko kay Val. "Beh buksan at basahin mo." sagot ni Val sa akin. Abang manager 'to. "Tinatamad ako." biro kong sabi. "Okay lang, pwede kang tamadin ngayon tapos balik natin ang mga na-postponed mong schedule over the weekend kasi may date kayo ni Zach 'di ba?" matamis na ngiti niyang banta sa akin. 

Wala sa oras akong napaupo ng maayos at binuksan 'yong binigay niya sa aking folder. Hindi naman mabiro ang babaitang 'to. Binasa ko ang nilalaman ng folder. "Our CEO wants you take that advertisement so badly. Kilala mo naman 'yon, hindi no'n palalagpasin 'pag kumikinang ang pera." sabi sa akin ni Val na hindi ko alam anong kinakalkal sa bag niya, rinig na rinig kahit nakatalikod ako.

It's a photoshoot advertisement of a famous bridal apparel. "The Ad wants you and Zach in it. Your marriage with Zach was not a secret, but private. Kumbaga hindi alam ng nakakarami. Nagugulat nalang ang iba 'pag nalalaman nilang kasal ka na pala, tapos mas magugulat once na malaman na isang sikat at mayaman na business tycoon sa isang food chain ang napangasawa mo. So it's either they didn't know you got married, or they knew but weren't aware that your husband is the one and only Zacharias Ford Silvius. I don't want to hurt your feelings but mostly everyone who knows Zach didn't know that your man is off the charts. Akala nila single pa rin, and we both know why. Despite being successful and famous in their own field, Zane and Zach chose to live privately and mysteriously, di ba? There's not much information about them other than they're making lots of money every minute of each day.  Few people only know that they're married or who their wives are. Lalo na si Zach, you two just got married last year. Our CEO saw this as an opportunity. Once released, this AD will create a big buzz in both the entertainment and business industries. And that means lots of money for our CEO. She said that you MUST take this one, and that you MUST also try your hardest to convince Zach to this with you since alam niyang ayaw ni Zach sa limelight." mahabang eksplenasyon ni Val sa akin. No need ko na ngang basahin 'yong ibinigay niya kasi she summarized it for me. Tapos no'ng tinanong ko kanina kung para saan, ayaw ako sagutin ng maayos. Bipolar din talaga 'tong kaibigan ko minsan.

But what she said was right. Though cleared na ang mga rumors at scandals ko noon, there's still some people out there who looks down on me. Hindi naman mawawala ang mga haters. Wala naman akong pake, other than sa mga nababasa kong hindi raw ako nababagay kay Zach at dinudumihan ko raw reputasyon niya sa tuwing nalalaman nilang I'm married to him. Sa lahat ng mga masasakit na nababasa ko online, it didn't hurt me, ngunit 'pag tungkol kay Zach on how I don't deserve him... It kills me inside. Ganoo'n ko lang talaga siguro siya kamahal. Hindi ko alam kung kakayanin kong mawala si Zach sa akin.

Naramdaman ko ang paghawak ni Val sa kamay ko kung kaya't napatingin ako sa kanya. "Why don't you try convincing Zach? Inisin lalo ang mga bashers mong ayaw maniwala na ikinasal ka sa kanya, o pinagsasabihan ka ng masama kesyo inagaw o ginayuma mo raw ang dapat sa kanila. Hindi lang ikaw Charlotte, swerte rin si Zach na ikaw ang napangasawa niya. I've never seen anyone who loves someone as genuinely as you. Kung lalaki lang ako, 'di sana no'ng mga panahong hindi mo pa siya nakikilala ay ako na mismo nagpakasal sa'yo eh." may halong biro niyang sabi sa akin dahilan para matawa ako ng mahina. 

My Husband's Hot BrotherWhere stories live. Discover now