Chapter 10

591 25 9
                                    

Third Person's POV:

Nakauwi si Charlotte na may mabibigat na yapak paakyat patungo sa kwarto nilang mag-asawa. She was really hoping na sunduin siya ng asawa at saka ito humingi ng tawad sa maling ginawa. It sounds stupid, but she'll forgive him. That's how much love she has for Zach. Ngunit mapaglaro nga naman ang tadhana, kasi kung sino pa ang gusto niyang iwasan, ay 'yon pa ang palaging dumarating sa panahong hinihiling niya ang asawa sana ang kasama. 

When she became sober, she knew she wasn't in her husband's arms. She knew who that scent belonged to, a smell that she couldn't seem to forget.  Sa kaloob-looban ni Charlotte, pakiramdaman niya ay wala siyang karapatan na magalit o magtanim ng sama ng loob kay Zethus na inaakala niyang si Zach sa pangangaliwa nito dahil sa nararamdamang hindi niya maipaliwanag sa kakambal nito.

Nagdadalawang isip na hinawakan ni Charlotte ang doorknob ng kanilang silid. Marami siyang katanungan; 'Paano kung wala siya sa loob?', 'Paano kung hindi pa siya umuuwi?', 'Magkasama pa kaya sila hanggang ngayon?', 'Anong gagawin ko kung sakaling nasa loob siya?'. 

Buong lakas na binuksan ni Charlotte ang pintuan at bumungad ang likuran ng natutulog na asawa. Napatitig si Charlotte sa likuran ng asawa at napaisip; 'How can he sleep soundly while I'm dying?'

Hinubad nito ang suot na heels at saka isinantabi. Balak sana nito pumunta ng banyo nang biglang magising ang asawa. 

Napaupo ito sa kama na kinukusot ang mga mata. "Ngayon lang natapos shoot niyo?" may hikab nitong kasama na tanong. Napatitig lamang si Charlotte sa mukha nito kung kaya't nagtaka ito agad.

"I can't reach you earlier, so I called Valerie na hindi rin sumasagot. I called your company to ask and they said you were filming at baka hindi pa tapos." ani nito. "I also can't reach you earlier. Ilang ulit ako tumawag pero walang sumasagot." walang kabuhay-buhay na sagot ni Charlotte na deretsong nakatingin sa mga mata ng asawa.

"You didn't get Kate's message? I told her to message you that I lost my phone." nagtataka nitong tanong. Kumunot ang noo ni Charlotte, "What do you mean?".

"I wasn't that feeling well, so I cancelled some of my schedule to go home early. Found out I lost my phone nang tatawagan sana kita, so I asked Kate to inform you baka kasi hanapin mo ako. Nakalimutan niya bang sabihan ka? Sinamahan kasi ako no'n balikan 'yong restaurant na pinuntahan ko with a client to eat lunch para hanapin cellphone ko. Late na kami nauwi pero nahanap naman niya phone ko kaya doon ko sinubukan tawagan ka at si Valerie. But, I can't reach you both." eksplenasyon nito kay Charlotte.

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Charlotte dahil sa narinig niya. "Totoo ba lahat ng sinasabi mo?" hindi nito napigilang itanong sa asawa, dahilan upang kumunot ang noo ni Zach. "Huh?" taka nitong tanong.

Napailing si Charlotte, "Nothing."

"Okay ka lang ba?" may pag-aalala nitong tanong kay Charlotte. "I'm fine. I'm just tired. I need to wash mysefl before I go to bed." parang wala sa tamang pag-iisip nitong sagot sa asawa saka nagpunta ng banyo.

Magkasalubong ang kilay na may kasamang pagdududa na napatitig ang bintana sa pintuan ng kanilang banyo. He just knew that there's something wrong, something he doesn't know.

Charlotte's POV:

Walang suot na mask o kahit sumbrero akong nagpunta sa opisina ni Zach, which I rarely does. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga tingin ng mga empleyado ni Zach sa akin, maybe they're just surprised na bumisita ako ng hindi takip na takip. 

May conference meeting si Zach, and it'll end soon. I instructed his employees na 'wag ipaalam sa kanya na andito ako by saying may surpresa ako kunwari. Pero, hindi talaga si Zach ang pinunta ko, it's Kate. 

My Husband's Hot BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon