Chapter 67: Ren's True Identity.

201 35 2
                                    

Frosch P.O.V.
Napabunting hininga ito bago magsalita na siyang naging dahilan upang mapahinti ang mga ito sa anilang pagtayo.

"Ngayon sasagutan ko na ang katanungan ni Auntie Chezka." Agad na naupo muli ang mga ito ng maalala ito.

"Ako na ang magpapaliwanag sa kanila ng tunay na iyong pagkatao." Agad akong nakaramdam ng isang nakakakilabot na enerhiya ng mapalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Doon tumambad sa akin ang isang napakagandang binibini na aming nakita sa Hell island.

"Goddess bea." Agad na napaluhod kameng apat ng makilala kung sino ang taong ito. Nakilala namin siya ng dahil sa huling pagsusulit na meroon kame noon. Siya at ang iba pang goddess na may gawa ng aming mundo ang siyang nagbabantay sa mga toreng iyon.

Kameng apat ay kasama sa mga mga heir and heiress nila. Ang mga tauhan ni Kuya Roy ang naging mga Head Guardians ng panahong iyon. Malaki ang nagbago sa aming pagsusulit na ginawa dahil ang amin ay umabot ng 16 na pagsubok habang ang iba ay 12 pagsubok dahil na rin sila ang mga guardians ng mga tore sa ibaba. Habang kame naman ang magiging hari o reyna ng hell Island dahil kame ang mga naging heir at heiress ng mga ito.

"Magsitayo kayo, ako ang magpapaliwanag ng totoong pagkatao niya bago kameng lahat mawala sa mundo." Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses kaya hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng may maling nangyayari.

"Ako si Goddes Bea, ang isa sa mga diyosa na gumawa ng mundong inyong kinalalagyan." Hindi maiwasan ng lahat ang magulat dahil sa sinabi nito nais pa sana ng mga ito ang lumuhod ngunit nagbigay ito ng sensyas na huwag ng ituloy at makinig na lamang.

"Si Ren Bonifacio ay isa sa aking tagapagmana ay mula sa ibang mundo." Gulat na napatingin ako kay Ren na ngayon ay nakayuko . "Namatay siya sa pagkasaga, ang buhay na meroon siya sa munding iyon ay hindi niyo aakalaing daranasin ng isang tulad niya. Ang magulang ay niya ay walang pakialam sa kanya at ang tanging gusto lamang ng mga ito ay ang saktan o maltratuhin siya. May mga panahong hindi siya makalakad o makapagsalita dahil sa ginawa ng kanyang pamilya."

Tumulo ang luha ko ng marinig ang storya ng buhay ni Ren hindi ko akalaing ganito ang kanyang dinanas noon kaya ba ganito na lang niya protektahan ang mga naging malapit sa kanya ay dahil takot siyang masaktan muli?.

"Dahil sa kanyang pagkamatay ay hidni ako nagdalawang isip na dalhin ang tulad niya sa mundong ito upang linisin ang lahat ng kasamaan sa lugar na ito. Sana ay matulungan niyo siyang maabot ang bagay na iyon. Hindi kame maaaring tumulong sa inyo ng sobra dahil maaaring masira ang buong mundo dahil sa aming lakas." Seryosong bigkas nito. Tumango naman ako kahit saang mundo siya galing ay wala akong dahilan upang layuan ko ang tulad niya. Sa lahat ng ginawa niya sa amin ay imposibleng walang tumulong sa gaya niya.

"Ang kakayahang meroon kayong apat huwag niyong gagamitin kung hindi pa kinakailangan, at Ren ang kakayahang mga ibinigay ko sa iyo ay sana gamitin mo ng lahat dahil ilan pa lamang ang ginagamit mo." Napansin ko ang pagtango nito bago tuluyang pumasok ang imahe nito sa katawan ni Ren na aiyang aming ikinagulat.

Maya maya pa ay napansin ko ang pagtamgo tango nito, mukhang kinakausap siya nito at pansin ko din ang lungkot , galit sa mukha nito na gad ding namang nawawala. Lumabas din naman ito agad sa katawan ni Ren bago tulyang namaalam sa amin na hindi na siya muling makakatulong pa sa amin.

"Ngayon alam niyo na ang aking katauhan, maaari na ba nating gawin ang mga importanteng aking ipapagawa?." Seryosong sabi nito. Hidni ko alam kung aning bagay ang kanyang tinutukoy. May inilabas itong napakaraming scrolls sa aming harapan na siyang ikinakunot ng aking noo. "Ang sabi sa akin ni Goddess Bea simula ngayon ako ang magiging chief ng Empire, magsimula din sa araw na ito ay uumpisahan na natin ang mga planong binuo niya." Planong binuno niya? Ibig sabihin may planong ibinigay sa kanya si Goddess bea?.

"Ang una tungkol sa pagpapakalat ko ng ating grupo sa labas ng aking tirahan . Hindi maaaring manatili na lamang sila rito kailangan nila ng kasanayan at karanasan sa pakikipaglaban." Tama ang kanyang sinabi kahit na sabihin nating nagsasanay sila rito ay hidni pa rin sapat iyon uoang maging mahasa ang mga ito sa pakikipaglaban.

"Ikalawa ang guild at ang pagbubukas ng aking academya ay maguumpisa na. Ang pangalan ng guild ay Flora Mix, habang ang academya naman ay flora mix academy." Hindi na ako kumontra pa sa mga pangalang ibinigay niya dahil alam kung ayos naman na ito.

"Isa pa lahat ng kasali sa guild ay may mga palatandaan na siyang magpapatunay na kasama ka sa guild na ito. Lahat ng mga elders at kame ay kasali sa guild na ito." Seryosong bigkas nito.

"Ayun lamang muna kaya sana ay magawa ng lahat ang mga plano dahil isang linggo mula ngayon ay simula na ng paglabas ng iba sa ating tirahan." Tumango ang mga ito at nagpaalam na ding aalis.

"Ren, ano pang ibang sinabi ni Goddess Bea?." Seryoso kong tanong. Kita ko ang galit sa mukha nito ngunit agad ding nawala.

"Ang mga god and goddess ng munding ito ay lubhang sugatan dahil sa digmaang nangyayari sa kanilang mundo. Si goddess bea ay magpapagaling sa tapat ng academyang aking gagawin, hindi niya maipapakita ang kanyang wangis dahil magkakaroon ng gulo. Magiging isang puno siya at siya ang poprotekta sa aking tirahan maging ang inyong mga nakuhanan ng kapangyarihan ay pumunta sa ibat ibang lugar upang magpagaling." Mahabang salaysay nito.

Hindi ko naman maiwasang hindi makaramdam ng awa sa mga ito dahil sa kanilang naranasan hidni ko akalaing maging ang gaya nila ay may kinakaharap ding suliranin.

"Ren, ano ano pa ba ang kakayahang pinasa sa iyo ni Goddess bea?." Tanong ni Greg. Napaisip din naman si Ren bago magsalita.

"Sa totoo lang hindi ko pa alam tatlo pa lang ang aking nagagamit dahil ayun pa lamang ang aking natutuklasan sa ngayon." Ani nito.

Tumango na lamang kame sa kanya dahil wala pa naman siyang balak na sabihin ang bagay na ito sa amin. Handa naman kameng maghintay kung kailan niya balak sabihin ang mga bagay na sa kanyang isipan.

God's And Goddesses Gifts:  Volume 1 [ The Begginning ]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang