Chapter 22

10.4K 378 80
                                    

Ice Kian Falco POV

Kasalukuyan akong nasa tabing dagat, nakatulala at nilalasap ang preskong hangin.

Matapos ang nangyari kahapon na sinabi ni Aize na may nabuo na sa sinapupunan niya ay pinayagan niya na akong lumabas.

Sa tutuusin pwede akong tumakas eh. May bangka rito. Nakita ko kanina.

Pero mas pinili kong mag-stay nalang dito kasama siya. Kung totoo mang buntis siya, edi paninindigan ko. Kung tatakas man ako tapos buntis talaga siya baka mahirapan siya sa pagbubuntis niya.

"Hey." Narinig kong tawag sa'kin ng tao sa likuran ko.

Hindi ko man lingunin ay alam kong si Aize 'to.

Naramdaman ko ang pagtabi nito sa akin pero hindi ko parin ito binigyan ng tingin.

"I want gray grapes, Kian." Saad nito sa akin bago isinandal sa balikat ko ang ulo niya.

Napahinga naman ako ng malalim bago nagsalita.

"Buntis ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya kaya napaangat siya ng tingin sa akin.

"Yes, I'm one month pregnant, Kian. It's our baby." Nakangiting tugon nito bago hawakan ang kamay ko at dinala sa tiyan niya.

Napatingin naman ako sa tiyan nitong wala pang umbok, malamang 1 month pa lang.

"Bakit hindi ka tumakas? I mean, may bangka diyan oh. Magagamit mo lalo na't hinayaan na kitang lumabas. Why did you choose to stay here with me?" Tanong nito sa akin kaya nag angat ulit ako ng tingin sa kanya.

Nababakas ang pag-asa sa mata niya.

"Dahil buntis ka." Tanging sagot ko rito.

Kita ko kung paano dumaan ang sakit at lungkot sa mata nito kaya nag iwas ito ng tingin.

"Even hindi mo alam kung sa'yo ba talaga 'to o hindi? What if nakisiping pala ako sa iba?" Tanong nito at malungkot na ngumiti sa akin.

Napaisip naman ako sa tanong nito bago inalis ang kamay ko sa tiyan niya.

"Alam ko naman na hindi mo gagawin 'yon eh. Hindi naman gano'n kababa ang tingin ko sa'yo para isipin na kung kani-kanino ka nakikisiping. Pero kung totoo man na hindi akin 'yong bata, edi sumama ka roon sa nakabuntis sa'yo. Hindi mo naman siguro gugustuhing lumaki ang bata na hindi buo ang pamilya." Mahabang sagot ko sa kanya bago tipid na ngumiti.

Kita ko ang pagngilid ng luha nito kaya hinapit ko ang ulo niya at ipinasandal ulit sa balikat ko.

"You're not mad at me? I mean, I raped you. Ang sama ko." Tanong nito na halos bulong na dahil sa hina.

Napabuntong hininga naman ako sa tanong nito. Ano ba isasagot ko?

"Kailan ba ako nagalit sa'yo, Aize? Kahit nga na inaagaw mo mga paborito kong laruan dati, hindi naman ako nagalit diba? Pati nga noong nahulog mo sa kanal yung pinaka paborito kong libro wala ka ring narinig mula sa akin na kahit ano." Sagot ko rito.

Nagulat ako ng marinig ko ang paghikbi nito kaya hinawakan ko ang mukha niya at iniharap sa akin.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa mata niya at ngumiti.

"Tahan na." Niyakap naman ako nito na agad ko namang ginantihan.

Hays.

"I love you, Kian. I'm sorry for what I did. I-I'm s-sorry. I just did all those things dahil gusto ko akin ka lang. I'm ready to kill those bitches na aagaw sa'yo mula sa'kin." Humihikbing saad nito matapos akong yakapin.

Her Obsession Donde viven las historias. Descúbrelo ahora