11 - The One With The Girl Driving Harley

Start from the beginning
                                    


Ayoko maupo! Lalo akong matutulala pag nauupo.




"Wag na." pigil ko kasabay ng paghigpit ng hawak sa kamay niya. "Maglakad lakad nalang tayo. Hanap tayo ng street food. Nagugutom lang ako." dugtong ko pa.




He smiled and pat my head. "Okay. Magsasabi ka pag napapagod ka na ha?" sabi niya sabay naglakad na kami ulit.




We're still holding each others hands. Napatitig ako sa mukha ni Mykel sabay baba ng tingin ko dun sa mga kamay naming magkahawak. Mga ilang segundo din akong nakatitig dun na para bang may hinahanap na kung ano.




Asan na? Bakit di ko maramdaman?





"Love, tell me something." salitang biglang lumabas sa bibig ko.




I want him to tell me something about his life. Kung ano na na bang nangyayare sa kanya. Kung kamusta na siya. I want us to have a conversation, a real one. Tuwing nag uusap kami sa chat, puro kumain ka na ba? Good morning. At kung ano ano pang maiikling paulit ulit na mga salitang sinesend namin sa isa't isa.




Asan na yung kami dati?




Why do I feel like I'm holding a stranger's hand?




"Something about?" he asked curiously.




"Kahit ano. Ano---uhmm...Si Aiko, kamusta na?" pag sisimula ko ng topic tungkol sa kapatid niyang bunsong babae.




"Ayun, okay naman. Very good sa school, top 1 daw siya sa classroom tapos laging perfect sa exam. Maasahan narin sa bahay. Marunong ng mag saing saka magluto luto ng simpleng ulam para sa kanila ni lola. Miss ka na nga daw niya eh. Sabi ko busy ka pa. Next time kapag marami ka ng oras, pupuntahan mo siya." sagot niya sa tanong ko na nakapag pangiti sakin.


Close kami nung kapatid niyang 12 years old na ngayon. Parang huling kita ko sa batang yun, umiiyak pa pag di nabilihan ng laruan, ngayon nag sasaing na. Ang bilis ng panahon.




Dahan dahan! Yung mga bata lumalaki! Malapit na ko lumagpas sa kalendaryo.



I stopped smiling as I realized what he said. Sabi niya ba kay Aiko busy ako? Ako ba talaga ang sobrang busy? Libre ako ng Sabado at Linggo. Siya nga diyan yung maski off pinapasukan eh.



"Edi mabuti. Di mo na kailangan magluto bago umalis." maikling komento ko dun sa kwento niya. He just smiled at me, then that's it...




Another moment of silence.




Bakit ang hirap mag start ng conversation? Bakit kailangan ko pa mag isip ng topic para mag usap kami? Siya ba, hindi man lang ba niya ko tatanungin kung kamusta sa mansyon? Kung okay lang ba ko dun? Kung ano na bang nararamdaman ko?




"Siya nga pala..." panimula niya sa isang topic dahilan para lingunin ko siya.




I was expecting him to ask me something about my life, but then he continued "May bago kaming natuklasan sa moonlight lilac case. Nagkaroon kami ng lead dahil dun sa latest murder. Alam mo na ba yung tungkol dun? Nakwento ba ni Luna?"




The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now