Chapter 18

831 14 0
                                    

Kira's POV

Eto ako ngayon nakatulala sa may kwarto dito sa office. Paanong di ako tutulala eh muntik na. Oo muntik na talaga!!! Kung wala lang talagang kumatok!!! Napahinga ako ng malalim, sya lang nag tanggal ng pantaas nya habang ako meron pa rin

Namula naman ako dahil don kaya pinilig ko nalang ang ulo ko dahil don. Sira ulong Sean sarap ilibing!!!

Lumabas na ako ng kwarto at nakita kong may kausap sya dahil halata naman na seryoso ang pinag uusapan nila eh. Ginawa ko nalang ang naudlot kong gawain, pero ramdam ko na nakatingin sya sa akin. Pero di ko nalang iyon pinag tuunan ng pansin dahil ayaw ko din syang tignan

"That's all for to day sir" napalingon ako sa sinabi ng lalaki sa kanya. Tumayo na ito at nag paalam sa kanya

"I'm tired" bagot na sabi nito

"Wala ka pa naman ginagawa ah? Bakit napagod ka na agad?" Takang tanong ko sa kanya habang di nakatingin sa kanya

"Let's--- Pwede ba Sean sasampalin na kita ng flat shoes!!!" Putol ko sa kanya. Narinig ko ang pag tawa nito kaya sinamaan ko sya ng tingin pero ngisi lang ang sinagot nito sa akin

*tok
*tok
*tok

Napalingon kami sa may pinto, bumukas ito at bumungad sa amin si Ace. Bigla nalang nag seryoso ang muhka nito bago tumayo

"Di muna pala ako makakasabay sayo mag lunch dahil may pupuntahan ako" biglang paalam nito

Tumango nalang ako sa sinabi nya. Hinalikan nya ang noo ko bago sya umalis kasama si Ace. Napansin ko din sa kanya na parang natatakot sya na di ko alam ang dahilan kaya sinawalang bahala ko nalang muna iyon bago tinuloy muli ang ginagawa ko

Fast forward

Ng matapos ko na ay napaunat nalang ako dahil medyo nangalay ako ngayon. Napatingin ako sa may pinto ng bumukas ito, akala ko nga si Sean eh. Si Shaila lang pala ang pumasok

"Di ka pa ba kakain?" Tanong nito sa akin

"Kakain na ako pag natapos ko na ito" sagot ko sa kanya

"Nako naman Kira kumain ka na muna bago yan" sita nito sa akin. May ibinaba syang paper bag at nilabas ang mga pag kain doon. Wala na ako nagawa ng alisin nya ang mga ginagawa ko, kumain nalang ako ngayon dahil alam kong magagalit yan kapag di ako kumain

"Di ko aakalin na ang isang Cold Heartless Guy ng campus natin ang naka one night mo" nabulunan ako dahil sa sinabi nya. Mabilis na binigyan nya ako ng tubig kaya dali-dali kong ininom iyon at sinamaan ng tingin ito kaso tinawanan nya lang ako kaya napairap nalang ako sa kawalan

"Lasing ka pa" panunudyong sabi nito

"Pag di ka pa tumigil dyan susungalngalin na kita"  babala ko sa kanya pero tinatawanan nya lang ako

"Bakit totoo----HOY!!!" sigaw ko sa kanya kaya mas lalo syang humagalpak lalo sya ng tawa

"Umalis ka na nga lang" iritang pantataboy ko sa kanya tumayo naman sya habang tumatawa pa rin

"Tatawag na ako ng ambulance dyan para ipa mental ka, kanina ka pa tumatawa dyan ah" dagdag ko pa

"Ito naman di mabiro hehehe. Nga pala gusto ko sana igala ang mga inaanak ko sa linggo. Ok lang ba sayo?" Pag papaalam nya sa akin

"Ok lang naman" sagot ko habang kumakain pa rin ngayon

"Sige na Bess mauna na ako sayo" humalik ito sa pisngi ko bago umalis

"Kaso di ko alam kung ok lang kay Sean" mahinang dagdag kong sabi

Fast forward

Nang matapos na akong kumain eh wala pa rin si Sean. Nasaan na kaya yon? Malapit na rin mag 7pm at kaylangan ko na ri'ng umalis. Napabuntong hininga nalang ako bago nag ayos ng mga gamit dito

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon