CHAPTER 15:

3.5K 71 5
                                    

Sa araw araw na magkasama sina Candy at Bryle.lalong nakikilala ng dalaga ang binata..napakabait nito..napakasweet din.ngayon ay lagi itong nakangiti..lagi s'yang nilalambing..

Ngunit wari ay puno ng pangamba ang puso ni Candy..baka malaman nito ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao.....matanggap kaya s'ya nito?..lalo pa ngayon na malapit ng magtapos ang bakasyon nya.hindi nya alam ang gagawin..

Nag-isip na mabuti si Candy..kailangan yang ipaalam ang lahat kay Bryle..anoman ang mangyari..dahil alam nyang dadating ang panahon na malalaman din ito ang totoo.

"Bryle, I have something to tell you.'wika ni Candy..nasa shop sila noon ng binata..nasa garden..

"Ano yon?'nakangiting tanong ni Bryle....magsasalita na sana si Candy ng biglang tawagin ng Mama nito ang binata.

'Anak,pede ka ba munang magpunta dito,may kailangan lang akong ipakita sa'yo?ika ng Mama ng binata.

"Ok po,Ma!'tugon ng binata at binalingan ang nobya.

'Maya ha,babalik ako!'paalam ng binata at saka tumayo para puntahan ang ina.

Napabuntong hininga naman si Candy...pagkakataon na eh...

Naging abala ang buong maghapon ni Bryle..kaya walang naging pagkakataon si Candy na sabihin ang gustong sabihin....

....

Araw na naman ng linggo..nagtitipon na naman ang buong angkan nina Bryle sa bahay ng lola ng binata..ginawa na nilang official day ang linggo para sa kanilang lola...

Tulad ng nakagawian..masayang-masaya na naman si Candy..parang kumpletong kumpleto ang buhay nya sa piling ng masayahing pamilya ng nobyo...ngunit hindi pandin lubos ang kanyang kaligayahan..dahil sa pag-aalalang mabunyag ang kanyang tunay na katauhan...kaya ipagtatapat na talaga nya ang lahat kay Bryle...

Nilapitan ni Bryle ang nibyang malalim ang iniisip.

"Pede bang malaman ang nasasaisip ng babaeng mahal ko?'pukaw ng binata sa nobya...napapitlag naman si Candy..sa lalim ng iniisip nya..hindi nya namalayan na nakalapit na pala si Bryle sa kanya..humarap s'ya dito..ito na siguro ang pagkakataon na ipagtapat ang lahat sa binata.

"Bryle,may sasabihin ako sa'yo.'wika ni Candy.

"Ano naman po iyon?'tanong ng binata..niyakap pa ang beywang ng nobya....huminga ng malalim si Candy..ibubuka na lang nya ang kanyang bibig ngunit may dumatung na naman istorbo..

"Tito Bryle,tawag po kayo ni Mommy!'wika ng pamangkin ng binata.

'Bakit daw?'tanong ni Bryke sa pamangkin.

"Ewan po."sagot ng bata..saka nagtatakbo palayo sa dalawa.

'Saglit lang ha,babalik ako agad.'wika naman ni Bryle..laylay na naman ang balikat ni Candy..kailan pa nya maipagtatapat ang lahat sa nobyo?....

Maya maya pa ay hinila si Candy ng batang pamangkin ni Bryle..at sapilitang ipinasok sa loob ng bahay...nagulat naman ng makita ng dalaga na may hawak na mike ang nobyo..mukhang kakanta pa yata...hindi nga s'ya nagkamali...kakanta nga ito...

Matagal na din na ahindi napapapraktis ni Bryle ang kumanta...ngunit gagawin nya..para sa babaeng mahal...nagsimula ngang kumanta ang binata...

CLOSER YOU AND I

HEY THERES A LOOK IN YOUR EYES
MUST BEEN AT FIRST SIGHT
YOU WE'RE JUST A PART OF A DREAM
SO MUCH MORE THAN IT SEEMED

Unti unting nalapit si Bryle sa nobya..habang patuloy sa pagkanta.

BUT MYLOVE COULD'NT WAIT MUCH LONGER
JUST CAN'T FORGET THE PICTURE OF YOUR SMILE
'COZ EVERYTIME I CLOSE MY EYES
YOU COME A LIVE

Ng lubusang makalapit sa nobya..hinawakan ang kamay nito..maya maya pa ay ipinulupot ang braso sa balingkinitang bewang ng dalaga...niyapossa likod nito....habang nakanta....ang ulo ay napakapatong sa balikat ng dalaga.

CHORUS

THE CLOSER I GET TO TOUCHING YOU
THE CLOSER I GET TO LOVING YOU
GIVE IT A TIME,JUST A LITTLE MORE TIME
WE'LL BE TOGETHER

EVERY LITTLE SMILE
THAT SPECAIL SMILE
THE TWINKLE IN YOUR EYES
IN A LITTLE WHILE
GIVE A LITTLE TIME
JUST A LITTLE MORE TIME ME
SO. CA GET CLOSER...YOU AND I

Nang matapos ang kanta ni Bryle..iniharap nito ang dalaga sa kanya..

"Sa harap ng pamilya ko. Gusto kong marinig nila ang tatlong salita gusto kong sabihin sa'yo. I LOVE YOU! No mater what happens,my love will always be with you.!"wika ni Bryle..

Ang mga taong nakapaligi sa kanila ay hindi maiwasang kiligin....maging si Candy..

Niyakap nya ng mahigpit ang nobyo..mahal na mahal din nya ito...at hindi nya makakaya pang mawala ito sa kanya...ngunit natatakot s'yang ipagtapat ang lahat dito..dahil baka ang pangakong pagmamahal nito ay bigla na lamang maglaho..

DECEITFUL LOVE By: Reinarose (B2:SINGDERELLA) (complete)Where stories live. Discover now