CHAPTER 7:

4.3K 87 1
                                    

Kinabukasan muling nagbalik sa flower shop si Candy...pinakiusapan na naman s'ya ni Tita Vina...hindi pa daw kasi magaling ang kanyang mga empleyado kaya hindi pa makakapasok....wala namang problema kay Candy..wag lang s'yang susungitan ng lalaking ipinaglihi sa sama ng loob..

"O,ipinabibigay ng Mama mo!'abot ni Candy sa pagkain..iniabot kay sungit..

Tumingin lang si Bryle...saka kinuha.-walang sinabing kahit ano..ni hindi nagpasalamat....naiiling na umalis si Candy...wala ka talagang aasahan sa lalaking ipinaglihi sa sama ng loob..

Kasalukuyang nasa garden si Candy...ng puntahan ng ina ang anak na si Bryle.

"Anak,ang bait ni Candy ano! Buti na lang at nakilala natin s'ya. Hulog ng langit!'wika ni Vina na nakangiti pa.

Hindi sumagot si Bryle..nanatili itong nakatuon ang pansin sa ginagawa.

"Magandang bata pati. Magalang. At magaling sa paghahalaman.'wika pa ni Vina.

Hindi na naman umimik ang anak...naiinis na talaga ang ina..parang bingi ang kanyang kinakausap.

"Anak,tutal bakasyunista si Candy dito at napurwisyo natin ang bakasyon nya,bakit di mo s'ya ipasyal dito sa Bagiou."wika ni Vina.

"No! Busy ako."saka lang nagsalita ang binata..hindi s'ya pabor sa idea ng ina.

"Anak,lakunswelo dahil tinutulungan tayo ni Candy. At saka madami kang alam na lugar dito,kaya ipasyal mo s'ya."pamimilit ni Vina sa anak.

"Ma,hindi natin s'ya pinilit. Gusto din naman nya. Kaya sabi ko sa'yo wag mo na s'yang istorbohin pa. Magkakaron lang tayo ng utang na loob sa kanya.'wika ni Bryle.

'Anak ha! Ako'y di na natutuwa. Sobra kana. Hindi ka marunong magpasalamat sa pagtulong ng iba. Hanggang kelan kaba ganyan ha!'lumakas na ang boses ng ina.

Wari naman ay napahiya si Bryle..hindi ito nakaimik..

"Wala naman akong hinihiling,ito lang! Pasasalamat sa kabaitan ni Candy. Minsan lang tayo makatagpo ng mabait na katulad nya. Kaya bigyan natin ng konsidetasyon. Gasino na ba na ipasyal s'ya. Natitiyak kong matutuwa iyon malibot ang buong lugar.'wika pa ni Vina..

Napahilamos naman sa kanyang mukha si Bryle..bakit kasi pumapayag ang babaeng iyon sa hiling ng ina..yan tuloy kailangan pa nyang maabala..

'Cgena! Cge na! Cge na!'wika ng nakukulitang si Bryle.

"Ayan! Dapat nating ibalik ang kabutihan ng ibang tao sa atin.'wika ni Vina..at saka umlis..ngunit nagbigay ng isang ngiti..agad nyang pinuntahan si Candy para ipaalam na ipapasyal s'ya ng anak.

'Hija,nasabi ko sa anak ko na ipasyal ka. Tutal ang laki na ng naitulong mo sa amin,kahit doon man lang eh makabawi kami."wika agad ni Vina ng makita ang dalaga.

"Naku,ok lang po! Walang problema,ayokong makaabala."tanggi ni Candy..ayaw nyang makasama ang masungit.

"Hija,kami nga ang nakakaabala sa bakasyon mo. Wag kang mag-alala,pumayag na ang anak ko.'nakangiti pang sabi ni Vina.

"Salamat na lang po talaga. Ok naman po ako."tanggi talaga ni Candy.

'Hindi pede,hija! Madaming alam ang anak ko na magandang lugar. Tyak mag-eenjoy ka! Paano ako ay papasok na sa loob,bukas ng umaga ang alis nyo ng anak ko."wika niVina..at saka mabilis na umalis...hindi na nakapagprotesta pa si Candy.

....

Kinabukasan....kagigising pa lang ni Candy...nagkakape s'ya ng biglang may kumatok..nagulat ang dalaga...wala s'yang inaasahang bisita..inayos ang sarili at saka binuksan ang pintuan..nagulat s'ya ng makita ang masungit na lalaki...ano kaya ang ginagawa nito ng ganoong kaaga?

"Ang aga mo ah! May kailangan ka?"tanong ni Candy.

'Hindi ba sinabi sa'yi ni Mama?'nakakunot noong tanong ni Bryle..napakunot noo naman si Candy..ala ata s'yang natatandaan na pinapapunta s'ya ngayong araw ng Tita nya.ng bigla nitong maisip ang tungkol sa pamamasyal...tinotoo nga ng Tita ang sinabi na ipapasyal s'ya ng anak.

'Ha! Akala ko kasi nagbibiro si Tita. Totoo pala!'nawika ni Candy.

"Gumising ako ng maaga tapos yan lang ang maririnig ko sa'yo,na nagbibiro ang Mama?"kunot na kunotnnantalaga ang noo ng binata.

"Galit kana naman! Sorry hindi ko talaga alam. Kakagising ko lang!"inis na wika ni Candy.

'So anong plano mo ngayon,pauuwiin na lang ako! Pagkatapos kong gumising ng maaga!"bulyaw ni Bryle.

"Naman! Ang aga mong manigaw,kung gusto mo hintayin mo ulit ako!'wika ni Candy.

'Sinusuwerte ka ng babae ka ha!'inis na inis ja talaga ang binata.

"Di umalis ka. Anong magagawa k,ke aga aga pa naman ah!"sagot ni Candy.

"Dalian mo na! Magbihis kana! Bago pa tuluyang mag-init ang ulo ko sa'yo!'wika ni Bryle..umalis at pumasok sa kotse nito.

Nagpapadyak naman si Candy..kapag ang masungit na ito ang kasama nya,masisira ang araw nya..ngunit minabuti na din nyang ayusin ang sarili...kahit oapaano ay nakakahiya din..gumasing pa nga naman ng maaga...minadali ni Candy ang pag-aayos ng sarili..naka bulaklakang summer dress s'ya..walang make-up..di na din isinuot ang makapal na salamin..kalahating oras lang ay read na ang dalaga...agad s'yang sumakay sa kotse ng masungitnbago pa sigawan na naman s'ya nito...

"Wag kanang magsalita pa ha! Minadali ko na ang pag-aayis ng sarili ko!'wika agad ni Candy ng makapasok ng kotse..hindi na umimik ang binata..ngunit kitang kita sa mukha nito ang inip at inis....

Kung saan saan dinala ni Bryle si Candy..ang dalaga lang naman ang nag-eenjoy...ang masungit ay laging tahmik..tapos laging nakakunot ang noo..hindi na pinansin pa ni Candy ang binata..inenjoy ang sarili sa magagandang tanawing nakikita..kapag may nakaksalubong sila..makikisuyo ang dalaga na kunan s'ya ng litrato..hindi ha s'ya nakikisuyo sa masungit..baka pagsungitan pa s'ya nito....

Tuwang tuwa si Candy..para na namang bata..ang gaganda ng kanyang nakikita...bumili s'ya ng ilang souvenir sa lugar na kanilang pinuntahan...umakto s,yang walang kasama..dahil kung papansin nya ang masungit..masisira ang araw nya...

Nanatiling walang imik si Bryle..ngunit pasimpke nyang pinagmamasdan ang dalagang tuwang tuwa dahil sa ganda ng nakikita...iiling iling ang binata..ngunit wari ay hindi s'ya nagsasawang tingnan ang masayang dalaga..

Ang huling pinuntahan ng dalawa ay ang park...masaya na naman si Candy..nakakita s'ya n bubbles..yung kapag hinihipan ay may bulang nalabas..bumili s'ya ng isa....maya maya pa ay naupo ang dalawa..dahil sa pagod kapapamasyal.

"Hindi kaba talaga marunong ngumiti?"tanong ni Candy kay Bryle..

"Non of your business!'sagot ng binata.

'Siguro nga,pero nakakahawa ang mukha mo eh! Parang ipinaglihi sa sama ng loob!'sabi ni Candy.

"Tigilan mo ako ha!"naiinis na naman ang binata.

"Life is too short kaya dapat ienjoy! Weeeeeee!'wika ni Candy..hinipan ang bubble kay Bryle.

"Ano ba,sabi ng tigilan mo ako!'inis na wika ng binata.

"Ngumiti ka naman kahit minsan! Weeeeee!'hinipan na naman ni Candy ang bubble na hawak.ang dami ng bula na nakapalibot kay Bryle.

"Tumigil kana!"sigaw ni Bryle.

"Wag kang pikon! Weeeee!"hinioan na naman ang bubble..nagsimulang umatras si Candy.

"Ano ba!'hinahawi ng binata ang bulang nakapalibot sa kanya.

"Masungit ka talaga! Boring kasama ang masyadong seryoso! Weeeeee!"sabi ni Candy..patuloy ang pag-atras...ngunit di nya napansin ang bisikletang palapit..

Nakita ni Bryle na mababangga ng bisikleta si Candy..agad ay tnakbo ang kaunting distansya nila..niyakap para iiwas sa padating na bisikleta..ngunit pareho silang nawaoan ng panimbang..natumba silang pareho..ngunit mabilis si Bryle..pumailalim ito upang di nya madaganan ang dalaga..

Nagulat din si Candy..bigla ang pagtakbo ni Bryle..niyaka s'ya ngunit nawalan sila ng panimbang..pagmulat ng dalaga..nasa ibabaw na s'ya ng binata..hiyang hiya ito..

"Weeee!"tanging nasabi ni Candy dahil sa kahihiyan...kunot na kunot naman ang noo ni Bryle

DECEITFUL LOVE By: Reinarose (B2:SINGDERELLA) (complete)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu