CHAPTER 13:

3.9K 81 1
                                    

Inis na inis talaga si Candy habang naglalakad....ngunit hindi nya maiwasang salatin ang kanyang labi..at alalahanin ang halik na ibinigay sa kanya ni Bryle.first time kaya nyang mahalikan...kaya hindi nya alam ang iaakto.

Unti-unti ay nagkakapangalan ang kakaibang nararamdaman nya para sa binata...ngunit nandoon ang takot..nangyari na sa kanya minsan ang magmahal.na kahit pagtatraydor sa sariling kapatid ay nagawa nya...natatakot s'yang maramdaman muli ang ganoong uri ng pagmamahal.sakim napagmamahal....

Napabunting hininga si Candy..naupo sa sa bench na nasa park..nagpalipas s'ya ng oras sa lugar na iyon..nililimi ang naganap at ang unti unting pagkatuklas ng kakaibang damdamin para sa binatang masungit..

...

Hinanap agad ni Bryle si Candy.sa lugar na posible nitong puntahan...ngunit hindi nya ito makita...ipinagpasya na lamang ng binata na antayin ito sa tapat ng bahay nito....

Dilim na ng makauwi si Candy sa inuupahang bahay...nandon pa din ang kalituhan sa kanyang isip..hindi nya tuloy napansin na kanina pa s'ya hinihintay ni Bryle..kaya nagulat s'ya ng tawagin nito ang kanyang pangalan.

"Candy!'tawag ni Bryle sa dalagang malalim ang iniisip...gulat na napalingon si Candy..at nakita nya ang lalaking gumugulo sa kanyang isipan..hindi nya ito pinansin..minadali ang paglakad upang makapasok sa bahay...ngunit napigilan s'ya ng binata.

"Candy,wait!"pigil ng binata..hinawakan pa sa braso ang dalaga.

'Ano na naman!'pilit na itinago ni Candy ang kaba.

"I just want to say something. Its better to say it than never!'wika ni Bryle.

"Ano na naman yun?"kunwari ay iritadog tanong ni Candy.

"I love you!"walanh pasakalyeng wika ni Bryle..

NGANGA si Candy...hindi nya maikibot man lang ang kanyang labi..nanunuyo ang kanyang lalamunan.

"I know its very early,but's the feeling I felt for you!"sabi pa ni Bryle.

Nanatiling NGANGA si Candy.hindi s'ya makaget over sa kabiglaan...ngunit nandoon ang kasiyahan..dahaiala may katugon ang kanyang nararamdaman...ngunit hindi pa s'ya ganoong kasigurado.

"Hayaan mong patunayan kong tunay ang nararamdaman ko. Hindi basehan ang tagal ng pagkakakilala upang maramdaman ang pag-ibig sa isa't isa. Ngunit kung hindi ka sigurado,hayaan mong patunayan ko ito sa'yo."sabi ni Bryle.

"W-walang kasiguraduhan pa ang nararamdaman ko. Napakabilis ng mga pangyayari."wakas ay nasabi ni Candy.

"I understand! Kaya nga hayaan nating matuklasan ng ating sarili ang tunay na nilalaman ng ating mga puso."sabi ni Bryle.

"C-cge. Subukan natin."wika ng dalaga sa kawalan ng masasabi.

Napangiti si Bryle...hindi nga s'ya nagkamali...maaaring si Candy na ang kaligayahan na matagal na nyang hinihintay.

....

Naging madalas ang pagsasama ng dalawa...ngayon nakilala ng lubusan ni Candy ang tunay na ugali ni Bryle..masayahin ito..laging nakangiti...humahalakhak pa nga..at hindi maitatanggi ng dalaga ang kasiyahan sa tuwing makikita ang ngiti sa mga labi nito.

Maging ang Mama ni Bryle ay lubos din ang kaligayahan..dahil muli nyang narinig ang masayang halakhak ng anak...at alam nyang magiging maligaya na ito sa piling ng babaeng dahilan ng pagngiti nito..

"Salamat,Hija!'wika ng Mama ni Bryle..niyakap pa ang dalaga.

"Para saan naman po?'nagtatakang tanong ni Candy.

"Sa pagdating mo sa buhay ng anak ko. Sa muling pagbabalik ng sigla nya. At sa pagmamahal mo para sa kanya.'wika ng naluluhang ginang.

'Wala po kaming relasyon ng anak nyo."namumula ang pisnging wika ni Candy.

"Maaari ngang wala pa,ngunit mababakas sa inyong mga mata ang tunay na nadarama para sa isa't isa.'wika ng ginang..

Lalo namang pinamulahan ng mukha si Candy..ganoon na ba silang ka-obvious?..napatingin tuloy s'ya sa gawi ni Bryle..kasalukuyan silang nasa bahay ng lola nito..muli ay kanilang dinalaw..nakita ng dalagang binulungan ng binata ang pamangkin..maya maya lamang ay papalapit na sa kanila ang bata...habang ang isang kamay ay nakatago sa likuran..tumapat ito sa harap ni Candy.

"Tita Candy! Bigay ni Tito Bryle."wika ng bata..buhat sa pagkakatago sa likuran ay ang isang pulang rosas..ibinigay kay Candy..

Pinamulahan naman lalo ng mukha ang dalaga..lalo pa at sa kanya nakatingin lahat ang kamag-anak ni Bryle...napapahiyang kinuha nya ang bulaklak.

"Thank you!'wika nya sa bata...hinalikan pa ito.

Agad ay nagtatakbo ang bata kay Bryle at nagwika.

'Tito Bryle! Sabi ni Tita Candy. Thank you!"at hinalikan din ang binata sa pisngi ng bata..ginaya ang ginawa ni Candy.

Tawanan naman ang lahat..naisip ni Candy..napakasweet ni Bryle..kung dati s'ya ang nahabol..ngayon s'ya ang hinahabol...isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Candy.

DECEITFUL LOVE By: Reinarose (B2:SINGDERELLA) (complete)Where stories live. Discover now