CHAPTER 10:

3.9K 89 0
                                    

Naging masaya ang pagbisita nina Bryle at Candy sa bahay ng lola ng binata..at hindi iyon maitatanggi ng dalaga..ngunit hindi nya inaasahang doon sila patutulugin ng lola ng binata.

"Dito na kayo matulog,mga apo! Wika ng lola ni Bryle sa kanila ni Candy.

"Lola,next time na lang po. Walang kasama ang Mama.

'Naku tumawag ang Mama mo,nandoon daw s'ya sa pinsan ng Papa mo. Doon daw s'ya mtutulog."sabi ng matanda.

"Ah! Ganoon ho ba! Kailangan ko talagng umuwi kasi walang tao sa bahay.'wika ni Bryle.

"Hindi nyo ba ako pagbibigyan?'lumungkotang tinig ng matanda.

"Next time na lang lola,promise!'wika ni Bryle.

Hindi na umimik pa ang matanda..lumakad ito palayo sa dalawa...wari ay talagang nagtatampo.

"Ano kaba? Di mo pa pagbigyan ang lola mo. Isang gabi lang naman.'wika ni Candy.

"Bakit ba? Madami akong trabaho bukas.'pagsusungit na naman ni Bryle.

"Bahala ka nga. Umuwi ka,dito ako tutulog!'wika ni Candy..lumakad at sinundan ang matandng nagtatampo.

'Lola,si Bryle lang ang uuwi. Dito ako tutulog,ok lang po ba?"nakangiting tanong ni Candy.

"Talaga,hija! Cge at ipapaayos ko na ang mgiging kwarto mo.'masayang wika ng matanda...hindi na pinansin ng mga ito si Bryle..luakad ang dalawa sa kwartong tutulugan ni Candy..

Iiling-iling naman si Bryle...ngunit hindi maitatangi na ay saya s'yang naramdaman dhil sa pagkakalapit ng loob ng lola kay Candy.

.....

Nakapantulog na si Candy..naisip nyang malamang ay u alis na si sungit..hindi s'ya agad makatulog..kay ngpasya s'ang magpunta s garden..mgpapantok..ngunit agulat s'ya ng mkit doon si sungit.

"Bryle? Akalo ko nakauwi kana?'tanong ni Candy.

Napalingon naman ang binata..nakita nyang papalapit sa kanya ang dalaga na kanina lamang ay laman ng kanyang isipan....tumabi pa ito sa kanya..

"Akala ko umuwi kana."ulit ni Candy.

'Alangang iwan kita dito. Magagalit ang Mama.'wika ni Bryle.

"I can take care of myself. Isa pa nasa bahay ako ng lola mo,kaya ligtas ako.'wika ni Candy.

Hindi umimik ang binata.hindi nito masabi ang tunay na dahilan.

"Ang saya dito sa inyo. Ang dami nyo. Gusto kong magkapamilya ng tulad nito. Masaya,madami. Kasi dalawa lang kaming magkapatid eh. Wala pati akong nagisnan na lola.'wika ni Candy..nakatingin samagandang kalangitan.

Hindi umimik si Bryle..napasulyap s'ya sa dalaga..mababakas nga sa mukha nito ang kasiyahan.

"Ang swerte mo,may pamilya kang masaya at malaki. Kaya kung ako sa'yo,itreasure mo. Makibonding ka lagi sa kanila. Bihira lang ang ganitong pamilya.'wika ni Candy..tumigin kay Bryle..nagkatitigan ang dalawa...matagal...

May kung anong biglang sulpot ng kakaibang damdamin kay Candy ng matitigan nya ang mga mata ng masungit..wari ay biglang nagbago ang itsura niyon..bigla ay nagkaroon ng buhay..

Maging si Bryle ay hindi maintindihan ang sarili..kakaiba ang kanyang nararamdaman ng matitigan ang malamlam na mga mata ng dalaga...kaybilis ng tibok ng kanyang puso..wari ay may gustong sabihin ngunit hindi nya lubos na maintindihan..

"C-cge! Matutulog na ako!'nauutal na wika ni Candy..hindi na nya matatagalan pa ang makipagtitigan sa lalaking kaharap..hindi nya maintindihan kung ano ang biglang umusbong sa kanyang damdamin..dali-daling pumasok sa loob ng bahay si Candy.

Nasundan na lamang ng tingin ng binata ang dalaga...wari ay biglang unti-unti ay naiintindihan ng binata kung ano ang nararamdaman nya..ngunit ganoon na lamang din ang pagtanggi ng kanyang isip...sinasabing mali at masasaktan lang s'ya kung ipagpapatuloy ang damdaming unti-unti ng nagkakapangalan para sa dalaga.

DECEITFUL LOVE By: Reinarose (B2:SINGDERELLA) (complete)Where stories live. Discover now