“Alam mo bang nakaka-panget ang pagiging malungkot?" Napatingin naman ako kay Saturn. Oo. Si Saturn nga. Ewan ko pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Parang ang gaan lang ng paligid pag nasa tabi ko si Saturn.

“Tss. Kahit malungkot ako, maganda pa rin ako. So, shut up.” Tinawanan lang niya ko tas tumabi sakin. FC talaga ‘tong planeta na’to.

“Asus. Wag mo ng dagdagan ang lakas ng hangin, Pae.” Tinawag nanaman niya kong “PAE” ewan ko pero parang.. basta.

“Ba’t mo ko tinatawag na Pae?” 

 

“Wala lang. Yun ang gusto ko eh.”

 

 

“Fine." Ayokong makipagtalo. Na-drain ang lahat ng kamalditahan ko sa ginawa ni Clyde kanina.

 

 

“Ang taray talaga. Ano ba problema mo? Kwento lang.”

 

 

“Ang FC mo. Wala akong problema.”

 

 

“Wala kaya nga nakasimangot ka dyan eh.”

 

 

“Just leave, Saturn.”

 

 

“Ayoko. Hindi naman sayo ‘to. Isa pa, alam kong kailangan mo ko ngayon. Kaya wag ka ng mahiya. Alam kong gwapo ako pero di ka na dapat mahiya.” Ang kapal talaga neto. Pero uh, Naeewan talaga ako sa bayolet niyang buhok

“Baket muna bayolet buhok mo?” Natatawa talaga ako. 

“Tss."

 

 

“Joke lang. Anyway, kilala mo ba yung Trixie?"

 

 

“Trixie? Madaming Trixie."

 

 

“What I mean is yung kakilala ni Clyde. Hindi ko alam apelyido.”

“Ah si Trixie Montez. Clyde’s first girlfriend.” Kaya pala ganun siya mag-alala dun.

“Pwede mo ba kong kwentuhan tungkol sa kanila?”

“Hmm. I barely know things about them. Di naman kami ganun ka-close ni Clyde. But all I know was first girlfriend siya ni Clyde. Unang babaeng sineryoso niya. Playboy si Clyde dati pero napatino ni Trixie. Hanggang sa naging sila. Pero natapos yun nung umalis si Trixie bigla-bigla. At dun din nag-umpisang mabago si Clyde. Naging tahimik na siya. Tahimik pero kahit sinong babae na magustuhan niya, girlfriend niya na kinabukasan. Basta ang alam ko, masyadong galit si Clyde dun pero alam ko rin na, mahal niya pa yun. Ewan ko lang ngayon.” Napatahimik ako sa sinabi ni Saturn. Ano nga naman ba ang laban ko kay Trixie? Kung tutuusin, mukha namang mahal pa rin siya ni Clyde.

“Kaya pala..”

 

 

“Kaya pala ano?”

 

 

“W-wala. Uh sige, Saturn. Una na ko. Thank you.” Di ko na siya hinintay sumagot. Umalis na ko. Kung akala niyo iiyak ako sa mga nalaman ko, asa. At kung iniisip niyo rin na magagalit ako at iiwanan na si perv, LALONG ASA KAYO. Hindi ako masokista sa storya na’to. At lalong hindi dapat ako ang magmukhang kawawa dito. AKO ANG BIDA SA STORY NA’TO. Kaya dapat lang na akin lang ang LALAKENG BIDA SA STORYA NA’TO!

Iniwanan niya si Clyde, tas ngayon mag dradrama siya? Anong akala niya ibibigay ko sa kanya si Clyde? Masyado ng mainstream yun. Masyado rin akong maganda para isipin yun. AKIN SI CLYDE. Hindi ako masokista, hindi ako antagonista..

I'm not masochist, i'm a protagonist.

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon