"Sabihin mo sa akin ang malalman mo kung hindi . . . "


"Kung hindi ano? Are you thinking na masisindak mo ako sa paganiyan-ganiyan mo e nakakulong ka nga?" katwiran ni Joaquin na mas kinainisan ni Raoul.


Joaquin forcibly removed Raoul',s hand from the collar of his polo shirt. Raoul slowly sat down in front of them again. Habang si Athena naman ay nakikinig lang sa bangayan ng dalawa.


"Ano'ng kailangan mo para sabihin sa akin 'yang nalalaman mo?" mahinahon nitong tanong.


"Wala akong kailangan sa 'yo, at kahit kailan, wala. All you have to do is answer all of Athena's questions, and then I'll tell you every single details I know."


Raoul took a deep breath before facing Athena. "Anong gusto mo malaman?" napipilitang tanong nito.


"Ano ngang kasalanan sa 'yo ni Clarice para patayin mo siya?!" pag-uulit ni Athena.


"Kaya ko siya pinatay dahil nakuha ko na ang kailangan ko sa kaniya at pinagsawaan ko na ang katawan niya. Isa pa, ayokong humadlang ang babae na 'yon sa plano kong pagbawi sa 'yo kay Faye. 'Yon lang ang naisip kong paraan para maputol ang kasunduan namin." Paliwanag ni Raoul na mas hindi nagustuhan ni Athena.


Malakas niya itong sinampal sa mukha na dahilan para mapahawak si Raoul sa pisngi niya. Pilit nitong pinipigilan ang sarili sa pamamagitan ng pagtitimpi dahil kailangan niya pang malaman ang sasabihin ni Joaquin.


"Hayop ka talaga! Wala kang awa!" reklamo ni Athena matapos niyang masampal ang kaniyang tatay.  "Alam mo bang kung hindi sa kaniya ay napahamak na kami o baka pakalat-kalat na lang kami sa kalsada?!


". . . Walang ibang ginawa si Clarice kundi tulungan kami. No'ng nasunugan kami at nanakawan, siya ang nagpatira sa amin sa condo niya. No'ng nagkasakit ang Inay, siya ang nagbayad para sa hospital bills nito. Siya palagi ang bumibili ng mga gamit na kailangan ni Faye dahil hindi ko 'yon magawa! T-Tapos papatayin mo lang siya?! Napakasama mo!" mahabang paglalabas ni Athena sa mga hinaing niya at paninisi kay Raoul dahil sa ginawa nito.


"Ikaw naman pala may kasalanan, e. Kung tutuusin nga parang mas nagpaka-ate pa si Clarice sa kapatid mo, kumpara sa 'yo!" bwelta nito kay Athena.


"P-Pasensya naman, ah?" mabilis na balik ni Athena. "Sorry kung hindi ko nabigyan ng maayos na buhay ang nanay at kapatid ko! Sorry naman kung hindi ko natupad ang pangarap ko para lang makapag-aral si Faye! Sorry naman kung mas inisip ko ang panggamot ni inay kaysa sa mga gamit na kailangan ni Faye! S-Sorry naman kung wala akong maayos na trabaho para itaguyod ang pamilyang iniwan mo!


" . . . Dahil sa 'yo kaya kami naghirap ng ganito! Dahil wala kang kwenta! Wala kang awa! Wala kang konsensya! Dahil duwag ka!" patuloy na pansisisi ni Athena rito.


"Kahit magsisigaw ka r'yan, hindi mo na maibabalik buhay ng kaibigan mo! Kaya kung ako sa 'yo, umalis ka na lang dito," pangtataboy ni Raoul sa anak.


"Mabubulok ka rito hanggang sa dito ka na rin mamamatay! Tama lang na pagbayaran mo ang mga kasalanan mo!"


"Nasagot ko na ang tanong niya," wika ni Raoul na humarap kay Joaquin. "Ngayon, sabihin mo naman sa akin ang nalalaman mo."


"Well, we're not satisfied from your answers. Bahala ka r'yan mamatay kakaisip kung ano'ng nalalaman ko."


Dahil sa sinabing 'yon ni Joaquin ay muli siyang kwinelyuhan nito. "Manloloko ka! Ganito ba ang lalaking gusto mo, Athena? Walang isang salita. Hindi ako magtataka kung lolokohin ka nito!"


"Look who's talking. Was that really come from you?" sarkastikong puna niya rito, "You are a coward, a man who shirks responsibilities, a worthless father, a cheater, and a murderer. So, stop accusing me as if you're innocent while wearing that orange shirt."


Susuntukin na sana ni Raoul si Joaquin ngunit hindi niya 'yon natuloy dahil nahawakan na siya ni Athena sa may pulsuhan. Knuha ni Joaquin ang pagkakataon na 'yon para siya ang sumuntok kay Raoul.


Lumagapak si Raoul sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Joaquin sa kaniya. Mabilis na nilapitan ito ni Joaquin habang hindi pa nakakatayo si Raoul na pinupunasan ang gilid ng labi dahil nalalasahan niya ang sariling dugo.


Sa pagkatataon na ito ay siya naman ang humila sa damit nito dahilan para umangat ang ulo niya. "Sige, saktan mo 'ko. Saktan mo ako hanggang sa mamatay ako. Para maranasan mo rin ang buhay bilangguan. Mukhang pareho naman tayong kayang pumatay, kaya ituloy mo na!" pagbabanta nito kay Joaquin.


"Joaquin. Tama na, Joaquin. Umalis na tayo." Athena stopped him. Raoul smiled philosophically when he heard Athena.


"I got insulted when you compared yourself to me, Raoul. We're so different from each other, because I am a selfless, and you're a selfish," seryosong tugon ni Joaquin dito. "You kill for your own gain, and I'm ready to kill it's because of fighting for what's right."


"Talagang gagawin mo 'yon?" natatawang puna ni Raoul. "Masyado kang nagpapaka-hero, Joaquin."


"If wearing that orange shirt by all means of protecting the people I love, there is no reason to think twice."


Pahagis na binitawan ni Joaquin si Raoul, nagkatinginan pa sila ng masama bago tumayo si Joaquin at kaagad din silang umalis ni Athena sa presento.


"Are you okay, Athena?" Joaquin asked worriedly after they got out.


"Huwag mo akong isipin, ayos lang ako. Ikaw d'yan, ayos ka lang ba? Dapat hindi mo na kasi ginawa 'yon," panenermon ni Athena rito.


"Pasensya ka na. Hindi ko kasi mapigilan ang inis ko sa tatay mong 'yon, napakasama niya," katwiran naman nito na pinagbuksan na si Athena ng pinto sa shotgun seat. "Kahit ikaw din naman, alam kung kanina mo pa siya gustong saktan," dagdag pa nito pagkapasok sa driver's seat.


"Sa bagay, may punto ka naman. Sino ba'ng hindi magagalit sa kasamaan ng taong 'yon?" tanong ni Athena na nagkibit-balikat.


"You know what? Kain na lang tayo. My treat." Suhestiyon ni Joaquin, "Huwag na muna natin isipin ang lalaking 'yon, lalo lang masisira araw mo, e."


Athena agreed, so they looked for a restaurant where they could eat.


Nang makahanap na sila ay kaagad na silang pumasok dito at naghanap ng mauupuan.


Joaquin asked for a menu, which was quickly handed to him by the staff.


"What do you want to eat, Athena? Roasted Chicken Thighs with Garlic, Chicken Cordon Bleu, or me? Choose one, but option one and two are currently not available, so you know what it means . . . "


Athena immediately frowned when she heard that. While, Joaquin laughed because he saw Athena's annoyed face again.


'Okay, I'll choose you," pagkasabi ni Athena ay nawala ang ngiti ni Joaquin na napalitan ng gulat. "But, in your dreams only."


"Ewan ko sa 'yo!" reklamo ni Joaquin pagkarinig niya sa huling sinabi ni Athena na siyang ikinatuwa naman nito.


"Joaquin? You're here!" while they were waiting for the order, suddenly someone recognized Joaquin and called him.


"Jason?" tugon ni Joaquin ng makilala niya nito. Umupo ito sa tabi niya at saglit silang nag-usap.


"By the way, looks like you're on a date right now," puna nito na pasimpleng sumulyap kay Athena. "May I know your name?"


Nagulat naman si Athena ng kausapin siya nito nang biglaan. "Uhm . . . A-Athena. Athena ang pangalan ko," nauutal na pagpapakilala nito.


"Are you sure about her? I mean, knowing your status in life, and by just looking at her, I think she's from a poor family with no good background status at all. I wonder if she can even understand me speaking universal language?"

•••
mindfreaklessly

Countless Nights with the Mayor | COMPLETEDWhere stories live. Discover now