Fall#13. Pretend

Magsimula sa umpisa
                                    

Xander offered his hand to her sister "Hello ^__^" He smiled sweetly on her that it made Gum-gum stared on him.

Mabilis itong nakipag-handshake. "Waah!! Grabe ate, ang gwapo ng boylet mo!! Ayieeh!!"

"Gum-gum!" mahinang siwata nya sa kapatid. "Umayos ka nga!" saway nya rito.

"Sensya naman ate, natutuwa lang." sansala naman ni Gum-gum. Lihim na na-e-entertain namang pinagmasdan ni Xander ang dalawa.

"Pasok na kayo Kuya Xander, kanina pa kayo inaantay ni Papa." maluwang na anyaya nya sa mga ito. "Advice lang, wag kayong matakot kay Papa, oks lang yon sa kaniya."

Hindi tuloy malaman ni Zia kung papatusin nya ba ang advise ng kanyang kapatid. Magkaholding hands na lang silang sabay na pumasok habang nasa likod naman nila si Gum-gum na tila ba kinukuryente sa kilig. She really admits that she's happy for her sister kasi nakahanap na ito ng lalaking magmamahal sa kaniya ng totoo. But there is one thing that is disturbing on her mind ng maisip yon.

-----

SA LOOB NG BAHAY

"Ma, Pa, andito na po sila." Tawag pansin ni Gum-gum sa mga magulang nya na kapwa abala naman sa kanilang ginagawa. Ang kanyang mama na nasa kusina na abala sa paghihiwa ng rekados para sa lulutiin nya ay napahinto sa ginagawa nya ng marinig ang boses ni Gum-gum gayundin ang papa nya na nakaupo sa sofa at abala rin sa panunuod ng TV. Sabay silang napatingin sa direksyon ng mga bata at tinapunan nila ng mga ito ng blangkong mga tingin.

"Ma, Pa..hello po." napapangiwi si Zia habang binabati ang mga magulang nya. Nakatayo silang tatlo nila Gum-gum sa pintuan. Ng makita nya na walang reaksyon ang papa niya , lalo tuloy syang kinabahan. Inignora na lamang nya ang nararamdaman at pinanatili nyang maging cool sa harap ng mga ito.

"Sino yang lalaking kasama mo?" seryosong tanong kanyang papa na hindi pa rin nito pinapalitan ang blangko nitong ekspresyon.

Napalunok ng laway si Zia dahil sa kaba at tensyong nadarama. Unti-unti ring sumasakit ang tyan nya na tila natatae sya. Idagdag pa na pinagpapawisan sya ng malamig kahit may electricfan sila na nakabukas. "P-pa, M-ma, si Xander po, b-boyfriend ko." bumaling naman sya sa katabi. "X-xander, P-papa at M-mama ko." You could sense through her voice that she is really nervous.

Xander feels that Zia's hand that he's holding that time is cold. He was grinning on himself because of her. "Good morning Sir, Maam." He said, smiling genuinely.

Hindi nagbitaw ng anumang reaksyon ang papa ni Zia, samantalang ang mama nito ay medyo nagpakita ng tuwa sa binata.

"Zia, umakyat ka sa kwarto mo." Tipid ngunit matigas na utos ng papa niya.

Zia was half-surprised and threw a confused look on her face "P-po?"

"Ang sabi ko, umakyat ka." Matigas na utos muli nito. Nagsisimulang mataranta na si Zia sa sarili at palingon-lingon sya sa mama nya at kay Gum-gum. Isang bagay lang ang nababasa nya sa mukha ng mga ito.

'sundin mo ang papa mo.'

"Just follow him." She quickly gazed on Xander and he gave her an assuring smile. She could feel na kaya ni Xander na harapin ang mga magulang nya. Kaya wala na syang nagawa kundi sundin ito.

Humarap na sya sa papa nya. "O-opo."

Tiwala nyang iniwanan ni Xander dun sa baba at umakyat na sya sa taas.

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon