Chapter 21

1.8K 65 9
                                    

"Once she wakes up eh pwede niyo nang iuwi si ma'am sir."

"So she's ok?"

"Opo. Nasubrahan lang sa alak at walang kinain."

Tumango siya bago nagpasalamat sa resident doctor ng kumpanya. Buti nalang at andoon ito sa clinic sa baba ng tumawag siya nang mahimatay si Akera.

Nang maiwan sila ni Akera sa kwarto nito sa loob ng opisina ng dalaga ay lumapit siya sa kama at pinakititigan ang maganda nitong mukha. Namamaga ang mga mata nito at mukhang stress na stress.

Hinaplos niya ang pisngi nito bago siya tumabi ng higa dito tsaka ito hinila payakap. He makes himself contented by just staring at her face and occasionally kissing her forehead.

"Sorry baby. Sorry." Bulong niya dito bago humigpit ang yakap niya sa dalaga tsaka niya ipinikit ang mga mata.

He already texted his sister na hindi siya makakapunta sa ospital dahil may nangyari kay Akera.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog pero nagising siya nang tila may nakatitig sa kanya. When he opens his eyes ay mga mata nang dalaga ang agad niyang nakita.

"Hey." Bati niya bago siya naupo sa kama. "Wait lang." he said bago siya nagpunta sa banyo at nagmumog doon at umihi. Once he's done ay bumalil ulit siya sa kama kung saan nakaupo na ang dalaga sa gitna non. "Hi baby."

"Bakit ka andito?" Tanong nito.

Mukhang nagtatampo pa nga ito sa kanya. Lumapit siya dito at umupo sa harap nito. "I'm here to say sorry."

"Ok."

"It's not ok madam. Nagkamali ako. Mas inuna ko ang nararamdaman ko without thinking na may pakiramdam ka rin. Pasensiya na. Hindi na kung bigla akong nawala. Tsaka yung bulaklak—-."

"You already explained awhile ago. I still remember it. And as what I said. Ok. Its ok. I get it and I understand it dont worry." Sabi nito bago ito pilit na ngumiti. "You should get going now. Naabala na kita ng husto." Malamig nitong sabi.

"Nagtatampo ka." Natigilan ito bago nag angat ng tingin sa kanya. "Galit ka parin."

Umiling ito bago napahawak sa ulo. "Fck."

"Ok ka lang? Nahihilo kaba?"

Huminga ito nang malalim bago tumango nang marahan. "Im ok. And no I'm not mad. Tampo maybe. But it will passed."

"Gusto kita madam." Natigilan ito. "Gusto kita, gustong gusto kita. Kahit alam kong isa kang suntok sa buwan eh hindi ko mapigilan ang gustuhin ka. Patawad madam kung nagkaroon man nang malisya ang pakikitungo ko sayo. Pero hindi ko mapigilan. Lahat ng halik at yakap na pinagkaloob ko sayo eh totoo yon. Kaya pasensya kung sa tingin mo eh pafall ako. Pero ganun ko lang talaga itrato ang babaeng gusto ko."

Matagal itong di nagsalita pero sa gulat niya ay bumalik ito sa kama bago kumandong pabukaka sa kanya. Niyakap din ng mga braso nito ang leeg niya bago siya hinalikan sa noo ng ubod nang lambing na ikinapikit niya.

"Salbahe ka." Mahina nitong sabi bago sinapo ang mukha niya at dinampian siya ng halik sa labi. "Liligawan mo ako?" Bigla nitong tanong na ikinagulat niya.

"Madam."

"Kasi kong oo, eh ayaw ko." Sabi nito bago siya hinalikan ulit sa labi. "I don't believe in courtship. What matters to me is to know na kaya mong panindigan ang nararamdaman mo sa akin."

Napaka straightforward naman nito.

"Hindi ko alam kung gusto na kita. Pero nagselos ako sa kaalamang may binigyan kang bulaklak at hindi ako yon. Nagalit ako sa kaalamang nakaya mo akong baliwalain. Pero papatawarin kita sa pagkakataong ito. But once you did this again, I will hunt you down and hurt you. Physically and mentally." May halong pagbabanta sa boses nito.

"Madam naman."

"Me saying that means me taking my claim on you." Sabi nito bago siya tinitigan sa mga mata. "You are mine Alexander. Mine alone."

"Mahirap lang ako madam." He voiced out.

Pinagtaasan siya nito ng kilay. "Yeah so?"

"Magkalayo ang agwat ng status natin. Baka pagtawanan ka ng mga tao."

"Like I fcking care? Seriously Alex, you should know by now that the least of my concern is what other people think of me. I don't gave a single fck about what they think. Hindi sila ang nagpapalamon sa akin."

Napalunok siya and before he could answer ay sinakop na nito ang labi niya kasabay nang pag bukas ng pinto sa kwarto nito sa opisina.

"Oh for fck sake."

Agad na pinutol nang dalaga ang paghalik sa kanya pero di naman ito umalis sa pagkakakandong sa kanya.

"Akera!! What the hell lady." Pasigaw na sabi ng bagong dating.

"Dad!"

Dad? Tatay nito ang lalaki na nakatayo sa may pinto?

Nalintikan na.

Call me, MADAMWhere stories live. Discover now