Chapter 16

1.7K 62 8
                                    

"Salamat po." Sabi ng dalaga sa nanay niya ng abutan ito nang baso na may lamang maiinum na tubig.

Akera finally stop crying at ngayon ay nasa kwarto niya sila nito. May mga bisita kasi ang nanay niya kaya dito na niya dinala ang dalaga.

"Kumain kanaba iha? Gusto mong pagdalhan kita ng makakain? May pansit pa naman at lechong manok na natira."

Tumingin si Akera sa kanya at napakuyom na naman siya ng kamao nang makita ang pasa nitong nagsimulang magmarka sa pisngi. Halata masyado dahil sa kaputian nito.

"Gusto mong kumain?" Tanong niya.

Nahihiya itong tumango kaya tumayo siya bago inakbayan ang nanay niyang pinapanood sila ng dalaga.

"Tara nay, kukuha lang ako ng makakain ni Akera." Sabi niya.

"Ahm Pasensiya na po sa abala. Happy birthday po pala." Mahinang sabi ng dalaga na ikinangiti ng nanay niya.

"Ayos lang iha. Hala magpahinga ka muna dito. Aasikasuhin ko lang ang mga kumare ko." Sabi ng nanay niya bago sabay silang lumabas nang kwarto na dalawa.

"Nak."

"Po?"

"Girlfriend mo ba yon? At ano ngang pangalan? Akera?" Tanong nang nanay niya.

"Yes po nay. Akera po ang pangalan niya. Asikasuhin mo po muna ang mga kumare mo, aasikasuhin ko muna si Akera nay at wag niyo pong papasukin si Aleya sa kwarto ko dahil mag uusap muna kami ng masinsinan ni Akera." Sabi niya dito.

"Ok anak." Sabi nito bago ito nagtungo sa sala habang siya ay sa kusina naman para kunan ng pagkain ang dalaga. Once he got the plate with food and a bottle of coke ay bumalik siya sa kwarto niya at inilock ang pinto doon.

He saw Akera sitting down on his bed pero malayo ang tanaw nito.

"Hey." Sabi niya at napakunot noo siya nang mapa igtad ito sa gulat. "Kain kana." Sabi niya bago inilagay sa bedside table niya ang plato at coke.

"It was kean." Bigla nitong sabi kaya napaupo siya sa tabi nito. "Siya ang may gawa nito." Mahina nitong sabi bago siya tiningnan sa mga mata. "Inabangan niya ako sa parking lot sa opisina. H-hindi ko alam kung ano ang balak niya pero nanlaban ako. Kahit masakit ang paghila niya sa buhok ko at ang pagsampal sa mukha ko ay nanlaban ako para makalayo Alex." Sabi nito bago nagtuluan ang luha sa mga mata nito. Napahikbi ito bago itinakip ang nanginginig na kamay sa mukha nito. "Buti nalang may gwardiya. Dahil sa gwardiya kaya ako naka alis. My god Alex, natatakot ako."

"Baby." Sabi niya bago niya inalis ang kamay nitong nakatakip sa mukha nito. Agad din niyang pinahiran ang mga luha nito. "Shhh, andito na ako. Hindi ko siya hahayaang gawan ka ng masama o masaktan ulit."

"B-babe."

Marahan niyang hinaplos ang pasang nagsisimula ng magmarka sa pisngi nito. "Tangina, ni hindi nga kita kinukurot o kinakagat tapos sasampalin  ka lang niya nang ganun ganun? Magpakita lang siya sa akin eh sasapakin ko talaga ang gagong yon." Sabi niya which is true. He really wanna punch the assh*le right now. Igante man lang si Akera.

"P-pwede bang dito muna ako? O di kaya ay samahan mo ako sa bahay? Ayaw kong mag isa."

"Naman madam. Magpapaalam ako kina nanay na saiyo muna ako hanggat nasa paligid ang gagong yon. Pero ok lang ba sayo yon?" Tanong niya.

Tumango ito. "Mas ok nang ikaw ang kasama ko lagi kesa sa kanya Alexander."

Tumango siya bago tinuyo ang mga luha nito tsaka ito hinalikan sa noo. "Kumain kana, tas gagamutin ko yan pasa mo bago tayo umuwi sa bahay mo. Magpapaalam lang ako kina nanay." He said bago siya tumayo at lalabas na sana ng kwarto ng tawagin siya nang dalaga.

"Alexander."

"Bakit madam?"

"Maraming salamat." Sabi nito na nagpagbalik sa kanya sa tabi nito.

Agad niyang sinapo ang mukha ng dalaga bago dinampian ng magaang halik ang labi nito.

"Basta ikaw madam, walang problema. Kumain kana."

Tumango ito bago kinuha ang plato at nagsimula itong kumain.

Napabuntong hininga siya bago tumalikod. Magpapaalam siya sa mga magulang niya. Akera needs him now. And he will surely do everything to protect her.

Tsk. Inis niyang sabi nang maalala ang pasa nito sa pisngi. Nakakagalit.

Call me, MADAMWhere stories live. Discover now