Kabanata 7 - Lilac

17 2 0
                                    

Hernyxia Moscoval

Ito na ang ikasampung araw ko sa mundo ng Hirayon at kahit papa'no ay nakakabisado ko na rin ang ilan sa mga patakaran nila.

Totoong masayang manirahan sa mundong ito. Malaya kong nagagawa ang mga bagay na gusto ko, hindi man lahat pero sapat na para masabi kong kontento. Ngunit kahit na anong pagkakabusy ang gawin ko rito ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mundo ko... ang Earth. Kumusta na kaya ang bahay, sina Tita Hilda. Hindi man maganda ang naging turing nila sa 'kin pero nami-miss ko pa rin sila. Palaging iniisip kung hinahanap pa kaya nila ako o masaya na sila ngayon kasi wala na ako sa paningin nila.

Si Tito Dan, tumigil na ba siya sa pag-iinom?

Napabuntong-hininga ako. Ang daming tanong ngayon ang namumuo sa isipan ko, pero hindi ko alam kung kailan masasagot ang lahat ng mga iyon.

Alam na nga rin pala ni Kia ang nangyaring pagkakadala sa 'kin sa Konseho. Ang akala ko ay magagalit siya pero kabaligtaran ang nangyari, mas nangingibabaw ang pagtawa niya sa hindi ko malamang dahilan. Siguro ay dahil sa kung paano ko inisip na isang warlock si Prinsipe Alistair. Kung naroon lang daw siya ay malamang tinawanan na niya ang naging reaksyon ko. Sa kabilang banda naman ay humingi siya ng sorry sa 'kin, nakalimutan niya raw kasi akong paalalahanan sa mga lugar na hindi dapat puntahan. May kasalanan din ako dahil hindi ako nagpaalam sa kaniya.

Naalala ko ang lalaking nakilala ko sa hardin, simula ng araw na 'yon ay hindi na kami nagkita ulit. Akala ko talaga ay galing siya sa Tribe ng Azaki, pero hindi pala. Ang kwento sa 'kin ni Kia ay galing ito sa Occulus, ang Fallen Tribe.

Hindi niya nabanggit dati ang tungkol doon pero mukhang hindi na rin siya nakapagpigil. Ayon sa kaniya, ang Occulus ang pumapangalawa sa pinakamalaking lupain ng Hirayon. Kung ang Derami ay binansagang Tribe of all Aryonés, ang Occulus naman ay hinirang bilang Tribe of two swords dahil dalawa ang namumuno dito. Ang pinakamataas at namumuno sa lahat, ang Empress na si Urika at ang ina ni Prinsipe Alistair, si Reyna Zendeska. Kinilala rin ang tribe nila as Canon of Ursum dahil sa kanilang angking katapangan at katapatan sa kanilang salita o pamantayan. Subalit ngayon ay burado na ito sa mapa, at tanging iisang tao na lamang ang natira.

Isang daang taon na ang nakalipas simula nang may mangyaring gulo sa kanilang mundo, at dahil daw iyon sa mga warlocks. Sinubukan ng mga ito na i-conquer ang buong Hirayon ngunit dahil nasa Occulus noon ang kapangyarihan at trono ay hindi nila ito magawa. Ang akala nila ay hindi na susubok pa ang mga warlocks sa planong pagsakop ngunit nagkamali sila. Pinatay ng mga ito ang mga mahal sa buhay ni Reyna Zendeska, ang asawa at ina nito. Iyon ang most vulnerable time ng Occulus kaya sila napasok ng mga kalaban. Sa kabila ng lahat, hindi pa rin nila nagawang isuko ang trono at ang mga tribes kaya kahit sa kahulihulihan ng kanilang hininga ay lumaban sila kahit maging kapalit pa nito ay ang kanilang buhay. Kaysa malukob ang kanilang tahanan ng kasamaan ay winakasan na lamang ito ng kanilang Reyna. Tinapos niya ang masamang balak ng mga Azaki sa pamamagitan ng Destruction. Iyon ang dahilan kung bakit burado na sa mapa ang kanilang tahanan.

At kung bakit at paano nabuhay si Prinsipe Alistair ay isang napakalaking katanungan...

Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganoon na lang ang galit niya nang mapagkamalan niya ako na isang ispiya. Nawalan lang naman siya ng mga mahal sa buhay, pati na rin ang tahanang kinagisnan niya. Natatakot siguro siyang maulit ang nangyari noon.

May pagkakapareho lang din pala kami, wala ng magulang... pero hindi gaya ko may mga natira pa sa 'kin... hindi na nga lang ako mahal.

"Eryn? nandito na ako!"

Agad akong napatayo matapos marinig ang boses ni Kia. Tapos na siguro ang klase niya. Mabuti naman dahil nababagot na rin akong mag-isa.

"Kumusta?" tanong ko sa kaniya.

Vengeance of the Fallen TribeWhere stories live. Discover now