Kabanata 2 - Paanyaya

20 2 0
                                    

Hernyxia Moscoval

Sunday na ngayon at wala sina Grasya at Herdel dito sa bahay. Kasama nilang magsimba si Tita Hilda. Papasapit na ang hapon subalit hanggang ngayon ay wala pa rin sila. Baka namasyal na naman ang mga ito, kapag ganoon ay madalas aladose na ng gabi sila nakakauwi. Maiiwan na naman akong mag-isa dito sa kwarto, wala naman kasi akong kaibigan bukod kay Kia. Si Tito naman, as usual ay nasa mga kainuman na naman niya. Buong araw iyong nandoon at makakauwi lamang kung susunduin pa ni tita.

Hindi naman talaga ganito ang ugali nilang mag-asawa.Mabait sila at mapagmahal. Madalas silang may quality time sa isa't-isa at madalang lamang kung sila ay mag-away. Miski ang mga pinsan ko ay malapit din sa akin noon. Nagbago lang talaga ang lahat matapos mapag-usapan ang pamilya namin na may lahing siraulo dahil sa 'kin, tumagal iyon hanggang sa unti-unti ng magbago ang turing nila sa 'kin. Ayaw ni tito na nakikita akong sinasaktan ng asawa niya, pero wala siyang magawa dahil sa tuwing makikialam siya ay sila naman ang nag-aaway.

Ayaw ko rin naman na mangyari o maulit pa 'yun dahil lang sa 'kin. Nakikitira na nga lang ako sa kanila tapos magdudulot pa ako ng ikakasira ng kanilang pamilya. 'Yung pag-iinom nga ni tito ay sa akin rin nila isinisisi. Hindi niya alam na kaya nagkakaganoon ang asawa niya ay dahil din sa kaniya.

Natigil ang malalim na pag-iisip ko nang marinig ko ang makailang beses na pagkatok sa bintana ng kwarto ko. Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga at binuksan iyon.

"Ate Yxia!" Bumungad sa 'kin ang malawak na ngiti ni Kia na unti-unti rin naglaho matapos niyang makita ang hitsura ko. Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuhan ko at nagsalubong ang dalawa niyang kilay. "Anong nangyari sa 'yo?" may pag-aalala sa tinig niya at dali-daling pumanhik sa loob.

"Bakit sa bintana ka pa dumaan. Pwede ka naman mag-Ianuae na lang papunta rito." paglilihis ko sa tanong niya. Ang Ianuae ay salitang katumbas ng teleport. Iyon kuno ang tawag sa kanila nito.

Mukhang hindi naman naging effective dahil pinanliitan ako nito ng mga mata. Humakbang siya palapit sa 'kin kaya napaatras ako at tumingin sa kisame. Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin, nang-uusisa. "Sinaktan ka na naman ng gorilya mong tiyahin?" ani nito.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa sinabi niya. Kung maririnig lang siguro siya nito ay siguradong uusok sa inis ang tainga no'n. Dati pa man ay iyon na talaga ang tawag niya kay Tita Hilda. Palagi raw kasi itong galit at nakalobo ang dalawang butas ng ilong, pati ang pagpameywang na tulad sa isang gorilya ay kuhang kuha na nito.

"Ikaw talaga, hindi ka pa ba nasanay?" tanong ko.

Palagi naman niya akong nakikita na may pasa sa tuwing dadalaw siya. Ano pa ba ang bago, hays.

Hindi siya nakasagot. Saksi naman kasi siya sa kung paano ako saktan ni tita at kahit pa gusto niyang makialam at parusahan ito ay hindi maaari, at hindi ko rin papayagan dahil ayaw kong mapahamak siya at malaman nila ang eksistensya niya. Kaya hangga't kaya ko ay tinitiis ko na lamang ito.

Tumaas ang kilay ko nang hatakin niya ako at pinaupo sa aking kama. Hinawakan nito ang magkabilang palad ko at pumikit nang bahagya. "Anong ginagawa mo?" naguguluhan kong tanong. Ngunit pinayuhan niya lamang ako na manahimik.

Unti-unti akong nakaramdam ng init o maliit na kuryente na dumadaloy sa loob ng katawan ko, maya-maya lang ay gumingawa ang pakiramdam ko. Wala na ang sakit ng katawan ko na dulot ng nangyari kagabi.

"Ayos ba?" nakangisi nitong tanong sa akin.

Tinignan ko ang kabuuan ko, may ilan pa rin sa mga pasa ang visible sa katawan ko pero kapag pinindot ko ang mga ito ay hindi na ako nakakarandam ng anumang kirot doon.

Vengeance of the Fallen TribeWhere stories live. Discover now