Chapter 18: The Jemaima Program

Start from the beginning
                                    


Muli niyang pinagmasdan ang case files patungkol sa misteryosong pagkamatay ni Mrs. Grady at pati narin ang pag-ambush sa asawa at anak nito sa pag-asang mayroon siyang makikitang koneksyon sa pagkawala ni Sisa.


Bigla na lamang bumukas ang pinto dahilan para mapalingon rito si Ponzi at magising si naman si Archie.

"Ponzi, heto na ang medical files na hinihingi mo at pati narin ang log book noong araw na mamatay si Lucia Grady." Sabi pa ng hepe na bitbit ang isang isang malaking kahong puno ng mga papeles. "Yung ibang files baka bukas pa ng umaga pa dumating."

Lumapit ang hepe at pinagmasdan ang mga impormasyong nakasulat at news paper clippings na nakadikit sa white board.

"Teka, sino sila? Ba't yung ibang litrato minarkahan mo ng kulay pulang ekis?" Tanong ng hepe nang makita ang napakaraming mga litrato ng mga dalaga na nakadikit sa white board. Mayroong mga lumang litrato, mayroon ring mga bago pero lahat ng mga babae ay mistulang magkakaedad lamang.

"All of them went missing. Yang mga may pulang ekis, patay na sila nang muling matagpuan. Ang mga binilugan ko, lahat sila buhay nang natagpuan matapos ang ilang buwan o taon ng pagkawala. Ang mga walang marka, sila ang mga hindi pa natatagpuan hanggang ngayon, hindi pa alam kung buhay pa sila o hindi lang natatagpuan ang mga bangkay. Lahat ng mga natagpuan, patay man o buhay, they all showed signs that they were lobotomized." Paliwanag ni Ponzi na may blankong ekspresyon.

"Teka? Ibig sabihin konektado ang lahat? Hijo hindi ba dapat si Sisa ang—"


"Kung andito si Sisa, tiyak na ito rin ang gagawin niya. Wala tayong kaide-ideya kung sino ang kumuha kay Sisa o kung nasaan man siya kaya nasisiguro kong nasa nakaraan ang kasagutan. Isang 14 year old na dalaga ang kauna-unahang nawala sa Crimson Lake at siya ay si Jemaima Delfino. Natuklasang at napatunayang naglayas siya kaya simula noon ay ipinapalagay nang naglayas ang lahat ng mga dalagang nawawala." Aligagang itinuro ni Ponzi ang ma litrato, "Ang Crimson Ripper, si Mrs. Lucia Grady..." Kinuha ni Ponzi ang lumang litrato ng ginang na may kulay itim na ekis, "March 1985 nang i-report siyang missing ng mga magulang niya. Ayon dito sa mga news articles, may masamang reputasyon sa eskwelahan ang noo'y dalaga pang si Mrs. Grady kaya maraming nag-iisip na naglayas lang siya. November 1987 nang matagpuan siya sa isang ospital, sabi andun daw siya matapos ang isang car accident. Nang tanungin kung ano ang nangyari sa kanya mula nang mawala siya, wala na daw siyang natatandaan. Marami rin siyang alaala sa nakaraan na nakalimutan. Mula noon nagbago si Mrs. Grady, bigla siyang naging mabait at bigla siyang nagkaroon ng direksyon sa buhay hanggang sa magkapamilya." Paliwanag ni Ponzi saka inabot sa hepe ang isang tablet na naglalaman ng video ng naging pag-uusap ni Sisa at ni Mrs. Grady noong buhay pa ito sa kulungan.


"I didn't get to her first, I failed to save her from hell. Kung may pagkakamali man ako sa kanya, yun ay hindi ako ang pumatay sa kanya—Yan mismo ang mga sinabi ni Mrs. Grady kay Sisa." Walang emosyong pag-uulit ni Ponzi sa mga katagang binitawan nito, "Noong narinig kong sinabi niya ito kay Sisa, litong-lito ako at wala akong maintindihan. Pero ngayong nalaman ko na ang nangyari sa kanya noon, malinaw na sa akin ang lahat... Pumapatay si Mrs. Grady kasi ayaw niyang maranasan ng mga babae ang mismong naranasan niya kaya habang maaga ay tinatapos na niya ang mga paghihirap nito bago pa man siya maunahan ng kung sino mang dumukot sa kanya. Sa pag-iisip ni Mrs, Grady ito ang tama. Kung sino man ang dumukot kay Mrs. Grady noon ay siya ring dumukot kay Julia at sigurado akong siya rin ang hawak ngayon kay Sisa. Chief, lahat ng mga babaeng nawala, kung hindi patay nang matagpuan, nasiraan naman ng bait. Ang ilan sa mga hindi nasiraan ng bait, di kalaunay namatay at lahat dahil sa lason, kabilang na sa kanila si Mrs. Grady...  Nilason silang lahat." Dagdag pa ni Ponzi.

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now