Kabanata 4 - Bagong pangalan

21 1 0
                                    

Hernyxia Moscoval

Gising na ang diwa ko ngunit nananatili lamang akong nakapikit, hindi ko pa iminumulat ang mga mata ko dahil pinakikiramdaman ko pa kung nasaang lugar ako ngayon.

Pasimple kong kinapa ang gilid ko. Madulas at malambot ang telang kinahihigaan ko kaya may hinuha na ako na nasa isang kwarto ako. Ngunit kaninong kwarto?

Naalala kong may nakahuli nga pala sa akin. Bumalik na naman ang kaba na naramdaman ko nang mga oras na iyon, mabilis at malakas ang dagundong ng dibdib ko at nahirapan akong huminga kaya hindi ko na napigilan pa na maidilat ang mata ko. Sakto naman na may kamay sa tapat ng mukha ko na tila ba may balak akong hawakan.

“Mabuti naman at gising ka na.” tinig iyon ng isang lalaki.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at awtomatiko akong napabalikwas sa kama. Nagtago ako sa gilid niyon.

“Anong ginagawa mo diyan, binibini?” tanong nito.

Marahan kong iniangat ang ulo ko upang silipin ang kaniyang mukha at halos mapanganga ako sa kaniyang istura. Mahaba at may pagkacurly ang gintong buhok nito, mistiso at may singkit na ginintuang mga mata na nakasisilaw kapag nasisinagan ng araw na nagmumula sa malaking bintana. Nakasuot ito ng black na polo at black slacks na jumper ang style. Magkasalikop ang mga palad nito habang nakaupo siya sa kabilang gilid ng kama na hinihigaan ko kanina.

In short, gwapo s'ya.

“Huwag kang matakot, hindi ako masamang tao.” sambit nito at ngumiti. Ngayon ko lamang napansin na may malalim siyang dimple sa kanang pisngi.

Ilang segundo ko pa siyang tinitigan bago napagpasyahan na bumalik sa kama upang maupo. Mukha naman siyang harmless at palagay ko ay nagsasabi siya ng totoo.

“Kung hindi ka masama, bakit mo ako kinidnap?”

Nagsalubong ang makapal na pares ng kilay nito. “Kinidnap? ano iyon?” nagtatakha nitong untag.

Napakamot naman ako sa tanong niya. Bakit hindi ba niya alam ang salitang iyon, hays. Pareho sila ni Kia, kadalasan kapag may nababanggit akong word na hindi niya naiintindihan ay humahantong pa ito sa eksplinasyon. Sa bagay, magkaiba nga naman pala kami ng mundo. Marahil ay may mga bagay silang hindi nalalaman at ganoon din ako. “Ang sabi ko bakit mo ako hinuli?”

“Ah iyon ba, hindi naman talaga kita dinakip. Dinala lang kita rito dahil hinimatay ka bigla kanina.” sambit niya. “Naroon ako upang sana ay magbanyo at saktong nakita kita na nagtatago.” dagdag niya pa.

Nagtaka ako sa sinabi niya, kung gano'n nga ang nangyari ibig sabihin... oh my! may nakita ba ako kaya ako hinimatay?! isipin ko pa lang ang bagay na 'yun ay gusto ko nang himatayin ulit.

Nasapo ko ang noo ko. Sana talaga ay nawalan lang ako ng malay dahil sa nerbyos nang makita ko siya at hindi sa kung anuman.

“Ano nga pala ang iyong ngalan binibini?”

Muntikan ko nang masambit ang pangalan ko ngunit naalala ko si Kia, lalo na ang mga bilin nito. Ang una niyang rule sa oras na makatapak ako rito ay huwag akong sasama kahit kanino, kun'di sa kaniya lang. Pangalawa, huwag akong makikipag-usap lalo na sa hindi ko kilala at huwag ko basta ibibigay ang tunay na pangalan ko. Pangatlo, hindi nila dapat malaman ang katauhan ko, na galing ako sa ibang mundo at kung saang mundo ako nagmula.

“Alam kong nakakabighani ang kagwapuhan ko, hindi mo na kailangang ipamukha sa 'kin.”

Napangiwi ako sa sinabi niya. Mahangin pala ang isang ito, akala ko ay sa mundo ko lang may ganitong katangian.

“Ako nga pala si Chade... Chade Lopez,” pagpapatiuna niyang pakilala nang hindi ako magsalita. Itinaas nito ang kamay sa ere para makipagshake hands sa akin.

Vengeance of the Fallen TribeWhere stories live. Discover now