𝟾𝟹 - 𝚈𝚘𝚞'𝚟𝚎 𝚌𝚑𝚊𝚗𝚐𝚎𝚍

Start from the beginning
                                    

Or am I just being a "feelingera"?

Pumasok kami sa isang store wherein for kids fashion ang mga naroon. Seems like a dollar shop. Their clothes looks elegant and I am pretty sure mga mamahalin ang naririto. Well, tama ang pinasukan namin. Hindi nagsusuot ng kung anu-ano lang ang batang yun. Laking yaman ba naman kasi.

I know most of you were asking kung nasaan o sino ang ama ni Adi. She's born without a father. She was under vitro fertilisation, known as IVF. It is a procedure used to help you get pregnant. In IVF, a human egg is fertilised with sperm in a laboratory then implanted into a uterus. If the fertilised egg (embryo) successfully implants in the uterus, this will result in pregnancy.

Their sperm donor is ate-mommy's close friend and Adi's ninong. Well, she call him daddy-ninong. Alam niya na rin naman lahat. We know she's still young pero super duper open talaga ng mind niya kahit sa mga ganitong bagay kaya madali niya lang itong nakuha.

Adi was raised by ate-mommy with a genuine heart.

Yun nga lang, medyo maarte rin minsan. Ta's super sungit pa niyan if ayaw niya sa isang tao, swear.

"Weʼre done. Letʼs go." I heard Miss Lia spoke at kinaladkad na naman ako. "Where are you guys going next?"

"Weʼre going to buy groceries, po." Si Adi na ang sumagot.

"Okay, letʼs go."

"Wait," hinawakan ko ito sa braso pero nailang ako kaya agad ko ring kinuha. "Ako na niyan." Saad ko sabay kuha ng mga paper bags na bitbit niya. Andami e, tatlong bags agad e kay Adi lang naman ito. My goodness! Spoiler masyado.

Hindi nagtagal ay nakarating naman agad kami sa grocery store. Tinulungan niya rin ako kung ano bang dapat na mga bibilhin. I am the one whoʼs pushing the cart at nasakay si Adi kahit big girl na sya e nagpumilit pa while sheʼs the one na kumukuha ng mga bibilhin.

Kanina pa ʼto e, ang weird kasi sa pakiramdam. Ano ba itong nararamdaman ko?

"Hey, hey...Iʼm the one that will pay, itʼs my groceries, not yours." Bigla sabi ko ng kumuha ito ng card sa wallet niya.

"No, itʼs fine. Ako na..."

"No, ako na. Please..."

"Okay..." Pagsuko nito.

Inilahad ko na ang card ko sa cashier pero diretsong nakatingin lang ito sa akin while her cheeks have gotten red.

What is wrong with her?

I waved my hands. "Hello, Miss?"

Bumalik naman ito sa wisyo at nahihiyang ngumiti pa.

"Iʼm sorry, po. Kinikilig lang po kasi ako sa inyo, super bagay na bagay e. Ang cute po ng family niyo, hehe." Sabi ng cashier na ikinagulat ko.

"Oh, no! Weʼre not, hehe. This little girl is my niece and her...sheʼs married." Mahinang saad ko.

"Hala, Iʼm sorry po. Friends lang po pala kay-"

"Hindi rin kami magkaibigan." It was Miss Lia who spoke na ikinaangat ng ulo ko at tiningnan siya. Blangko ang mukha nito at wala kang makikitang kahit na anong emosyon dito.

Yumuko na lamang ang cashier after nag-sorry at ginawa na lamang ang trabaho niya. Natakot ata sa nakita kay Miss Lia.

Palabas na kami ng grocery store at super-duper awkward na talaga ng ihip ng hangin. Karga niya si Adi while hawak ko ang mga groceries namin ni Adi at ang mga bags na laman ay mga damit nya.

"Letʼs have our lunch na, po." I said na ikinatango ng dalawa. "Saan tayo kakain?" I asked.

"Jollibee!" Masayang sagot ni Adi.

"No Jollibee, Adi. Papagalitan ako ng mommy mo." Saad ko na ikinalukot ng mukha nito.

"Letʼs just eat in Casa Delicatus." She coldy said kaya tumango na lamang ako.

"Where is that?" I asked.

"Near Quantum."

"Okay. Mauna na kayo, I'll just follow. I'll just bring this to the parking lot." Tango lamang ang natanggap ko at tinaluran na agad ako.

Gosh, bagay na sa kanya-I mean, yung may bitbit siyang bata, haha. Infairness ah, ang close na agad nila ni Adi.

Dali-dali ko namang inihatid itong mga bitbit ko sa sasakyan kasi ayaw kong dalawa lang silang mag-ina ko ang nandun-shesh! Just kidding.

Hindi nagtagal ay nahanap ko naman agad ang restaurant at agad ring nakita ng nga mata ko ang pwesto nila.

Diretso lamang ang mga titig ko at nakatutok lamang iyon sa kanila. They look cute together. Ang mga pagkain ay nasa table na. Gosh, ang dami!

"Hi-"

"I'll go to the restroom muna."

Okay.

Hindi man lang ako pinatapos, tsk. Kanina ang ganda pa ng ngiti niya tas ngayon dragona na naman. ʼDi man lang nagbabago ah.

"Hi, Adi."

"Hello, mommy."

"What's wrong with her?"

"I don't know."

Akmang tatabi na ako sa bata ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Gosh! Here we go again.

"OMG, Zielle! Ikaw nga!" Saad ng kung sinong babae at biglang niyakap ako.

"Uhm, do I know you?"

"Apparently not." She chuckled. "Well, isa lang naman ako sa tagahanga mo nung college. By the way, I'm Cheska. Cheska Emmanuel. I'm from Accountancy Department before."

"Hi, Cheska. It's nice to meet you." I smiled.

"Can we take a picture?"

"Of cour-"

"Great!" Then she took off her phone and took a picture of us. "Thanks, Zielle. Lalo kang gumanda now, gosh. And it's turning me on." Kagat-labing saad nito. Yuck!

"Uhm, okay...are you done? Kasi kakain pa kami." Naiiritang saad ko pero hindi man lang tumalab sa kanya. Landi ghorl ah.

"Not yet, Zielle. Hindi ko pa nakukuha ang gusto ko," shet, seducing me huh. That won't affect me, girl.

"What is i-"

"Kiss y-aw!" Hindi na natuloy ang sasabihin ng bigla itong natumba sa sahig. Ang laki ng impact ng pagkakatumba niya ah, haha.

"How dare touch what's mine! Know who you are bumping into." Nanggigigil na saad ni Miss Lia na sobrang ikinagulat ko. Lalo na ang mga sinabi niya. "What a shame!"

"P-professor...M-medina, I-I am sorry, p-po. I didn't k-know." Nauutal na saad nito at visible ang takot sa pagmumukha niya.

"That's a lesson you should learn next time, girl. What's mine is only mine. Do you understand?!"

"Yes po, y-yes po." Dali-dali itong tumayo at tumakbo.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao, gosh. Nakakahiya. But that was a very good scene. Hot!

---

A/N: I am sorry guys, super duper busy pa din kasi kahit Christmas Vacation na. Kahapon ka kasi dapat ito pero nga nakatulog ako, haha. Anyways...

Merry Christmas, everyone! 🎄❤️

Love yʼall! God bless and take care! Lovelots!

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now