Foreword: Happy Ending

3 0 0
                                    

Dear Readers,

Ano nga ba ang happy ending? 

Isang babaeng naliligaw ng landas, isang lalaking hinahanap ang kanyang sarili... pagtatagpuin. Bubuuin ang pagkukulang ng isa't isa. Tatanggapin ang bawat katangian. Walang mintis na kasiyahan. Magkasama hanggang sa walang hanggan.

Hep! hep!

Bago ka pa man tuluyang umasa, ipapaliwanag ko na. Oo, nag-eexist ito. At oo, ilang beses ko na itong nasaksihan. Sadyang hindi nga lang siguro talaga para sa'kin. 


Well! Ganyan talaga ang buhay ng isang side character: panakip-butas ng bida, tagatakbo para bumili ng bulaklak, isa sa mga nag-aayos ng banderitas ng wedding proposal ng mga main characters, o ang pinakamapait na biktima ng third-wheel.

Kung pwede nga lang minsang kainin na lang ng lupa.

Ayaw mo maniwala? Sige. Sayangin mo ang oras mo kakabasa ng walang kwenta kong istorya.


Nagmamahal,

Bia niyong pagod na

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Confessions of a Side CharacterWhere stories live. Discover now