"Ladies and gentlemen, nandito at makikisaya sa atin ang nag-iisang Drama Prince, si Tian Martell!" Nagagalak itong sinabi ng host na nasa stage, kaya nakatuon ngayon ang attention ng mga tao sa malaking screen kung saan makikita ang mukha ko.

Nagpatuloy lang ako sa pag-kaway at naging abot tenga ang ngiti ko nang pumalakpak ang ilan sa mga tao dito. Nakakatuwa na sa kabila ng mga issues ko, may mga tao pa rin ang nakakilala sa 'kin bilang Drama Prince.

"Tian Martell come and join to our exciting game, called Finding Song!" Sabi ng isa pang host.

Tumango ako at sinamahan ako ng mga kaibigan ko papunta sa gitna kung saan may mga nagtipon-tipon para maglaro sa sinasabi nilang Finding Song.


Nilapitan ako ng isang babaeng naka assign sa larong ito. "Ganito lang po ang gagawin sa laro. Kailangan mo mahanap ang sasabihing kanta, at para magawa ito ay kailangan mong lumapit sa isang tao. Nang naka blindfold. Para manalo dapat nasa taong nilapitan mo ang kantang pinapahanap." Tugon niya kung paano ito laroin.

"Huh? Ang hirap naman no'n...hindi ko alam kung tama ba ang malapitan ko dahil naka blindfold naman ako..." napakamot nalang ako sa ulo.

"Ganon po talaga, kasi ayon ang challenge sa larong ito. Pa-swertehan po ito. Kaya good luck po sa inyo." Nakangiting sabi ng babae at dahan-dahan na niya tinakpan ang mga mata ko sa face towel na makapal ang tela, kaya wala talaga akong makikita dito.

Hinawakan ako ng babae at dinala niya ako sa hindi ko na alam kung saan, dahil wala talaga akong nakikita. Mayamaya ay ipinahinto niya ako. "Ikaw po ngayon ay nasa gitna, at sa gilid-gilid mo ay nakatayo ang mga taong pagpipilian mo. Ang iyong unang malapitan ang siyang pinili mo. Hindi na pwede magpalit." Sabi niya sa 'kin at naramdaman kong lumayo na siya.

"Tian Martell, ang kantang iyong hahanapin ay tagalog song. Kahit anong kanta basta tagalog. Napalibutan ka ngayon ng sampung choices. Lima sa kanila may hawak ng english song at ang lima ay tagalog." Instruction ng host. "Simulan na!" Biglang sabi niya.

Naku po mahihirapan ako ngayon. Pati sa pagkilos hindi ko alam paano simulan. Nanatili pa akong nakatayo sa kinatatayoan at pangiti-ngiti kahit na kinakabahan, dahil baka sa'n pa 'ko mapunta dito, wala pa naman akong nakikita.


Dahan-dahan ko na sinimulan ang paghakbang at inaabot-abot ko pa ang mga kamay ko para malaman kung saan na ako at kung may tao na ba akong nahahawakan.

Pahinto-hinto pa ako sa paglalakad dahil halos nahihilo na ako. Pero sa kabila nito ay pinipilit ko pa rin ang sarili na lumakad at tuloy-tuloy lang. Hindi ko na inisip ngayon ang manalo, ang mahalaga makalapit na ako sa pagpipilian para matapos na ito.

Para matapos ito ay dali-dali na akong tumakbo, at isang pangyayari ang hindi ko inasahan. May matigas na bagay akong natapakan sa lupa, at kung hindi ako nagkakamali ay bato ito, dahil dito ay para akong lumipad sa bilis ng pagkatapon ko.

Nanlaki ang mga mata ko dahil parang may nahahawakan akong tao sa harapan ko, at mukhang hindi ko lang basta nahawakan dahil sigurado akong nayayakap ko ito. Malakas kasi ang kutob kong dibdib itong nadapoan ng mukha ko, at may kamay pang nakahawak sa likod ko.

Naririnig ko ang sarili kong paghingal at maging ang pagtibok sa puso ko, malamang kinakabahan at natakot lang ako.

Biglang naghiyawan at nagpalakpakan ang ilan sa mga taong narito. "Ayyiehhh..." sa tuno ng boses nila ay halatang kinikilig sila. Lalo na ang mga babaeng halos mapaos na kakasigaw.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now