chapter 8:bruises and pajamas

2 0 0
                                    

"i will make sure na malalaman ni Matty ang ginawa mo sakin.and i'll make sure na masisisante ka!" Galit na lumabas ng pintuan ng condo ni Zheng ang sexing babae na tulad ng mga nauna ay hindi niya alam ang pangalan.
Pabalewala na isinara nalang ni Ally ang pinto bago inumpisahan ang paglilinis ng buong condo na siguradong aabutin na naman ng ilang oras dahil ayaw na ayaw ng boss niya na may naiiwan kahit konting bakas ng sino mang babae na iniuwi nito sa condo nito.
Pang ilang babae na nga ba ito?
Hindi na niya matandaan kung pang ilan naba iyon simula nung unang beses na sinabi ni Zheng na "linisin niya ang kalat" sa condo nito.
May sarili na nga siyang key card sa condo nito para makapasok siya dito anytime na gustuhin ng boss niya na may ipalinis o ipatapon.
Na walang iba kundi mga babaeng naikama nito.
Kinuha niya ang laundry basket at inumpisahan na pulutin ang nagkalat na damit ni Zheng.nadampot na kasi nung babaeng sexy yung mga damit nito.
Two months na siya na secretary slash alalay,slash katulong nito.
Ilang buwan pa ang kailangan bago niya mabayadan ang utang niya dito.
Sa mga nakalipas na linggo mas madalas na siyang sunod lang ng sunod dito kesa nakikipagtalo dito dahil mas stress siya pag nakikipagtalo dito.
Wala rin naman mangyayari kung makikipagtalo siya dito dahil sa huli ito parin ang nasusunod.
Matapos linisin ang buong condo nagpasya siyang umuwi muna sa condo unit nila ni Kenji bago bumalik ng office.
Hindi naman tumatawag ang amo niyang halimaw kaya may oras pa siyang magpahinga.
Kasalukuyang siyang nasa shower ng marinig ang boses ni Kenji.
"Ally?!"
"Nasa banyo ako! Bakit?" Pinatay niya ang shower.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kanyang silid.
"Ally!" Muling tawag ni Kenji. May tila pagmamadali sa boses nito.
"Bakit?" Tugon niya mula sa banyo.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Kenji mula sa labas ng pinto ng banyo.
"Naliligo.bakit ba?"
"Can you please hurry up and get out now!"
"Bakit ba?" Binuksan niya ng maliit ang pinto at sumilip duon.
"Pwede ba wag kana magtanong at lumabas kana jan." Seryoso ang mukha ni Kenji at base sa tono ng boses nito ay may mukhang may nangyari.
"Wait lang.." akma na niyang isasara muli ang pinto pero.. "Kenji! Sanda-!"
Walang babala na tinulak nito ang pinto at hinila siya palabas.
"Wala na tayong oras." Tila wala itong pakialam kahit hubad siya at tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang katawan.
Si Kenji na ang kumuha ng tuwalya na nakasabit sa pinto ng banyo at nagbalot sa kanya.
"Pwede ba sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari bago mo ako madaliin ng ganyan!"
Para itong walang narinig. Tinungo nito ang closet niya at dumampot ng unang damit na mahawakan nito.
"Kenji ano ba?!' nilakasn na niya ang tinig.
"Get dress." Inabot nito ang damit sa kanya. Ang seryosong mata nito at tila balisang kilos ang unti unting nagpakaba sa kanya.
"Hihintayin kita sa labas."
"O-ok.." mabilis siyang nagbihis ng nakalabas na ito.
Hindi na niya nagawang magreklamo tungkol sa suot niya ng paglabas niya ng silid ay agad siyang hilahin ni Kenji palabas ng condo.
Kulang nalang kaladkarin siya nito.
Mabilis silang nakarating sa parking lot.
Napakunot noo siya ng ang paboritong sasakyan ni Zheng ang sakyan nila.
"Diba?..."
"Get in." Utos ni Kenji's sa kanya.
May mali.
Lalong lumakas ang kaba niya ng mapansin ang basag na side mirror at basag na windshield ng sasakyan.
"Kenji anong nangyari?"
"Mamaya na ako magpapaliwanag."
Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan.
Galit siya sa kanyang boss pero hindi siya masamang tao para hilingin na magkatotoo ang lahat ng gusto niyang mangyari dito sa tuwing galit siya o sa tuwing nagtatalo sila.
Oo may sa demonyo ang boss niya pero hindi nito deserve ang mapahamak.
'lord wag naman po sana..' piping panalangin niya.

Sa Zheng building sila humantong ni Kenji.
Mabibilis ang hakbang na pumasok sila ng building kung saan sinalubong sila ng guard na halatang hindi rin mapakali.
"Sir nasa penthouse po sila." Imporma nito sa kanila bago tumawag sa walkie talkie nito. "Sir andito na po sila."
Kung sino mang kausap nito ay agad din pinutol ang tawag.
"Lets go." Hinila siya ni Kenji papunta sa elevator.
Ang receptionist at mga tao sa lobby ay pinagtitinginan siya.
Marahil nagtataka ang mga ito kung bakit nakaternong pajama siya na pumasok ng office.
Ang damit kasing nadampot ni Kenji sa damitan niya ang ay pantulog niya.
Hindi na niya alintana ang kahihiyan dahil mas inaalala niya ang dahilan ng ikinikilos ni Kenji at kung anong nangyari sa boss niya.

Muntik na siyang tumakbo palayo.muntik na talaga.
Pero may kung ano sa itsura ni Mathew ang pumigil sa kanyang tumakbo palayo kahit pa muntik na siyang mahagip ng swivel chair na ibinato ni Mathew sakto sa pagbukas ng pinto ng elevator.
Theres blood all over his right shoulder at may mga gasgas sa braso,leeg, at pisngi nito.
Sa loob ng penthouse ay naroon ang ilang bodyguard ni Richard Zheng na pinipiit ang pagwawala ni Matthew pero kahit ang mga ito ay walang magawa.
Halatang galit na galit ang boss niya na matiim siyang tinitigan ng magtama ang mata nila.
"Get out! All of you!" Dumadagundong sa lakas ang galit na boses nito.
"Pero sir kailangan magamot ang mga sugat nyo.." atubiling lumapit ang isang bodyguard na hindi naituloy ang paglapit dahil sa tinging ipinukol dito ng boss niya.
"I.said.get.out.!" Mariin at pasigaw ulit nitong taboy.
"A-anong nangyari??"
"Well,lets just say that this is one of those days na lumalabas yung buntot at sungay ng pinsan ko.."
"Ano?!" Yung baling niyang iyon kay Kenji ay muntik na niya itong mabatukan. "Kenji sumeryoso ka nga!"
Nakakalokong ngumiti si Kenji bago sumeryoso. "Ok fine..hindi ko lang kasi expect na may concern ka pala sa pinsan ko."
"Kenji!" Inambaan niya ito ng suntok.
"Oo na titigil na." Itinaas pa nito ang dalwang kamay.
Tumikhim ito. "He got a fight in a bar earlier because of a woman last night."
Napakunot noo siya. "Dahil dun sa maputlang chicks?"
"Pano mo?.." nagtataka itong napatitig sa kanya.
Hindi kasi nito alam na siya ang taga linis ng pinsan nito ng mga "kalat" nito.
"Wag ka muna magtanong.ang tanong ko ang sagutin mo."
"Oo yung maputlang chicks na nakilala niya kagabi sa bar.it happens na that girl is the woman of one of Matty's enemy."
"Wag mong sabihing binugbog nila si Zheng kaya ganyan ang itsura niya?" Dahil kung sasabihin nitong oo,hindi siya maniniwala dito.
"Nope. You know him.even me i cant beat him in a fist fight."
"Eh ano ngang nangyari?" Naiinis na siya sa pambibitin nito. Gwapo sana ito kaso...
"They ambush him.they bump his car until it crash."
Thats explain the broken window of Zhengs car.
Muli siyang napabaling sa kinatatayuan ng boss ng muli itong sumigaw.
"I said get out! All of you! Now!" Maputla na ang mukha nito marahil dahil sa dugong umaagos sa balikat nito.
"His all yours." Makahulugang saad ni Kenji bago sinenyasan ang mga bodyguard ng tito nito na lumabas na.
"What?.." puzzles siya sa ibig nitong sabihin.
Sumakay na ito at ang mga bodyguard sa elevator. "Uncle think that maybe you can convince his son na magpagamot ng hindi tinuturukan ng pampatulog kaya..ikaw ng bahala sa kanya."
"Pero kenji..teka!" Isang saludo ang iniwan nito sa kanya bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator.
'patay!'
Unti unti siyang napalingon kay Zheng na hindi rin ine-expect na maiiwan siya duon kasama nito.
Pakiramdam nga niya mas tumiim pa ang galit na titig nito kesa kanina.
'lord iligtas nyo po ako!' piping hiling niya.
"What the fuck are you still doing here?!" Galit na tanong ni Zheng.
"Narinig mo naman diba?..sabi ni Kenji maiwan ako." Nginitian pa niya ito ng alanganin na akala mo maililigtas siya sa kung ano mang kademonyohang nasa isip nito.
"Did i say i want you here?" Humakbang ito palapit sa kinatatayuan niya.
'shit!'

-here comes zheng!
Next chapter coming!
Like,vote,and follow😊

Lust, Love and DesireWhere stories live. Discover now