Chapter Ten

3.6K 52 22
                                    

Chapter 10

Disaster.

Iyon ang pinakamagandang paglalarawan para sa araw na 'to. At laking pasasalamat ko na lang talaga dahil natapos na ang araw na 'to, sa wakas.

"Next time hayaan mo na lang ako okay?" Pagalit kong sabi kay Dino.

Patulog na sana ako pero pumasok sya dito sa kwarto ko para lang humingi ng sorry. Sorry na kanina ko pa naririnig sa bibig niya. E all in all, wala naman talaga siyang ginawang kasalanan.

All he did is to protect me. Buong araw simula pa ng ipahamak ako ni Mitchelle hanggang sa mga sumunod pa naming klase e wala syang ibang ginawa kundi tulungan at ipagtanggol ako.

Kaya nga ayoko ng gawin pa ulit yun dahil madadamay lang sya sa kamalasan ko.

"Then what do you want me to do? Panuorin lang silang pagtawanan at saktan ka?!" Iritable din niyang sagot.

"Wala! Wala kang kailangang gawin. Ang gusto ko, pag pinagtawanan nila ako, o kaya sinabihan ng kung anu ano, or even saktan nila ko, ang gusto ko manahimik ka lang. Wag ka ng mangialam! And I want you to do that starting tomorrow until my last day in that damn University!" itinuro ko ang pintuan sa kanya, "Now I want you to leave because I'm tired! And I badly need a rest." Humiga na ako pagkatapos at saka nagtalukbong.

Ayoko ng makipag usap pa sa kanya o di kaya'y makipagtalo dahil feeling ko ubos na ang energy ko. Maya-maya pa nga'y narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pintuan, I guess umalis na siya.

Saka ko tinanggal ang kumot sa mukha ko at hinayaan ang sarili kong huminga. Pakiramdam ko buong araw akong sinasakal. Buong araw akong pinpigilang huminga. And I am so glad na nandito na ko sa bahay at malaya na ulit akong nakakahinga. This is my comfort zone.

Then tears started to run in my face. Mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na kasi kaya. Grabe na yung nararamdaman ko. Simula pa lang ng umaga ay napagtripan na ko ni Mitchelle. Akala ko nga pagkatapos ng unang klase makakagalaw na ko ng normal dahil hindi ko na siya kaklase sa mga sumunod na subject pero hindi pa din pala.

Kasi kahit iba ang mga kaklase ko, nagkaisa pa din sila na pagtripan ako. Sabi nga nila 'welcome party' daw nila sa akin after two weeks of being MIA. Nariyan yung may mambabato sa akin ng papel sa gitna ng klase. Yung didikitan ng papel ang likod ko saying something bad. Harap harapan akong pag uusapan. And nung break, linagyan nila ng red paint ang uupuan ko kaya ng umupo ako dun, disaster. Para akong may dalaw. At nung tatakbo ako sa CR para itago ang sarili ko, out of nowhere may bumuhos na tubig sa akin. Hindi ko na alam kung kanino nanggaling basta ang alam ko, everyone's having fun. At ako ang trip nila.

At sa lahat ng oras na 'yon, nandoon si Dino para tulungan ako. Kinausap niya yung mga taong harap harapan akong pinagtatawanan. Ibinili niya ako ng bagong damit para tumigil na ako sa kakaiyak sa CR at para lumabas na ako kasi halos tatlong oras na akong nasa loob nun. At bawat oras, pinapagaan niya ang loob ko.

And I am thankful for that. Kaya lang naisip ko, baka idinadamay ko lang siya sa galit sa akin ng mga taong yun. Baka mamaya, maisipan nilang pati siya ibully. Baka pati siya pagtripan. And I don't want that to happen. Ayokong hilahin siya sa kinalalagyan ko. Okay ng ako na lang.

I know, kinakausap na ni Tita Elisse si dad about sa pagtransfer ko. Kailangan ko na lang maghintay. And while waiting, papasok muna ko sa school. Haharapin ko muna lahat to.

After all, this is the consequence of touching him. Of ruining his image. And for taking his sanity... and for making him crazy for two weeks.

Siya ang may sabi non diba?

Ipinilig ko ang ulo sa aking naisip. Hindi ko dapat iniisip yon. At higit sa lahat, hindi ko dapat siya iniisip.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Casanova LoverWhere stories live. Discover now