Chapter Three

2.8K 56 6
                                    

Chapter 3

WANTED: CRAZY GIRL WHO SLAPPED KEN.

Naka-capslock pa talaga 'yan sa announcement board ng eskwelahan. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan habang nakatitig ako dun. First, tinawag nila akong 'crazy girl'. Second, uhm? Basta ayun kinakabahan talaga ako. Paano na lang kung malaman nilang ako 'yun? Waaaah~

Nakakatakot pa naman ang mga 'fans' ni Ken. Naalala ko  dati, may isang babaeng sinubukan siyang sampalin dahil itinaas ng unggoy na 'yun ang palda nito pero bago pa man niya masampal 'yung unggoy, naunahan na siya ng mga 'fans' nito. 

I remember how they throw a pale of water to her. Hindi lang 'yun, itinapon pa ng mga kaibigan ni unggoy 'yung babae sa fountain ng University. That time, I felt sorry for the girl. Siya na nga ang nabastos, siya pa ang kinawawa. How rude were the students here right? 

Napapailing na lang ako habang naaalala ko 'yung tagpong 'yun. Bigla ay may naramdaman akong mga kamay na humawak sa balikat ko, "Kawawa naman 'yang babaeng 'yan no?" anang lalaking boses.

Nakatingin pa din ako sa announcement board. "Oo kawawa 'yung babaeng 'yun at ako." Napabuntong-hininga ako. Sa tingin ko magagaya ako sa babaeng 'yun. I slapped their 'precious' Kenneth for three times.

"What?" Bakas sa boses ng lalaki ang pagkalito. Hindi niya ---

Kunot-noo akong napalingon sa nagsasalita sa likod ko. "Sino ka?" Naguguluhan kong tanong. Seriously, sino 'tong nilalang na 'to?

Ngumiti siya sa akin, iyong tipo ng ngiti na nakakabighani. Oha, rhyming ano?

Pero dahil ako si Luna, wala akong naramdaman. Hindi ako kinilig. Hindi manlang ako nakaramdam ng kahit ano. "Kailangan mo po?" magalang kong tanong. Hindi naman siya mukhang matanda. Mukhang magka edad nga lang kami eh. Pero mahirap na, looks can be deceiving nga diba?

"I'm Jasmin." nakangiti pa din niyang sabi habang nakalahad na ang kanyang mga kamay.

Tiningnan ko 'yung kamay niya. Mas malamabot pa ata sa kamay ko. Pero teka nga, Jasmin daw? Jasmin ang pangalan ng isang kagaya nito? Na kahit hindi ako kinilig, alam ko namang gwapo siya.

"Jasmin?" ulit ko. Paulit- ulit ako kapag hindi ko naiintindihan -.-

"Oo, Jas-mint for you." sabi niya sabay kindat.

Oh tapos? I stopped myself from rolling my eyes. Confirmed. Casanova 'to. 

I faked a smile para naman hindi siya mapahiya. "Ah ok."

Patalikod na sana ako sa kanya kaso pinigilan niya ko sa paghawak niya sa braso ko, "Pwede ba kitang matanong?"

Panandaliang kumunot ang noo ko bago siya sinagot, "Nagtatanong ka na."

Gumuhit na naman sa gwapo niyang pagmumukha ang kanyang ngiti, "Nasaan ka nung Grand Ball?"

My Casanova LoverKde žijí příběhy. Začni objevovat